“Toot..toot…” tunog ng mga machine ang narinig ko habang unti-unti kong binubuksan ang aking mga mata.
“Thank God you’re awake,” habang nilalapitan ako ni Miguel.
“Ang Mama…nasaan siya?”tanong ko kay Miguel habang unti-unti na namang nangilid ang aking mga luha.
“Inaasikaso na siya ng mga tauhan ko Maddie. Huwag kang mag-alala nasa funeral homes na siya. I know your Mom is now in good hands. Isipin mo nalang na wala na siyang nararamdamang sakit,” pang-aalo ni Miguel.
“Hindi ko kaya. Siya lang ang meron ako.”
“I’m here Maddie. Kasama mo ako sa laban na ito,” he said.
Tatlong araw lang napag desisyonan kung burol ni Mama at laging nandiyan si Miguel para alalayan ako. Minsan siya pa ang humaharap sa mga bisita. Sa papalalit na araw ng libing ni Mama may mga dumadating na hindi ko kilala. Saying their condolences ay hindi sapat para maibsan ang sakit at lungkot na nararamdaman ko. But Miguel make sure na hindi ko maramdaman ang nag-iisa. Lagi siyang naka-alalay sa akin at maging si Lelit ay napansin na rin ang pag-aalaga niya sa akin.
“Girl, kung hindi lang kita kilala mapagkakamalan kong mahal na mahal ka talaga ng asawa mo,” sabi ni Lelit habang nakatitig kami pareho kay Miguel na may kausap sa medyo kaedaran na babae. Sinabi ko na kay Lelit nung minsang nagtanong siya kung bakit laging nasa bahay ang lalaki.
“Alam mo ang totoo girl at imposibleng mahulog ang isang kagaya ni Miguel sa katulad ko. Ang taas ni Miguel para sa akin,” I replied.
“Malay mo naman. Nahulog na yang loob ni Mister Pogi sayo. Kung minsan kasi kung makatitig siya sayo parang ikaw lang ang tao sa paligid. Hello! Andito rin naman kami nuh!”kwelang kwento ni Lelit at kahit papano napapangiti ako sa mga sinasabi niya.
“Tingnan mo, napapangiti na kita. Huwag kang mag-alala girl, kung nasaan man ang Mama mo ngayon sigurado akong tahimik at masaya na siya kaya ngiti ka naman diyan kahit konti,” dagdag pa ni Lelit.
“Oo na po ngingiti na,” kasabay ng pagpapakita ko sa kanya ng pilit na ngiti.
“Yan, dapat ganyan para mas lalong mabighani sayo si Mister Poging Husband,” she said while smiling at me.
“Excuse me Maddie pero magpapaalam lang ako saglit. May aasikasuhin lang ako sandali,” Miguel interrupted us.
“Sige Maddie, aasikasuhin ko lang din ang mga bisita,” Lelit said habang kinikindatan niya ako.
“Sira! Sige na ikaw na muna ang bahala sa mga bisita, baka mamaya multuhin ka pa ng Mama ko dahil hindi mo ako tinulungan,” sagot ko kay Lelit habang nakangiti at hindi ko namalayan na sa akin pala natingin si Miguel.
“I’m glad nakangiti kana. I don’t want to see you cry Maddie. Masaya ako kapag nakikita kitang nakangiti,” he said while smiling at me. “Paano, alis na ako,” at bigla niya akong niyakap dahilan ng paninigas ng katawan ko. Hindi ko alam kung gaganti ba ako ng yakap sa kanya o itutulak ko siya palayo. Pero sa huli mas pinili ko ang una.
“Thank you dahil hindi mo ako iniwan kahit alam natin pareho ang totoo,” I said sincerely. Galing sa puso ang pasasalamat ko kay Miguel dahil andiyan siya nung kailangan ko siya. Dahil kung tutuusin, puwede naman siyang umalis at iwan ako lalo na’t wala na ang Mama ko. But he choose to stay.
“Sige na umalis kana at magpahinga ka na rin muna dahil alam kong pagod ka,” pagtataboy ko kay Miguel.
“Sure. Babalik ako mamaya. Magpahinga ka rin mamaya. May iniwan akong mga tauhan para mag-asikaso sa mga bisita,” he hug me again at umalis na.
“Eheeem, nakita ko ‘yon,” sabi ni Lelit na may nakakalokong ngiti sa labi.
“Wala naman kaming ginagawa girl, nag-usap lang kami.”
“Anong klaseng pag-uusap girl, ‘yong may yakap?”sabi niya na hindi pa rin maalis-alis ang ngiti sa kanyang labi.
