Freedom

1424 Words
Breaking News: Miguel and his ex-fiancé have seen being together two days ago. Gusto kong matawa sa nababasa ko. Gusto kong matawa at maiyak dahil nagpantanto ko sa sarili ko na maliban sa buong pangalan ni Miguel wala na akong ibang alam sa kanya. Nakakatawa ang reyalisasyong wala kang alam na ibang bagay tungkol sa asawa mo. Kahit pa nga ang simpleng paboritong pagkain at kulay ay hindi ko alam. Pero ngayon, isa-isang pinapaalam sa akin ng tadhana na ang dami ko pang dapat malamam tungkol sa asawa ko lalo na sa nakaraan niya. “Iha,’’ tawag sa akin ni Manang Ester na hindi ko namalayan nakalapit na pala siya sa kinaroroonan ko. Makikita mo sa kanyang mga mata ang may pag-aalala lalo pa’t nakita niya na ang pinapanood kong balita ay tungkol kay Miguel. “Manang Ester, may kailangan ba kayo?’’ habang pinapatay ko ang TV. “Natawag si Miguel at kinukumusta ka. Tinatanong din niya kung hindi ka ba naiinip,’’ pag-iimporma ni Manang Ester. “Pakisabi sa kanya kapag natawag siya ulit na ok lang po ako Manang.’’ “Sige iha. At tsaka napanood ko rin ang balita tungkol sa kanya. Huwag mong intindihin ‘yon. Hindi ko alam kung hanggang saan ang mga nababanggit ni Miguel sayo tungkol sa buhay niya pero sa mga panahong tulad nito sa kanya ka lang sana maniwala. Kilala ko ang alaga ko iha, hindi siya gagawa ng mga bagay na ikakasakit ng mga taong nakapaligid sa kanya. Alam kong hindi pa ganun kalalim ang pinagsamahan ninyo at hindi ko rin alam kung bakit ang bilis magdesisyon ni Miguel na magpakasal na kayo pero sana intindihin at unawain mo siya iha,’’ tuloy-tuloy na paki-usap ni Manang. “Sige po Manang Ester,’’ tanging naisagot ko sa kanya. Gusto ko mang panghawakan ang mga sinasabi ni Manang Ester pero marami pa ring mga bagay ang bumabagabag sa isip at puso ko. “Gusto mo bang sumama sa akin mag grocery iha? Kokonti nalang kasi ang laman sa pantry,’’ maya-maya ay tanong ni Manang. “Sige po Manang sasama po ako sa inyo Manang. Magbibihis lang po ako saglit.’’ “Sige, pagsasabihan ko lang din si Berto na ihanda na ang sasakyan. Magbihis kana at nang maka-alis na rin tayo,’’ sabi niya sabay alis sa kinaroroonan niya. Habang nagbibihis, bumabalik sa utak ko ang mga sinasabi ni Manang. Intindihin at pagkatiwalaan ko si Miguel. Kailangan kong pagkatiwalaan ang asawa ko habang nagsasama kami kahit sa papel lang kami mag-asawa. Wearing my high waisted boyfriend jeans and simple black crop top and white sneakers, muli kong tiningnan ang sarili ko sa salamin. At bago ako lumabas ng kwarto, konting face powder and lip tint ang nilagay ko sa mukha para kahit papano magkaroon ng kulay. Saktong pagbaba ko ay siyang pagdating ni Manang Ester sa sala galing sa kung saan. “Tamang-tama ang pagbaba mo iha at aalis na tayo,’’ sabi niya. Habang sakay kami sa sasakyan ni Manang Ester ay pareho kaming tahimik. Minsang nagtanong siya kung may bibilhin pa ba ako at pagkatapos nun ay wala na. Dahil sa katahimikan, unti-unti na namang nanumbalik sa aking alaala ang napanood kong balita kani-kanina lang. Gusto ko sanang tanungin si Miguel kung bakit hindi natuloy ang pagpapakasal nila ng ex-fiancé niya. Ang dami kong tanong na unti-unting nabubuo sa utak ko pero may karapatan ba akong tanungin siya? “Iha, andito na tayo,’’ imporma ni Manang. “Ang lalim ng iniisip mo iha. Kung ano man ‘yan at kung sino man ang sangkot sa malalim mong pag-iisip mabuti pang sa kanya mo itanong ng deretso. Tandaan mo iha, hindi nareresolba ang isang bagay kung mananatili lang siya sayo bagkus, mas nakakalala pa ito dahil diyan nagsisimula ang hindi pagkaka-unawaan,’’ paalala ni Manang at bago pa ako makasagot ay bumaba na siya ng sasakyan. At kahit papano ay natauhan ako sa mga sinasabi niya, kailangan kong maka-usap si Miguel at mas mabuting sa kanya mismo manggaling ang totoo. Sa isang mamahaling grocery store kami pumapasok ni Manang at habang namimili ako ng mga kakailanganin isang boses ang nagpalingon sa akin. “Hi Maddie,’’ a familiar male voice galing sa likod ko. “Garry? Kumusta kana?’’ nasisiyahang tanong ko sa kanya. Si Garry ang classmate ko sa college minsang nakasama ko sa isang group study. Mabait si Garry kahit pa sabihing nakaluwag-luwag siya sa buhay. “Heto mabuti naman. Ikaw, kumusta? Nabalitaan ko ang nangyari sa Mama mo pasensya kana hindi ako nakapunta,’’ hingin paumanhin niya sabay yakap sa akin. Dahil sa ginawa niya hindi ako nakagalaw. Hindi ko alam kung dahil wala pang ibang lalaking nakayakap sa akin maliban kay Miguel o dahil may asawa na akong tao. Bago ko pa siya maitulak may nakakuha na pala ng letrato sa amin sa gilid. “Ehem iha kailangan na nating magmadali para hindi tayo maabutan ng traffic at baka dumating na rin si Miguel,’’ hindi man sabihin ni Manang Ester pero alam kung hindi niya nagustuhan ang mga nakita niya. “Manang si Garry po kaklase ko sa college. Garry si Manang Ester,’’ pagpapakilala ko sa kanya. “Magandang hapon po sa inyo Manang Ester, Garry po,’’ pagpapakilala niya. “Manang Ester iho. Sige, mauna na kami.’’ “Sige po. Nice seeing you again Maddie. Sana magkita ulit tau,’’ sabi ni Garry na may ngiti pa sa labi. “Sige Garry mauna na kami,’’ sagot ko. Hindi nagtagal ay lumabas na kami ni Manang Ester kasama si Mang Berto bitbit ang mga pinamili naming grocery. “Excuse me, are you Maddie Grace Sandoval-Vasquez? Miguel’s wife?’’ halos manigas ako sa kinatatayuan dahil sa pagbanggit niya sa buo kong pangalan. An unfamiliar voice came from nowhere at sa paglingon ko ay nakita ko ang isang babae at isang lalaki na parehong may dalang maliit na recorder habang ang may mga mamahaling camera na nakasabit sa leeg. Hindi paman ako nakasagot sa tanong nila ay sunod-sunod na tanong ulit ang binitawan nila. “Are you aware na nagkita ulit sina Miguel at ang ex-fiancé niyang si Rachel?’’tanong ng isang babae na nakasalamit ng makapal. “Kailan kayo ikinasal ni Miguel? Saan kayo nagkakilala? Isa ka ba sa mga anak ng business partners ni Miguel?’’ tanong pa ng isa. “Anong masasabi mo sa pagbabalik ni Rachel? Ikaw ba ang dahilan ng hiwalayan nila dati?’’ tanong ulit ng isa. “Pinikot mo ba si Miguel na pakasalan ka dahil buntis kana?” isang tanong pa. “Sino ang lalaking kayakap mo kanina?’’ tanong ulit ng isang babae. “Pera lang ba ang habol mo kay Miguel?’’ ang huling tanong ng isa ang tumatak sa isipan ko at tsaka ko naramdaman ang mga luha na dumadaloy sa aking pisngi. Ngayon ko lang napagtanto na simula sa balita kanina tungkol kay Miguel at ng ex-fiancé niya hanggang tanungin ako ng mga taong kaharap ko ngayon, naipon lang pala ang lahat nang sakit sa dibdib ko. Tawagin na akong bastos, tinalikuran ko na agad ang dalawa at dali-dali namang umalalay si Manang Ester sa akin at sumakay na rin si Mang Berto sa driver seat. Sa nanghihinang katawan at nanginginig na mga kamay, unti-unting kumawala ang hikbi na kanina ko pa gustong gawin. Gusto kong magalit pero hindi ko alam kung kanino. Pero mas nangibabaw ang awa para sa sarili ko dahil hindi ko man alam ang totoong dahilan ng hiwalayan nina Miguel at ng ex-fiancé niya, pakiramdam ko ako pa rin ang dahilan. At mas lalo akong naawa sa sarili ko dahil totoong pera ang dahilan kung bakit tinanggap ko ang alok ni Miguel. Nakarating na kami sa bahay ng hindi ko namamalayan. Pati si Manang Ester at Mang Berto ay hinayaan nalang ako. “Pasok lang po ako sa kwarto ko Manang,’’ paalam ko sa kanya. “Sige iha. Kung kailangan mo ng kausap andito lang ako.’’ “Sige po. Salamat po Manang.’’ Bago pa man ako makapasok sa kwarto ay siya namang pagdating ni Miguel. Mahahalata sa kanyang mga mata ang pag-aalala. “Can we talk?’’ he ask while he looks concern.    “Sure,’’ bago pa ako naunang umalis. Nararamdaman ko ang pagsunod niya sa kwarto ko. “I’m sorry,’’ bigkas niya pagsara pa lang niya ng pinto habang ako naman ay napahinto sa paglakad. “I’m sorry kung nagulo ang buhay mo. I’m sorry kung hindi kita na-protektahan kanina,’’ nararamdaman ko sa mga binitawang salita niya na may sinseridad. “Maaari ko bang hingin ang kalayaan na sinasabi mo?’’ ang dami kong gustong sabihin sa kanya pero iyon ang unang lumabas sa bibig ko.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD