The Wedding

1249 Words
“Maddie, do you take Miguel Serrano Vasquez to be your husband? Do you promise to be faithful to him in good times and in bad, in sickness and in health, to love him and to honor him all the days of your life?” tanong ng judge na kaharap namin ngayon. Kung nagsimula lang sana ang lahat sa isang magandang pagpapakilala at may pag-ibig na kusang tumubo, pareho sanang makikita sa mga mata namin ngayon ang pagmamahal na bubuo sa pagkatao naming dalawa. Pagmamahal na mas lalo pang lalalim pagdaan nang ilang taon. Pagmamahal na magpapasaya sa araw-araw na makikita mo siya. Pananabikan ang bawat oras na makasama mo siya. At higit sa lahat, pagmamahal na masasaktan ka kapag nasasaktan siya. Pero isang kabaliktaran ang lahat dahil maliban sa pangalan ng kaharap ko ngayon, wala na akong alam sa kanya. Bakit nga ba ako napasok sa ganitong sitwasyon?     “Will you marry me?’’ simpleng tanong niya na para bang tinanong lang niya kung kumain na ba ako. Tanong na para bang magkaibigan kami dati at muling nagkita. Naguguluhan man sa tanong niya, tiningnan ko pa rin siya sa mga mata na para bang doon ko makikita ang mga sagot na hinahanap ko. Pero wala, wala akong nakikita na emosyon. Kung nakikita sa mga mata ko ang pagkalito, takot, pangamba at iba-ibang emosyon, kabaliktaran naman sa kanya. Para lang akong blankong papel na tinitigan niya. “Anong?....” “I know nakakatawa ang tanong ko but I’m asking you to marry me. I know naguguluhan ka pero I’m really desperate right now. Look, wala akong intension na guluhin ang mundo mo…it’s just that…kailangan ko lang ng taong matatawag kong asawa dahil kung hindi ipapakasal ako ng lola ko sa apo ng ameyga niya and I don’t like it,’’ tuloy-tuloy niyang paliwanag na para bang doon na lahat ang kasagutan sa mga tanong na hinahanap ko. ‘’Hindi ko alam kung…’’habang iniiwas ang mga mata ko sa paningin niya. “I’ll pay you kapalit ng pagperma mo sa marriage contract. I’ll help you and your mother financially,’’ di ko pa man natapos ang mga sasabihin ko ay napabalik ang tingin ko sa mukha niya dahil sa kanyang sinabi. “Just name your price and I’ll make sure na hindi ka guguluhin ng mga tao kapag nalaman nilang kasal na ako sayo. I’ll protect your privacy. Maninirahan ka sa ibang bansa kasama ang Mama mo, babalik ka lang dito sa Pilipinas kapag naayos ko na ang dapat kong ayusin at para na rin sa annulment natin,’’ tuloy-tuloy pa niyang sabi. “Alam kong nangangailangan ka rin para sa gamot ng iyong ina at sa tuition mo. Pareho nating maibibigay ang pangangailangan sa isa’t isa. Kailangan ko ang perma at apelyido mo, ikaw naman ang pera ko,’’ walang paligoy-ligoy niyang sabi. Gusto kong maiyak. Gusto kong murahin siya dahil parang pinamumukha niya sa akin na pera ang kapalit ng kalayaan ko, ng buong pagkatao ko. Parang nawala ang paghanga ko sa kanya kani-kanina lang sa Café at napalitan ng galit. “I’m sorry Mister pero hindi ko kailangan ang pera mo!” Kasabay ng galit sa dibdib at akmang aalis na ako tsaka niya sinabing “Isipin mo ang Mama mo Maddie, may sakit siya at kailangan niya ng gamot araw-araw. Aminin mo man o hindi, alam kong hindi sapat ang kinikita mo sa pagtatrabaho sa araw-araw na pangagailangan niyong mag-iina. Idagdag pa ngayon ang babayarin mo sa school. Maibibigay ko ang lahat ng mga kakailanganin niyo magpakasal ka lang sa akin,” he said while holding my wrist. “Here is the contract na kailangan mong basahin bago tayo magpakasal Maddie. Gusto kong basahin mo ‘yan tsaka mo sagutin ang tanong ko. I’ll give you