The Proposal
" Will you marry me?” isang tanong na nagpapahinto ng mundo ko. Isang tanong ng estrangherong kaharap ko ngayon. Isang tao na may misteryosong mga mata. Mga mata na parang bang hinihigop ka sa sariling mundo niya. Mga mata na hindi mo mabasa ang laman ng utak at pagkatao niya. Paano ba nagsimula ang lahat?
Earlier:
“Good afternoon Maddie!” nakangiting bati ng kasama kong si Lelit sa trabaho.
“Hi Lelit! Sorry late ako.” hinging despensa ko habang tinatali ang apron na may logong Happy Café.
“Busy ka ba kanina? Pasensya na tinapos ko pa ‘yong kakailanganin ko sa para sa finals namin.” habang hinahanda ko ang mga cups na gagamitin para sa mga customers na nagsisimula ng magsidatingan.
“Hindi gaano kanina Maddie, alam mo naman kapag katatapos lang ng lunch wala pa masyadong customer.’’
‘’ Teka, may nakita kana bang pamabayad mo sa exam?’’ Lelit asked without looking at me. “May kakilala akong nagpapa-utang ‘yon nga lang malalaki-laki ang tubo. Mas lalo kang mahihirapang magbayad lalo pa’t mahal na ang mga bilihin ngayon. Maintenance pa lang ng gamot ng Nanay mo, mahihirapan kana.’’ tuloy-tuloy niyang sabi. Alam ni Lelit ang story ng buhay ko. Maaga akong naulila sa Ama dahil sa stroke, habang ang Ina ko naman ay Diabetic kaya kailangan na niyang magturok nang Insulin araw-araw. Sa gamot at pagkain palang ni Nanay, hirap na ako. Isa akong Government scholar, pero hindi ibig sabihin na libre na lahat sa school. May mga miscellaneous pa akong babayaran, may mga projects lalo na ngayon at graduating na ako. Kaya nagpapasalamat ako sa may-ari ng Happy Café na’to dahil pinayagan niya akong magtrabaho kahit part-time lang. Pero hindi pa rin sapat ang kita ko kada araw. Kung pwede nga lang hindi na ako matulog dahil sa pagtatrabaho ay gagawin ko talaga.
“Maddie, nakikinig ka ba? Ang lalim ng iniisip mo ah.’’ habang iniwagayway niya ang kamay niya sa harap ko.
“Oo naman, kaya lang napapa-isip ako kung mangungutang ba ako sa kakilala mo. May disconnection notice na kaming natanggap para sa kuryente Lit. Kailangan ko nang bayaran sa katapusan ‘yon. Marami na akong utang, hangga’t maari ayoko ng dagdagan pa. Pero parang wala akong choice.’’ hindi ko man nasasabi kay Lelit ang mga hinaing ko, alam kong nararamdaman niya ako. Halos pareho kami nang pinagdaan niya, ‘yon nga lang maaga siyang naulila sa mga magulang. Nag-aaral pa siya ng second year college nung mawala ang Ama niya at makalipas lang ang isang taon sumunod naman ang Ina niya. Dahil nag-iisang anak, siya lahat ang nagbabayad sa utang ng mga magulang na naiwan.
“ Alam mo girl kung may maitulong lang ako sayo, tutulungan talaga kita. Alam mo naman ikaw lang ang kaibigan ko. Ikaw lang ang nandiyan nung kailangan ko ng karamay. Kaya lang gipit din ako eh.’’ sabay yakap sa likod ko.
“Naiintindihan ko Lit at tsaka sino pa ba ang magdadamayan kundi tayo-tayo lang.’’sabay lingon at lagay sa mga cups sa lalagyan.
‘’Teka girl, nabalitaan mo na ba yong pamangkin ni Ms. Marquez na ikakasal na sa katapusan?’’ pag-iiba ni Lelit sa usapan. Si Ms. Marquez ang may-ari ng Happy Café at ang pamangkin niyang babae ay pinapaaral niya ng college.
“Sigurado ka?!” medyo tumaas ang boses ko dahil sa balita ni Lelit. “ Ang bata-bata pa ni Camille ah.’’
“ ‘Yon ang sabi ni Ms. Marquez sa akin kanina. Medyo down nga ‘yong aura niya kanina habang sinasabi niya sa akin ang sinapit ni Camille. Masyado pa raw bata para bumuo na ng sariling pamilya. Pero wala na raw silang magagawa, aalalayan na lamang nila si Camille kaysa naman daw ‘di nila payagan tapos mag rebelde pa. May pagka maldita pa naman ang pamangkin niyang ‘yon.’’ she sighed. “ Iba talaga kapag hindi mo na pinoproblema ang pera nuh, nagagawa mo na lahat ng gusto mo.’’
‘’Kanya-kanya tayo ng kapalaran Lit, malay mo sa susunod na araw ikaw na rin ang ikakasal’’
“O di kaya ikaw. Hahahahaha ‘’ sagot ni Lelit habang sabay kaming natawa.
“Excuse me, can I order something?’’ a baritone voice came from our back dahilan ng sabay naming paglingon ni Lelit. A man with a dark hair, fine forehead, dark and deep set eyes, pointed nose, red and heart shape lips na para bang ang sarap tikman. Sculpted body na para bang perpektong nililok ng bihasang sculpture artist sa mahabang panahon. He is staring at me intently, looking straight to my eyes makes me forget at the moment.
“Miss?” he called me again.