“Nakikiramay lang ‘yong tao girl. Huwag mong bigyan ng malisya,” I defended myself.
“Ay sus girl, okay lang ‘yan. Maiintindihan ‘yan ng Mama mo kung maglandi ka minsan. Diba ho Auntie?” habang tinitingala pa ang bubong na parang doon makukuha ang sagot mula kay Mama.
“Loko! Asisakuhin na nga muna natin ang mga bisita,” pag-iiba ko sa usapan.
“Ooyyy, kinikilig ang Misis. Teka girl, san ka nga pala titira pagkatapos nito?”tanong ni Lelit at napalingon ako dahil dun.
“Siyempre dito lang. Alam mo naman ang totoong dahilan kung bakit nagpakasal si Miguel sa akin diba? I’m sure hindi naman ako isasama sa bahay niya at hindi rin ako sasama sa kanya,”sagot ko.
“Paano kung gusto niyang magsama na kayo sa iisang bahay? Payag ka?” dahil sa tanong nj Lelit bigla akong napa-isip kung san ba ako lulugar.
“Halika na nga at may aasikasuhin pa tayong bisita,” sabay hila ko sa kamay niya.
Kinabukasan, araw na ng libing ni Mama at ang bigat sa pakiramdam na ‘yong taong kasa-kasama mo ng ilang taon tuluyan ng malayo sayo. Ang sakit isipin na wala na ang taong pinakamamahal mo at hinding hindi mo na siya makikita kahit kailan.
“Alis na tayo Maddie. Lumalakas na ang buhos ng ulan,” sabi ni Miguel habang naka-alalay siya sa akin.
“Saglit lang Miguel, gusto ko munang makasama si Mama,” paki-usap ko.
“Sige.”
Ilang saglit pa, lulan na kami sa sasakyan ni Miguel. Tulad ng dati tahimik pa rin kami pareho.
“Gusto mong kumain na muna tayo bago umuwi sa bahay?”basag ni Miguel sa katahimikan.
“Busog ako. Ang gusto ko lang gawin ay magpahinga,” tanggi ko sa alok niya.
“Sure pahinga ka muna. Gigisingin nalang kita kapag nasa bahay na tayo.” Gusto ko sanang tanungin kung saang bahay ang sinasabi niya pero masyado na akong tinalo ng antuk.
“Good morning.” Miguel’s voice at sinag nang araw ang nagpapagising sa akin. Mas lalo akong nagising dahil sa nasilayan kong hitsura ni Miguel. Topless at nakapajama lang. Mula sa mga misteryosong mga mata, hindi kakapalan na eyebrow, matataas na pilik-mata, matangos na ilong, well defined jawline, mapupulang mga labi at hanggang sa mga namumutok na mga abs ang malaya kong napagmasdam at huli na para bawiin at ibaling sa iba ang paningin ko.
“Nagustuhan mo ba ang nakikita mo?” Miguel ask na may mapaglarong ngiti sa labi.
“Nasaan ako?”pag-iiwas na tanong ko habang tiningnan ang iba’t ibang parte ng kwarto. Malaki ang kwarto kung nasaan ako natutulog. Puti ang kulay ng pintura mula ceiling at maging ang tiles ay puti rin. Sa gilid ay may isang fresh at malalaking dahon na halaman na nakalagay sa isang mamaling paso. Habang sa gitna naman na kaharap ko ngayon ay isang malaking flat screen TV na nakapatong sa isang vintage mahogany na TV stand. Sa ilalim naman ay mga shelves na may nakalagay na mga magazines at alam kong feature si Miguel sa mga ‘yon. Sa isang gilid naman ay may pinto at paniguradong para sa banyo. Matapos kong pagmasdan ang kabuuan ng kwarto ay bumalik ang paningin ko kay Miguel na hanggang ngayon nakatingin pa rin na tila amuse sa nakikita niya sa ginawa ko.
“Nasaan ako?”ulit ko sa tanong kanina.
“Nasa bahay ko at mula ngayon dito kana titira,” he answered.
“Pero okay lang naman ako sa bahay namin.”
“Asawa na kita Maddie and I told you before that I’ll protect you sa mga taong gustong paki-alaman ang pribadong buhay ko,” pinal niyang sabi. “And I’m planning to send you to Europe kung gusto mo. Magagawa mo ang buhay na gusto mo dun nang walang inaalala hindi katulad dito. Hindi ka mag-aalala kung may makakita sayo lalong-lalo na ang mga reporters. I want you to live your life to the fullest, Maddie. Ayokong isipin mo na dahil kasal kana sa akin wala kanang kalayaan at hindi mo na magagawa ang gusto mo sa buhay. I’ve been there, maaga akong pinahawak sa mga negosyo ng pamilya ko. I’m already 31 at hindi ko gustong maranasan mo ang mga naranasan ko. Pero nasa sayo pa rin ang desisyon kung gusto mong tanggapin ang alok ko o hindi. Tell me when you are ready to spread your wings. Andito lang ako to support you,” tuloy-tuloy niyang sabi.
“I… I don’t know what to say,” gulat, confuse at halo-halong emosyon ang nangibabaw sa akin.
“Think about it Maddie dahil alam kong nabigla ka sa mga sinasabi ko. But for now let’s eat our breakfast first. Don’t worry about anything Maddie. Everything will be okay,” Miguel said and smile.
“Labas na tayo dahil naghihintay na si Manang Ester.”
“Kailangan kong umuwi sa bahay Miguel, wala akong ibang damit.”
“Ipinakuha ko na sa mga tauhan ko Maddie. Nasa dressing room mo na ang mga damit mo. I told you, ako na ang bahala sa lahat,’’ he said at nagpatiuna ng lumabas ng kwarto.
Pagkalabas ko palang ng kwarto ay naamoy ko na ang mabangong niluto ni Manang Ester lalong lalo na ang imported na kape. Dahil sa sobrang okupado ng utak ko kahapon, ngayon ko lang naalala na hindi pala ako nakakain ng tanghalian.
“Good morning po Manang Ester,” bati ko kay sa medyo may kaedaran na babae. Mahahalata mo sa mukha niya na isa siyang mabait at mapag-alagang ina.
“Magandang umaga naman sayo Ma’am Madie,” ganting bati niya na may ngiti sa labi.
“Maddie nalang ho,” nahihiya kong tugon.
“Nakakapanibago lang dahil itong alaga ko hindi naman nagsama ng babae simula nung…”
“Manang,” biglang tugon ni Miguel para pigilin si Manang Ester sa sasabihin niya.
“Oh siya maupo na kayo at lalamig na ang pagkain.”
“Salamat po Manang Ester,” nilingon niya ako at ngumiti tsaka siya umalis.
Nakakabinging katahimikan ang dumaan sa aming dalawan ni Miguel ng biglang may tumawag sa kanya.
“Excuse me, I’ll just take this call,” hindi paman ako nakasagot tumayo na siya.
“Yes,” narinig kong sagot niya bago pa siya pumasok sa isang kwarto.
“Maddie, iha pagpasensyahan mo na si Miguel minsan. Minsan kasi nakakalimutan na niyang may kasama siya dahil laging trabaho ang inaatupag. Natutuwa nga ako ng ibinalita niya sa akin na mag-aasawa na siya. Sana habaan mo pa ang pasensya mo para sa kanya. Mabait si Miguel iha, minsan lang talaga ay wala siyang oras para sa iba. Nasanay na kasi siya na puro negosyo ang inuuna,” mahabang paalala ni Manang Ester.
“Okay lang po Manang, naiintindihan ko,” panatag na sabi ko sa kanya.
“Salamat naman kung ganun. Mabait ang alaga ko Maddie. Ako na halos ang nagpalaki niyan. O siya sige na tapusin mo na ang pagkain mo at nang magkalaman ng konti ‘yang pangangatawan mo,” paalalang sabi ni Manang.
“Opo,” sabay ngiti kay Manang.
“Maddie, kailangan ko ng umalis. Pagsabihan mo lang si Manang sa mga kakailanganin mo,” habang tinutupi ni Miguel ang kanyang polo.
“Okay lang ako Miguel. Mag-iingat ka.”
He stared at me for a while and said, “sure.”
Ayoko mang isipin pero pakiramdam ko naging komportable na ako kay Miguel simula nung dinamayan niya ako. At kinakatakutan ko ‘yon. Ayokong dumating ‘yong araw na umasa ako na walang hiwalayan ang magaganap dahil alam kong may masasaktan at alam kong ako ‘yon. Nasa malalim na ako ng pag-iisip ng biglang tumawag si Lelit.
“Girl, napanood mo na ba ang balita?’’bungad agad ni Lelit.
“Hindi, ano bang meron?’’ takang tanong ko sa kanya.
“Mas mabuti pang panoorin mo ngayon dahil tungkol ito kay Miguel. Kahit na anong mangyari andito lang ako girl,’’ paalala niya.
“Salamat Lit.’’
Breaking News: Miguel and his ex-fiancé have seen being together two days ago.