one week para mag decide. At andiyan na rin ang konting tulong ko para sa inyong mag-iina. Kapag hindi ka pumayag, sayo pa rin yan kung magkano man ang laman niyan. Isipin mo nalang na bayad ko sa pananahimik mo tungkol sa pinag-usapan natin,’’ hanggang sa tuluyan na niyang binitawan ang palapulsuhan ko. “Ma’am!” sigaw at sabay alalay sa akin ng tauhan niya. Nanghihina ako hindi dahil sa pagod, kundi dahil sa mga narinig ko mula kay Miguel. Nakakapanghina isipin na kalayaan ko ang sagot sa mga problema naming mag-iina. Gusto kong maiyak habang tinatahak ko ang daan pauwi sa amin. ‘’Ma, mano po. Gabi na ba’t gising ka pa?’’ sabay abot ng kamay ng Mama ko. “Hindi ako makatulog anak. Mas ginagabi ka yata ngayon Maddie, may problema ba?’’ tanong ni Mama habang tinititigan niya ang mukha ko. Ayokong tingnan siya ng matagal dahil baka mahalata niya na may bumabagabag sa akin. “Marami pong customer ngayon Ma at may hinihintay pa kaming delivery ng stocks ni Lelit kaya po nagabihan kami masyado,’’ sagot ko habang iniiwas ang tingin sa kanya. “Siya sige na, magpahinga ka na dahil alam kong pagod ka. Pasensya kana Maddie, kung wala lang akong iniindang sakit matutulungan sana kita sa gastusin dito sa bahay,’’ she said while caressing my hands. “Huwag mo ng problemahin ‘yon Ma, ako ng bahala.” “Basta Maddie ipangako mo sa akin na kahit anong mangyari huwag kang susuko sa buhay.’’ “Oo naman Ma, at tsaka ipapasyal pa kita sa buong mundo,’’ nakangiti kong sabi sa kanya. “Sige, pasok na ako sa kwarto. I-lock mo ang pinto at patayin mo na ang ilaw bago ka pumasok sa kwarto.” “Opo Ma.” “Ma!” Hindi pa man tuluyang nakapasok si Mama, bigla nalang siyang bumagsak. “Tulooonngggg! Tulooonnggg!” “Anong nangyari Maddie?” tanong ni Kuya Kokoy na kapitbahay namin. “Kuya, si Mama…’’ naiiyak kong sabi. Habang tinitingnan ko si Mama na nakahiga sa hospital bed at may nakakabit na kung ano-anung aparato sa kanya tsaka naman may lumapit na Doctor sa akin. “Doc, anong nangyari sa Mama ko?” “High blood ang Mama mo Miss Sandoval at mas nakalala pa dahil sa diabetic din siya. We are still running some tests at sinasabi ko sayo kakailanganin mo ng malaki laking halaga,’’ may pag-aalalang sabi ng Doctor. ‘’Doc, gawin niyo po ang lahat magbabayad po ako kahit magkano,’’ pagsusumamo ko sa Doctor while holding my tears. “Makakaasa ka Miss Sandoval,’’ tapping my shoulder and he walk away. Habang tinitingnan ko ulit si Mama, naalala ko si Miguel. Wala na akong pakialam sa kalayaan ko, ang gusto ko lang mabuhay si Mama. Tiningnan ko ulit si Mama bago ko kinuha ang envelop na binigay niya sa akin kani-kanina lang. Gusto kong matawa sa sarili ko dahil sa pag aakalang hindi ko na mabubuksan ang laman nito, pero heto ako ngayon hinahawakan sa nanginginig kong kamay ang chekeng nagkakakahalaga nang isang daang libong piso. Maliban sa check, may nakita rin akong mga papel at may calling card. As of the moment, Miguel’s proposal is my only hope. “Hello” his baritone voice is like music to my ear. “Miguel…’’hindi ko na matapos-tapos ang mga sasabihin ko dahil sa mga luhang nag-uuhanan ng tumutulo. “Are you crying Maddie? Where are you?’’ kung wala lang akong inaalala iisipin kong may pag-aalala siya sa akin. “Nasa hospital ako ngayon, sinugod si Mama,’’ para akong batang nagsusumbong sa kanya. “Tell me kung nasaan ka pupuntahan kita. Is your Mom okay? How is she? I’ll be there Maddie,’’ ramdam ko ang pag-aalala sa boses niya before cutting the line.            
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD