Confuse

1590 Words
Staring with each other and staring at his eyes makes me forget why I am hurting right now. Hindi ko mapigilan na may tumubong konting pag-asa sa dibdib ko. Gusto ko lang titigan siya sa mahabang panahon na parang sa kanya ako kumukuha ng lakas para harapin ang bukas. Ngunit hindi ko alam kung ano ang magiging bukas naming dalawa lalo pa’t nagsimula kami sa isang mababaw na kasunduan.     “Maaari ko bang hingin ang kalayaan na sinasabi mo?’’ ang dami kong gustong sabihin sa kanya pero iyon ang unang lumabas sa bibig ko. Tinitigan ko siya dahil ayokong may makaligtaan akong detalye mula sa reaksyon niya. O baka dahil may hinihintay ako na magiging reaksyon niya sa hinihinge ko.   “Iyon ba ang gusto mo?”balik na tanong niya habang wala akong nakikitang reaksyon mula sa mga mata niya.. Hindi ko alam kung masaydo siyang manhid para makita niya ang nararamdaman ko o magaling lang siyang magtago ng emosyon. Habang tinititigan ko siya ngayon, nakikita ko sa mga mata niya ang emosyon noong una kaming magkita sa Happy Café. Mga matang puno ng misteryo.   “Kailangan ko na rin sigurong pumunta sa ibang lugar para makalimot sa mga nangyari sa buhay ko,” paiwas na sagot ko sa tanong niya.   “Alam kong pinangakuan kita ng bagong buhay kapalit ng pagpapakasal mo sa akin, pero sana pag-isipan mong mabuti ang magiging desisyon mo,” pagpapaliwanag niya.   “Handa na akong lumayo at harapin ang panibagong buhay. Ayoko lang ng gulo dahil hindi ko pinangarap iyon,” sabay talikod sa kanya dahil ayokong makita niya na nagbabadya na namang mangilid ang mga luha ko.   “Kung yan ang gusto mo, andito lang ako para suportahan ka.”sagot niya habang unti-unti kong naririnig  ang yabag ng mga paa niya na tanda na umalis na siya.   Isang hikbi ang hindi ko napagilang pakawalan pagkatapos kong marinig ang pagsara ng pintuan. Alam kong maibibigay niya ang kalayaan na hinihinge ko pero umaasa pa rin ako na sana binigyan niya pa ako ng sapat na dahilan upang manatili sa kanya. Marami akong gustong itanong sa kanya pero hindi ko magawa dahil natatakot ako sa maaaring sagot niya. Natatakot sa magiging sagot niya na malayo sa inaasahan ko. Hindi ko alam kung anong tawag sa nararamdaman ko kay Miguel, ngunit sa maikling panahon na kasama ko siya, panatag ako. May pananabik ako sa tuwing nakikita ko siya. Siguro dahil ipinaramdam niya sa akin na hindi ako nag iisa sa mga panahong kailangan ko ng karamay. Kaya ngayon natatakot na ako sa nararamdaman ko para sa asawa ko.   Miguel’s POV :   Hinihinge na ni Maddie ang kalayaan na ako mismo ang nag-alok sa kanya. Alam kong marami siyang tanong lalo na’t napanood niya ang balita tungkol sa pagkikita namin ni Rachel. Hindi ko alam kung bakit gustong-gusto kong magpaliwanag sa kanya pero may pag-aalinlangan ako. Ayokong umasa ako na may patutunguhan ang pagsasama naming dalawa. Ayokong dumating ang oras na pagsisisihan niya ang pagpapakasal sa akin.  Ayokong mapilitang matali si Maddie sa isang kasal na sa simula palang hindi na niya gusto. Kaya kahit may nararamdaman akong sakit sa damdamin, titiisin ko para sa kalayaan niya.   “Pare, ang lalim ng iniisip mo ah,” ani ni Hector. Tinawagan ko siya pagkatapos naming mag-usap kanina ni Maddie. Andito kami ngayon sa D’Bar na kung saan pagmamay-ari ng isa pa naming kaibigan na si Luiz. Nasa VIP room kami at nasa mesa ang mamahaling alak dahil siguro nagulat sila na nag-anyaya ako. Kadalasan sina Hector at Luiz lage ang may imbitasyon kapag gabi dahil siguro mahilig sila pareho sa night life.   “Chill up dude, minsan ka nga lang lumabas ng lungga mo sa opisina heto pa at parang problemado ka. Iinom mo nalang ‘yan,” ani ni Luiz sabay abot sa isang bote ng alak. Napansin siguro ng loko na wala ng laman ang baso na hawak ko pero hindi ko pa naibaba dahil okupado ang utak ko sa hinihinge ni Maddie.   “Isang beses palang kitang nakita na parang ang layo ng iniisip mo at ‘yon ay dahil hindi natuloy ang kasal ninyo ni Rachel. Huwag mong sabihing dahil sa babae na naman kaya ka nagkakaganyan?”dere-deretsong sabi ni Hector. Sa lahat ng pangyayari sa buhay ko, sila lang ang nakakaalam. Pati ang pagpapakasal ko kay Maddie ay nabanggit ko rin sa kanila maliban nalang sa isang napakaimportanteng dahilan.   “Babae nga siguro. Either ang mismong asawa mo na si Maddie o ang pagbabalik ng ex-fianće mo na si Rachel,” putol ni Luiz.   “It’s all about Maddie. She’s asking her freedom. I know wala akong karapatan na itali siya dahil isang kasunduan lang naman kung bakit kami nagpakasal. Ayokong ipilit sa kanya ang isang bagay na hindi niya gusto,” pag-amin ko. “At tungkol sa pagbabalik ni Rachel wala akong alam. Aksidente lang ang pagkikita namin. Isa pa, matagal ng tapos kung ano man ang namagitan sa amin,” pagpapatuloy ko at deretsong tinungga ang bote ng alak. At mula sa peripheral vision ko, nagkatingin ang dalawa kong kaibigan.   “Pareho naman kayo ni Maddie na may pangangailangan sa isat isa kung bakit kayo nagpakasal diba, bakit ngayon nagkakaganyan ka?” tanong ni Hector. Dahil sa tanong niyang iyon, mas lalo akong naguluhan  sa sarili ko kung bakit parang may pumipigil sa akin na ibigay kay Maddie ang kalayaan na gusto niya. Kung ano man ang dahilan at ang nararamdaman ko, ayokong pangalanan ‘yon. Masyado pang maaga para bigyan ko ng kahulugan ang dadamin ko.   “Huwag mong sabihing may pagtingin kana sa asawa mo pare?”untag ulit ni Hector sa pananahimik ko.   “Wala akong pagtingin sa asawa ko,” tanggi ko sa akusasyon niya pero hindi ako makatingin ng deretso dahil ayokong bigyan pa lalo ng kalituhan ang isip ko.   “Iyon naman pala, wala ka naman palang pagtingin diyan sa asawa mo, palayain mo na siya pare,” suhesyon ni Luiz na mahahalatang may tama na. Ilang bote na ang walang laman at halos siya lang ang nakaka-ubos nun, malamang may problema din ang isang ‘to hindi lang sinasabi at ayaw rin naming pilitin siya Ganito kaming magkakaibigan, hihintayin muna namin ang bawat isa sa amin ang magkusang magbukas ng saloobin. Pero alam namin pareho na nandiyan kami para sa isa’t isa.   “Alam mong sa una palang kailangan mo siyang protektahan dahil sa mundong ginagalawan mo, hindi siya sanay. Mapoprotektahan mo lang siya kapag pinalaya mo na si Maddie,” segunda ni Hector.  “Not unless na kaya niyang pumasok sa mundo mo. Hindi ko minamaliit ang kakayahan ng asawa mo pare, pero sa nakikita ko sa kanya, mas gusto niya ang tahimik na buhay,” tuloy-tuloy pang sabi ni Hector. Ayoko mang aminin pero tama siya. Masyadong magulo ang mundo ko para kay Maddie. Magulo ang mundo ng pagnenegosyo, kabila’t kanan ang mga reporters. Mas nakadagdag pa ang katayuan ko sa larangan ng business industry. At higit sa lahat, minsan na akong napasok sa eskandalo three years ago dahil sa hindi natuloy na pagpapakasal namin ni Rachel.   “Mamili kana pare, ibigay ang kalayaan ng asawa mo o ang mapasok siya sa magulong mundo na ginagalawan mo?'' Luiz said habang may bagong hawak na bote ng alak. Alin man sa dalawa ang piliin ko, alam kong may mararamdaman ako na hindi ko kayang pangalanan and it’s too early to tell kung ano man ‘yon.   Lumalalim na ang gabi at kailangan ko na ring umuwi. Samantalang si Hector ay nasa bar pa rin sa kadahilanang siya palang ang nakakaalam. Si Luiz naman ay inakyat na sa kwarto sa itaas ng kanyang bar dahil sa kalasingan. Sitting inside my car ay hindi ko maiwasang pagmasdan ang paligid ng daan habang paakyat ng paakyat ang sasakyan papunta sa bahay. Kay gandang pagmasdan ng mga ilaw sa baba na parang mga bituin na nagpapaligsahan pagkislap.   “Sir, andito na po tayo,’’ imporma ng personal driver kong si Johnny.   “Salamat. Magpahinga ka na,’’ sabi ko sa kanya bago ako pumasok     Pagod na ang katawan ko pero parang may sariling pag-iisip ang aking mga paa. Binabaybay nito kung saang kwarto ang inuukopa ni Maddie at alam kong sa mga oras na ‘to ay natutulog na siya. May pag-iingat sa aking galaw, nagawa ko siyang pagmasdan mula sa konting liwanag na nagmumula sa lamp shade. She looks so innocent that it makes my heart hurt isipin ko pa lang na masasaktan siya kapag kasama ko. Her heart-shape face na kay liit na halos magkasya lang sa palad ko. May matataas na pilik-mata, small pointed nose at hugis pusong mga labi na para bang kay sarap halikan. Hindi ko mapigilan ang aking mga mata upang hindi tingnan pababa ang kanyang dibdib. Her red silk satin dress ay bumagay sa kanyang mala-kremang balat na ngayon ay unti-unti ng nalilihis ang strap dahil sa kanyang paggalaw. I really wanted to touch my wife to feel her soft skin. I want to kiss her hanggang sa kung saan ako dalhin ng imahinasyon ko. I am now confuse. At kailangan ko ng gumawa ng desisyon. Without looking at her, nagpasya na akong lumabas ng kwarto niya para dumiretso sa shower. Kailangan kong magpalamig para kumalma ang init na nararamdaman ko.   “Hi, good morning,’’ I greeted her first and smile dahil sabay kaming nagkabukasan ng pinto. Unti-unti akong lumalapit sa kanya habang tinititigan ko siya.   “Ibinibigay ko na ang kalayaan na gusto mo,’’ sabay yakap sa kanya.      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD