“Madie…” Miguel said while pressing my hands. Locking his eyes into mine.
“ Kung hindi ko lang kilala ‘tong kaibigan kong si Miguel, malamang iisipin kong patay na patay ka talaga sa kanya,” birong sabi ng Judge sa akin bago napangjti. Napapangiti na rin ang isang pares na witness namin sa kasal.
“I’m sorry judge,” paumanhin kong sabi.
“Naiintindihan ko Madie dahil ganyan din ako nung kinasal kami ng asawa ko. Parang siya lang ang iyong nakikita,” sagot nang judge na parang nag-iimagine pa sa kasal niya. “Anyway, shall we proceed?” Judge ask.
“Sure,” I answered.
Ilang saglit pa ay narinig ko naman ulit ang Judge.
“I now present to you Mr. & Mrs. Miguel Serrano Vasquez. Congratulations!”
“Congratulations!” nakikipag kamay na rin ang dalawang witnes namin ni Miguel.
“Thank You,” halos sabay pa naming sabi ni Miguel.
“Paano, mauna na kami sa inyo Miguel. Madie, pagpasensyahan mo na ‘tong kaibigan namin makulit pa naman ‘yan minsan,” Hector said, tapping Miguel’s shoulder while looking at me.
“Huwag mo namang takutin si Maddie, Hector. Pero totoo ang sinasabi ni Hector, makulit minsan si Miguel, Madie,” sabat ni Judge Patrano at sabay silang nagtawanan.
“Guys, you can go now. Maniwala pa ‘yang asawa ko sa inyo.” Miguel interrupts the two. Masarap sa tenga ang pagbigkas ni Miguel sa salitang asawa ko pero alam namin pareho ang totoo. Mag-asawa lang kami sa papel, pero hind isa totoong kahulugan ng salitang ‘yon.
“Shall we go to our room now? I’m a little bit tired. Late nang matapos ang meeting ko kagabi. I want to rest now,” he’s staring at me at mahahalata mo sa kanya ang medyo pagod ng mga mata.
“Eh…” may pag-aalinlangan man nagawa ko pa rin siyang titigan.
“Don’t worry Maddie, I won’t touch you kung ‘yon ang inaalala mo. Nasa agreement natin na no s****l contact unless gusto natin pareho. And I think mas okay na rin ‘yon para may grounds na tayo for annulment. So, shall we?” He said habang iminuwestra ang kamay papunta sa elevator.
Nakakatawa man isipin dahil katatapos lang ng aming kasal, annulment na agad ang nababanggit niya. Hindi ko man sinasadya pero parang may nararamdaman akong kirot sa puso. Siguro dahil hindi ito ang pinangarap kong kasal. Pangarap ko na kahit sa simpleng kasal, panghabang kaming magsasama sa hirap at ginhawa. Kasal na pagsasaluhan namin ang lungkot at saya. Sa anong pagsubok sa buhay kaya naming harapin. Kasal na sa isang lalaki ko lang maibibigay ang matamis kong oo. Dahil aaminin ko man o hindi, pagkalipas ng ilang taon maghihiwalay din kami ng lalaking kaharap ko ngayon.
“Ehem… Maddie, your phone is ringing,” he said. Tsaka ko lang napansin ang phone ko.
“Hello Aling Belen, kumusta po si Mama?” Si Aling Belen ang pinakiusapan ko na bantayan muna si Mama sa hospital habang may ginagawa ako. Ayokong sabihin sa kanila o kahit kanino sa na kasal na ako.
“Maddie, kailangan mong bumalik sa hospital ngayon din. Inatake ulit kanina ang Mama mo,” may pag-aalalang sabi niya.
“Ho? Papunta na ako diyan,” di pa man siya nakasagot ay pinutol ko na ang tawag.
“Anong nangyari?, tanong niya habang concern ang tingin sa akin.
“Si Mama, inatake kanina. Kailangan ko siyang puntahan Miguel,” nagsisimula na namang mangilid ang mga luha ko.
“Sasamahan na kita,’’ presenta niya.
“Huwag na Miguel. Alam kong pagod ka rin. Magpahinga ka na lang muna,” tanggi ko sa kanya.
“I insist Maddie, asawa mo ako. Kahit sa mababaw na kahulugan ng salitang ‘yon magampanan ko ang tungkulin ng isang asawa,” sabi niya habang hinahawakan ang kamay ko.
“Sige,” pag-aatubiling sang-ayon ko.
Pareho kaming tahimik habang binabaybay ang daan papunta sa hospital. Habang may konting kulimlim ang langit hindi ko maiwasang isipin ang Mama ko. Hindi ko kayang isipin ang bukas na hindi ko na siya makikita. Kasabay ng pagbuhos ng ulan ang mga luhang kanina pa gustong kumuwala sa mga mata ko at tuluyan na akong napahikbi.
“Ssshhh… tahan na. Everything will be okay. I know she will be fine. Your mom is a strong woman,” he said habang hinahawakan niya ang kamay ko. Tulad ng paraan ng paghawak ng isang asawa habang pinapagaan ang pakiramdam ng Misis niya.
“Hindi ko kaya…hindi ko kayang mawala ang Mama ko Miguel. Siya nalang ang meron ako. Marami pa akong gustong gawin at pangarap para sa kanya,” hindi ko na mapigilan ang mapahagulhol.
“Huwag mong isipin yan Maddie. Lalaban ang Mama mo at nandito lang ako,’’ pang-aalo ni Miguel. “I know pagod ka rin Maddie, matulog ka muna, traffic na ngayon sa mga oras na’to. Gigisingin nalang kita kapag nasa hospital na tayo. Don’t think too much.’’ Dahil sa sinabi niya para akong nakahanap ng kakampi sa oras na iyon. Pinaramdam niya sa akin na hindi ako mag-iisa sa laban ng buhay. Iinisip ko palang na may kasama at masasandalan ako sa buhay, naramdaman ko ang pagaan ng dibdib ko. Hindi nagtagal unti-unti ng namigat ang talukap ng mga mata ko.
“Can you cancel all my meetings for the next two days Mrs Castillo? May importante lang akong aasikasuhin,’’ narinig kong sabi ni Miguel habang may kausap siya sa cellphone at bigla naman siyang napalingon sa akin. “Okay, tell them that I’ll be back two days from now. Bye,’’ paalam niya bago pa niya ako ulit tingnan.
“Hey, I’m sorry nagising ka dahil sa boses ko. May pinagawa lang ako sa secretary ko,’’ hingeng paumanhin ni Miguel.
“Actually ako dapat ang mag-sorry sayo Miguel. Masyado na kitang inabala. Hindi mo na kailangang mag cancel sa mga meetings mo. I can manage Miguel. Thank you though.’’
“It’s okay Maddie, hindi naman masyadong importante ang mga meetings ko. Sasamahan kita at gusto ko rin sanang magpakilala sa Mama mo,’’ he smiled.
“Sige, ikaw bahala. Let’s go.’’
“Paging Dr. Salomon. Code blue. Code blue room number 513.’’
“Nooo…Nooo…’’ habang halos takbuhin ko na ang hospital room ni Mama.
“Maaaaa…”
“Ma’am, bawal pa po kayong pumasok,’’ sabi ng nurse habang pinipigilan akong pumasok.
“Mama ko siya. Kailangan kong pumasok. Maaa…gumising ka Ma…Buhayin niyo po ang Mama ko Doc.’’ histerikal kong pag-iyak. Habang tinitingnan ko ang Doctor at mga nurse na pilit nilang binibuhay si Mama, nararamdaman ko ang pagyakap ni Miguel sa likod ko.
“Miguel, paano na ako ngayon? Wala na akong Mama ko.’’
“Sssshhhh… I’m here Maddie,’’ hindi kita iiwan.
“Hindi ko kaya kapag mawala ang Mama ko. Marami pa kaming nais gawin at puntahan. Hindi ko pa naibibigay ang buhay na ninanais ko para sa kanya,’’ hikbi kong sabi.
“Time of death 3:43PM.’’
“Nooo...Doc, nakiki-usap ako, buhayin niyo po ang Mama ko,’’ habang unti-unti akong napapaluhod sa harap ng Doctor.
“I’m sorry Ms. Sandoval, ginawa na namin ang lahat,’’ he replied and walk away.
“Ma…’’habang papalapit ako kay Mama. ‘’Andito na ako. Ako ‘to Ma si Maddie. Naririnig mo ba ako Ma? Bangon kana Ma uwi na tayo. Mamasyal pa tayo Ma. Maaa…” habang unti unting naging puti ang aking paningin at nawalan ako ng malay.