“Girl tawag ka.’’ sabay siko sa akin ni Lelit.
“I’m sorry sir. What’s your order again sir?”
“I want black coffee with one cream and three sugars, please.’’
‘’ Is that all sir?’’
“Yes.’’ He answered while looking at his phone again. Maaaring may nabasa siya na hindi niya nagustuhan dahil nagbago na ang mga mata niya at naging kunot na ang kanyang noo. Mga matang nakakatakot titigan. He glance at me for the last time sabay talikod sa akin. Hindi ko maiwasang hindi siya sundan ng tingin dahil sa lakas ng appeal niya para sa akin. Marami na akong nakita na mga lalaki maging sa school, pero wala akong nakita na kagaya ng lalaking ito.
“May baha na girl sa laway mo.” pagbibiro ni Lelit.
“Ano ka ba girl, natingin lang ako sa tao.” depensa ko.
“Kahit ako girl nagagwapuhan sa customer natin ngayon. Pero hindi ko type ang ganyang lalaki. Gusto ko ang maputi dahil alam mo naman ako fan ang mga Hollywood actors like Brad Pitt.’’ nakangiting sabi ni Lelit habang tumingala ng konti na para bang nangangarap sa magiging Prince charming niya.
“Wala pa sa plano ko girl ang magka-boyfriend, ang iniisip ko ngayon paano ako makakakuha nang pambayad para sa bills at tuition ko.’’ napapangiti at napapalingon kong sabi sa kanya.
“Malay mo girl gusto ka rin nang lalaking yan. Kung makatitig sayo kanina parang kayo lang dalawa eh.’’ kontra niya.
“Tumigil kana Lit, ibigay mo na ang order niya.’’ sabay bigay ko sa kape na inorder ng lalaki.
“Oo na po, titigil na.’’ kuha sa order and she walk away.
While looking at Lelit, hindi ko maiwasang hindi sulyapan ang lalaking naka side view ng upo sa isa sa mga table at magpahanggang ngayon ay hawak pa rin ang kanyang phone. Looking at him again makes my world chaos yet exciting. I can see danger in his eyes yet I can stare at him forever. When Lelit gave his orders, he just nod and without warning he look at my direction. Para akong magnanakaw na nahuli ng may-ari ng bahay. Tumalikod ako at inayos ang mga machine na ginamit, hindi ko na ulit tiningnan pa ang lalaki.
‘’Girl, may tama yata si Mr. Pogi sayo ah.’’ Lelit said ay may makahulugang ngiti.
“Hindi ‘yon magkakagusto sa akin girl kahit ipupusta ko pa ang mga makukulit na pusa ng kapit-bahay namin.’’ at sabay kaming natawa.
Sakto namang nagsidatingan na ang mga customers at tuluyan ng nawala ang attention ko sa estranghero.
“Hay sa wakas at umuwian na.” habang iniinat ni Lelit ang kanyang mga braso.
“Oo nga eh, pagod na rin ako. Marami-rami rin ang mga customers natin kanina sabagay, pay day kasi.’’ habang inaayos ko ang mga gamit sa locker.
Palabas na kami ng mapansin kong may itim na sasakyan ilang metro ang layo mula sa café.
‘’Miss Maddie Grace Sandoval, may I speak with you for a moment?’’ nagulat at napahinto ako sa narinig kong boses. That voice na hindi ko makakalimutan. At higit sa lahat, paano niya nalaman ang buong pangalan ko? Then I watched Lelit, hindi ko pa man tinanong may hinala na ako base na nakikita kong reaction ng mukha niya.
“I’m sorry girl, mauna na ako.’’ umalis na siya bago pa ako makasagot.
“I’m sorry Mister pero di ako nakikipag-usap sa taong hindi ko kilala.” kinakabahan man pero nagawa ko pa rin sabihin sa kanya na ‘di nauutal.
“Look, I’m sorry if hindi kita ulit nilapitan kanina. Sana tinanong kita sa pangalan mo directly but instead I asked your friend. Nagmamadali kasi ako. I’m Miguel Serrano Vasquez by the way.’’ Extending his hands at me.
Hindi ko alam kung tatanggapin ko ba ang kamay niya, natatakot ako……natatakot ako sa magiging reaction ng sarili ko kapag nadikit ko ang balat ko sa balat niya.
“Pasensya na kung masyado akong mabilis, but maari ba kitang maka-usap?” pukaw niya sa malalim kong pag-iisip. Huli na para tanggapin ko ang pakikipag-kamay niya dahil nabawi na niya.
“Maari ba kitang maka-usap kahit sandali?” ulit niya. Mula sa kamay niya, naglakbay ang mga mata ko para tingnan ang mga mata niyang ‘di ko mawari kung nakiki-usap o nagdedemand para pagbigyan ang hiling niya.
“Hindi ako masamang tao kung ‘yon ang inaalala mo and I can assure you that.’’ Nararamdam siguro niya na nag-aalangan ako. “Maaari kang sumigaw kapag may ginawa akong masama sayo.’’ While looking at our sorroundings. Tama siya, maaari akong sumigaw kapag may balak siyang masama. Marami pa namang tao sa paligid.
“Sure.’’
“Can we talk inside my car?” he’s still looking at me.
“Sige….’’
Sitting inside his luxurious car habang pinapakiramdaman ko siya sa tabi ko, mas lalo akong kinakabahan sa mga susunod na mangyayari. Ilang sandali pa bago pa siya unang nagsalita.
“Will you marry me?’’