Paris, France

1810 Words
Sitting inside in this cozy café and looking outside habang tinitingan ko ang mga tao na may kanya-kanyang lakad, hindi ko mapigilan alalahanin ang buhay ko sa Pilipinas one month ago kung saan huli kaming nagkita at nagkausap ni Miguel.     One month ago…       “Ibinibigay ko na ang kalayaan na gusto mo,’’ sabay yakap sa akin. Oo aaminin ko, masaya ako sa narinig ko dahil ibibigay na niya ang gusto ko pero parang may nararamdaman akong kahungkagan. Siguro dahil nag-iisa lang ako sa panibagong mundo na haharapin ko. Kaya siguro parang may takot ako sa puso ko. Habang yakap niya ako, parang gusto kong manghinayang saglit sa naging desisyon ko. Parang may mali sa nararamdaman ko.   “Salamat,” habang ibinabalik ko ang higpit ng yakap niya sa akin. Gusto kong maramdaman ang init ng katawan niya kahit saglit dahil hindi ko alam kung mangyayari pa ulit ang ganito sa pagitan naming dalawa o ito na huli.   “Be ready and I’ll prepare everything within two weeks,” bago pa siya kumalas sa pagkakahawak sa akin.   “Thank you…for everything Miguel,” sinsero kong pasasalamat sa kanya habang tinititigan siya.   “It’s my pleasure Maddie. Don’t worry about anything pagdating mo dun. Paano, alis na ako maaga kasi ang meeting ko,” habang tinitingnan ang mamahalin niyang relo.   “And I’ll be out of town for a few days dahil may aasikasuhin lang ako. Tatawagan ka na lang ng secretary ko para sa mga papers na kakailanganin mo,” pagpapaalam niya bago tuluyang umalis.  May part ng pagkatao ko na gustong habulin siya at muling yakapin kaya lang parang naipako ang mga paa ko sa kinatatayuan ko ngayon. Naduduwag akong takbuhin ang kinaroroonan niya. Iyon na ang huli naming pagkikita at pag-uusap ni Miguel. Ang secretary na niya ang naging kasa-kasama ko pati na rin ang papunta rito sa Paris. True to his words, Miguel prepared everything mula sa papeles hanggang sa tirahan ko pagdating dito and I know money is not an issue for Miguel.   “Ito na po ang magiging tirahan niyo simula ngayon Ma’am,” anang secretary niya habang nilalagay niya ang mga gamit ko sa sahig. Studio type apartment ang kinuha ni Miguel. Maliit but sakto lang siya for me. Pagbukas mo ng pintuan isang maaliwalas na kulay puting pintura ang unang-una mong mapapansin. Nasa gitna ang pandalawahang sofa habang may maliit na center table at may katamtamang laki ng TV na naka-hang sa wall. Katapat naman nito ang maliit na kusina at may kompletong mga gamit mula sa maliit na ref hanggang sa mga lulutuan. Makikita naman sa gilid ang pinto na malamang para sa banyo. Sa dulo naman ay may nakaharang na glass wall pero makikita mo ang queen size na bed na may putting comforter. Maybe Miguel observes me that I like minimal color. ‘Yong hindi masyadong magulo at sakit tingnan.   “Ma’am, heto na po ang susi dito sa apartment mo at nakalagay na rin diyan ang deed of sale at nasa pangalan niyo na po ito. Andito rin ang black card na pinapabigay sa inyo ni Mr Vasquez. Gamitin niyo po hanggang kailan niyo gusto,” habang inaabot niya sa akin ang brown enevelop.   “Salamat,” at nakangiti kong tinanggap bilang pasasalamat ang mga ibinibigay niya.   “Sige Ma’am maiwan ko na po kayo,” pagpapaalam niya. Akmang lalabas na siya ng bigla ko siyang tawagin.   “Mrs Castillo...”   “Yes Ma’am? May kailangan pa po kayo?”   “Ah… wala na. Salamat ulit,” pagpipigil ko sa sarili ko. Gusto ko sanang itanong kung nasaan si Miguel pero biglang umurong ang dila ko sa hindi ko malamang dahilan. Aaminin ko man o hindi, umaasa ako na sana nakasama ko pa si Miguel ng ilang araw bago ako umalis.   “Sige po Ma’am.”   “Mag-iingat ka,” pahabol kong sabi kay Mrs Castillo. Gustuhin ko man o hindi, dito na ang bagong buhay ko ngayon. At hindi ko alam kung hanggang kailan ako magtatagal.     “Kiss…kiss…” hiyaw ng mga tao ang nagpapabalik ng diwa ko sa kasalukuyan. I’m here sa isang café five minutes away from my studio type apartment. Habang kumakain ako bigla nalang may isang puting lalaki with bluish eyes na lumuhod sa harap ng blonde hair na nobya niya para mag propose. And I know mahal na mahal talaga nila ang isa’t isa the way they look at each other. Ang sweet nila tingnan.   “Ma’am, here’s your coffee,” untag ng crew sa akin habang panay ang sulyap sa bagong engage na magkasinatahan. Halata sa kanyang mga mata na kinikilig din tulad ng iba pang nandito.   “Salamat, what I mean is Thank you,” nagkandautal-utal kong sabi.  Hindi ito sa mga adjustment na kailangan kong gawin, ang sanayin ang dila ko sa salitang banyaga.   “Sinasabi ko nga ba at Pinay ka rin eh,” nakangiti niyang sabi.   “Pinay ka rin?”gulat kong tanong sa kanya. Morena kasi siya na parang may pagka Indian beauty. Maliit na bilugin ang kanyang mga mata, matangos na ilong at maliliit na mga labi. Probably hindi kami nagkakalayo sa tangkad nito na 5’3”at balingkinitan din ang kanyang katawan.   “Oo. Ako nga pala si Jackie,” pagpapakilala at sabay lahad sa kamay niya.   “Maddie Grace Vas…Maddie Grace Sandoval,” pagpapakilala ko rin. Muntik ko ng magamit ang apelyido ni Miguel, pero mas nanaisin ko nalang na walang makaka-alam na may kaugnayan kami sa isa’t isa. Mas mabuti na siguro ang ganito.   “Matagal kana rito?”tanong niya.   “Dalawang linggo palang.”   “Kung ganun bago ka palang dito. Malamang hindi mo pa nalilibot ang City of Love, hayaan mo mamasyal tayo. Ipapasyal kita rito,” pag-aalok niya habang may pala-kaibingang ngiti. “Sige ba…” nakangiti kong sagot sa kanya.   “Paano, work muna ako. Thirty minutes nalang at tapos na ang shift ko. Kung ok lang sayong maghintay puwede mo akong hintayin para ipapasyal kita pagkatapos ko rito,” paanyaya niya sa akin.   “Sige, wala naman akong gagawin sa apartment,” totoong sabi ko. Sa loob ng dalawang linggo na paninirahan ko rito, unti-unti ko ng kinakabisado ang lugar. Naghahanap na rin ako ng part time job habang sinimulan kong mamili ng short courses para dagdag sa certification ko. Alam kong hindi ako pababayaan ni Miguel, pero gusto kong tumayo sa sarili kong mga paa. Hanggat maari ayoko nang umasa sa kanya lalong-lalo na sa pinansyal.   “Okay-okay, pasok na ako sa loob huh,” paalam ni Jackie. Ngiti lang ang sagot ko bilang pag sang-ayon.   Habang hinihintay ko si Jackie, nililibang ko na muna ang sarili ko sa paghahanap ng mga short courses online. Gusto kong matutunan ang paggawa ng mga pastries total naman nakapag-trabaho na ako sa café dati. Hindi na ako makapaghintay na magkaroon ulit ng sariling income. Dahil balang araw pinangarap ko na rin na ibalik ang mga mga bagay na ibinigay sa akin ng asawa ko.   “Let’s go Maddie. Excited na akong ipasyal ka,” nakangiting saad  ni Jackie. Kakakilala ko palang sa kanya pero magaan na ang loob ko tulad noong kay Lelit nung una kaming magkakilala.   “Saan mo gustong pumunta? Napuntahan mo na ba ang Eiffel tower?”maya-maya ay tanong niya habang naglalakad kami papunta sa train station.   “Gusto ko sanang puntahan ang Louvre Museum dito.”   “Sigurado ka? Ayaw mo sa Eiffel tower mauna? Iba ka rin ah, ayaw mong makisabay sa mga turistang nagpunta lang ng Paris para makita ang Eiffel tower,” nagugulat na sabi niya. Totoo man, gusto ko rin namang makita ang iconic na Eiffel tower pero mas nanaig sa puso ko ang puntahan ang mga Museum dito.   “Balita ko kasi home of the most known artist kasi ‘yon eh. Gusto ko kasing makita ang obra ni Leonardo da Vinci na si Mona Lisa. Gustong-gusto ko talagang makakita ng mga arts although wala naman akong talent tungkol sa mga ‘yon. Iba kasi kapag tinitingnan mo ang isang masterpiece eh, parang nasa harap mo ‘yong mga kasagutan sa mga tanong mo na hindi mo mahanap sa iba,” pagpapaliwanag ko.   “Teka nga, broken hearted ka ba?” Curious na tanong niya. Hindi ako maka-imik sa tanong niya. Dahil maging sa sarili ko hindi ko alam kung may nararamdaman na ba ako sa asawa ko sa loob lang ng sandaling panahon na nagkasama kami.   “It’s ok friend, masyado na yata akong madaldal sayo gayong kakakilala palang natin kanina,”bawi niya habang nakangiti.   “Ikaw, nagmahal kana ba?” Balik na tanong ko sa kanya.   “Oo,” maikling sagot niya pero may lungkot sa mga mata. Nais ko pa sana siyang tanungin kung anong nangyari pero parang nag-iba ang aura niya, ang dating masayahin kanina ngayon parang bigla nalang siyang nalungkot. “Hayan na pala ang train,” balik-sigla na sabi niya. “Alam mo, excited na akong mamasyal kasama ka. May mga kaibigan din naman ako pero masyado silang wild minsan hindi ko na masakyan ang trip nila,” parang batang nagsusumbong ni Jackie habang naghihintay kaming makababa ang lahat ng pasahero ng train.   “Ilang taon kana ba dito?’’   “Tatlong taon na mahigit. Kinuha ako ng Tita ko mula noon hindi pa ako naka-uwi. Parang ayoko rin namang umuwi,’’ habang naghahanap kami ng mauupuan.   “Ikaw, paano ka napunta rito? May kamag-anak ka?’’ tanong niya habang magkatabi kami sa upuan.   “Mahabang kwento at wala rin akong kamag-anak ditto.’’   “Ah, parang malalim ‘yang dahilan mo kung bakit ka nakarating dito. Tsaka nalang natin pag-usapan ang kanya-kanyang buhay natin. Maiba tayo, nangangailangan kami ng isang crew ngayon, aalis na kasi ‘yong isang kasama namin dahil magpapakasal na. Gusto mong mag-apply?’’pag-iiba niya sa usapan.   “Sige ba, mag experience din naman ako sa pagiging crew.’’   “Sige-sige, irerecommend kita sa boss ko. Excited na akong makasama ka kasi may kalahi na ako,’’ nangingiti niyang sabi.   “Ako rin gusto ko na rin makakita ng trabaho.’’   Maya-maya pa ay dumating na kami sa Louvre Museum. Marami-rami na rin ang tao dahil ay nakikita na rin akong mga grade school students. Siguro field trip nila dahil may nakita rin akong guro na kasama nila.   Maraming mga masterpiece na sa Museum pero mas nakatutok ang mga mata ko sa obra ni Leonardo da Vince. Mona Lisa looks like smiling, but something on her eyes na parang ang lungkot. It’s like there’s something na parang ang tagal ng nakatago sa sarili niya pero kailangan niyang magpakatatag.   “Gorgeous…so gorgeous…’’ I heard a playful voice beside me.   “Yes… she has an enchanting eyes…’’still looking at Mona Lisa.   “Yes…you have…’’   “What?’’ as I immediately turn my gaze to him. There, a playful pair of eyes staring at me like I’m his own masterpiece.        
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD