New Friend

1607 Words
  “What?’’ as I immediately turn my gaze to him. There, a playful pair of eyes staring at me like I am his own masterpiece.   “Anong sabi mo?” Medyo naiinis na sabi ko.   “Sabi ko… ang ganda mo. I mean ang ganda ni Mona Lisa,”nangingiti niyang sabi sabay kindat.   “Ewan ko sayo!” Inis kong tinalikuran ang estranghero gustuhin ko mang titigan pa si Mona Lisa. Babalikan ko nalang mamaya kapag wala na ang asungot na lalaki!   “Miss, I’m sorry,” hingeng paumanhin niya pero nakangiti habang nakasunod sa akin.   “Pwede bang layuan mo ako?”pagalit na sabi ko.   “Tanggapin mo muna ang sorry ko,”halata na pinipigilan niyang mapangiti. “Totoo naman kasi na ang ganda mo,” ulit pa niya.   “Mister hindi ako nakikipag-biruan,”asik ko ulit sa kanya.   “Hindi rin naman ako nagbibiro,” habang unti-unti ng sumisilay ang kanina pa niya pinipigilan na ngiti. “Tanggapin mo na ang sorry ko Miss, pleaseee.” Pagpapa-cute pa niya na parang bata tuwing nanghihinge ng candy sa mga magulang. “I’m Lorenzo Biazon, thirty years old, charming, mabait, masipag, matalino at higit sa lahat gwapo,” kwelang pagpapakilala niya sabay lahad sa kamay, sinabayan pa niya ng  kindat na pati ako ay napapangiti na rin.   “Oooyy nakangiti na siya,” pagpapatuloy niya.   “Mayabang ka rin nuh?”sinusubukan kong pigilan na mapatawa dahil sa pagpapakilala niya.   “Hindi naman, nagsasabi lang ako ng totoo,”depensa niya. “Miss tanggapin mo ang malambot kong kamay oh,” nangingiti pa rin niyang sabi.   “Galingan mo kasi ang pagpapakilala Mister,”sabat ni Jackie na hindi ko namalayang nakalapit na pala sa amin. “Kung ako sayo, sabayan mo pa ng konting giling baka tanggapin pa yan ng kaibigan ko,”dugtong pa ni Jackie.   “Halika na nga Jackie alis na tayo at please lang Mister huwag mo na kaming sundan,” habang hinihila ko papalayo ang bago kong kaibigan.   “Gusto niyong makisabay sa akin kumain?” Paanyaya niya.   “No thank you busog kami,” bago nilingon ulit ang estranghero nang biglang tumunog ang aking tiyan.   “Oppps, may traydor,” sabi ni Lorenzo na mas lalong nagpapalawak sa ngiti niya na pati si Jackie at ako ay nahawa na rin sa kanya.   “Let’s go, my treat. Don’t worry hindi ako maniningil lalo na sa mga magagandang dilag,” sabay kindat ulit sa amin ni Jackie.   “Sigurado ka?”nakangiting tanong ni Jackie.   “Oo naman, peksman!”may paangat pa sa kanang kamay na parang nanunumpa.   “Pangalan lang nang kaibigan mo, solve na ako,”at bumalik ang tingin niya sa akin.   He looks so playful yet may appeal. Lorenzo Biazon is wearing simple white polo shirt na may logong Ferrari sa kaliwang bahagi ng dibdib while dark denim naman ang kanyang pantalon. He’s also wearing white shoes na may logong buwaya sa gilid. He looks so clean and fresh na binabagayan pa sa kanyang longer top and shorter sides na haircut na mas lalong dumagdag sa kanyang playful look na dating. And he’s using citrus scent na hindi masakit sa ilong. May makakapal na kilay na mas lalong bumagay sa kulay kayumanggi niyang mga mata na parang laging nakangiti. Pinaparesan pa nang matataas na pilik mata habang hindi rin nagpapahuli ang kanyang matatangos na ilong. He has a thin yet pouty and natural red lips na kung hindi lang sa kakulitan nito malamang matatawag ko ng perpekto. His total physique ay kayang malagay na cover sa isang magazine at tiyak ninety nine percent ng sales ay mga babae ang bumibili.   “Pasado na ba ako Miss?”mas lalo pang lumawak ang kanyang mga ngiti dahilan para makikita ang kayang perfect set of teeth na halatang inaalagaan din.   “Let’s go Jackie,”ismid ko sa kanya para matabunan ang hiya.   “Sige na, ililibre ko kayo. May alam akong masarap na pasta dito,” pagpupumilit ni Lorenzo.   “Sige ha, ililibre mo kami dahil sa pang-aabala mo sa amin lalo na nitong kaibigan ko,”nangiting sagot ni Jackie.   “Hindi ka naman siguro tauhan ng mga human trafficking na tulad ng napapanood ko sa movie na taken nu?” Hindi ko alam kung dahil sa hiya kaya ko nasani ‘yon o talagang nakukulitan na ako sa estrangherong ‘to.   “Hahahahaha… Mmm, interesting…Sa lahat ng taong niyaya ko, ikaw lang nakapag sabi niyan na miyembro ako ng sindikado. Ngayon, mas lalo tuloy akong na-curious na mas makilala ka,” hindi pa rin mawala-wala ang kanyang mga ngiti. “May identification card ako, pwede mong ipa-verify sa mga police pero pagkatapos nun sabay na tayong kumain,”akmang kukuha na siya ng ID sa wallet niya.   “Oo na, mabait kana,” pagpipigil ko sa kanya.   “At hindi lang mabait, gwapo pa,” dagdag pa ni Jackie na magpa-hanggang ngayon nakangiti pa rin.   Dahil sa sinabi niyang ‘yon mas lalong nadagdagan ang confidence ng loko.   “See? Sa kaibigan mo na galing na pogi ako,” sabay kindat.   “Teka nga, magkakilala na kayo nu? Siguro set-up niyo ‘to para makuha niyo ang loob ko tapos ibebenta niyo ako sa mga sindikato?” Maging ako ay natawa na rin.   “Hahaha… sira!” Natatawang sagot ni Jackie.   “Let’s go?” pag-aanyaya ulit ni Lorenzo.   “Maddie Grace Sandoval, by the way,” sabay abot sa kamay ko kay Lorenzo.   “Nice meeting you Maddie. Bagay sayo ang pangalan mo, so beautiful,” tinitigan niya ako habang nakikipag-kamay sa akin.   “Ehem, andtio pa ako,” kwelang putol ni Jackie sa amin at tsaka palang din binitawan ni Lorenzo ang kamay ko.   Habang naghihintay kami ni Jackie sa labas ng museum, tsaka naman muling nagsalita ulit si Jackie.   “Ang pogi ni Lorenzo friend ah, bagay kayo at tsaka parang mabait,” may panunuksong ngiti ang kanyang labi.   “Nakipagkaibigan lang ‘yong tao,” depensang sagot ko.   “Ay sus ayaw pang aminin, pero napopogian ka rin nu? Pahirapan mo muna kapag nanligaw sayo friend para malaman mo talaga kung hanggang saan ang tibay ni Papa Lorenzo,” hindi pa rin maaalis sa mukha niya ang mapanuksong mga ngiti.   “Ano ka ba ligaw agad? Hindi pa puweding magkaibigan muna?”sakay ko sa pagbibiro niya.   “Pustahan tayo, wala pang tatlong buwan yang si Papa Lorenzo magtatapat na yan ng nararamdaman sayo,” paniniguradong sabi niya.   “Imposible ‘yang sinasabi mo Jackie, at tsaka hindi…”hindi ko pa natapos ang sasabihin ko ng biglang may bumisina sa harap namin. Isang magarang sasakyan ang huminto sa harap namin at biglang dumungaw sa bintana si Lorenzo na nakangiti.   “Sakay,” nakangiti na namang sabi ni Lorenzo.   “Diyan kana sa front seat girl sa likod na ako,”na halos itulak pa ako ni Jackie.   “Teka, ikaw na dito,” tanggi ko.   “Para naman akong may sakit na iniiwasan mo Maddie,”kunyaring nagtatampo na sa sabi ni Lorenzo.   “Hindi kaya,” realizing my actions para akong na-guilty.   “Sakay kana friend,”susog pa ni Jackie na komportable nang nakaupo sa likod. Wala na akong nagawa at pumasok na rin sa loob ng kotse.   “Matagal na kayo rito?”maya-maya’y tanong ni Lorenzo.   “Two weeks palang ako rito.”   “Ako naman magtatatlong taon na mahigit,”sagot naman ni Jackie mula sa likod.   “Ah,”patango-tango pa niyang sabi.   “Ikaw, dito ka nakatira?”ganting-tanong ni Jackie.   “Dito ako pinapanganak pero tumira ako sa Pilipinas noong kabataan ko. Tapos bumalik lang ako dito four years ago,”tuloy-tuloy niyang sabi. Kaya pala ang galing pa rin niyang magsalita ng wikang Filipino.   “Saan mo nga pala kami dadalhin? Hindi mo naman kami ihahatid sa kota ng mga sindikato nu?’’kunwaring pambibentang ko.   “Hahahaha…You’re so funny Maddie. Don’t know you that?’’sabay lingon sa akin.   “Sinasabi ko lang sayo Lorenzo, kapag binenta mo kami sa mga sindikato makakatikim ka talaga sa akin,’’galit-galitan na sabi ko.   “Mmm…sweet yet feisty my type,’’ sabay kindat sa akin.   “Close ba tayo?’’tanong ko.   “Hindi pa ba tayo close nito?’’ amuse na tanong niya habang sinusulyapan ako.   “Maloko ka rin nu?’’   “Sayo lang. Sarap mo kasing asarin eh,’’napapangiti pa rin siya.   “Para kayong matagal ng magkakilala tapos nagkita lang ulit ngayon,’’ sabi ni Jackie. “Teka Lorenzo, wala ka naman sigurong girlfiend nu? Baka mamaya sugurin kami pareho nitong kaibigan ko,’’tuloy-tuloy pa niyang sabi.   “Peksman wala cross my heart,’’ habang nag sign of the cross pa sa dibdib niya.   “Siguraduhin mo lang ah, malilintikan ka talaga sa amin,’’pagbabanta ko sa kanya.   “Eh ikaw, may boyfriend ka na?’’ bigla niyang tanong na halos manigas ako.   “Andito na tayo,’’pag iimporma niya at tsaka ko lang napansin na nakahinto kami isang mamahaling restaurant.   “Pasok na tayo,’’habang nagmamadali akong lumabas ng sasakyan.   Pagkabukas palang nang pintuan ay binati na kami ng guard kasunod naman ang naka-unipormeng waiter.   “Good evening, sir.’’   “Table for three please.’’ “This way Sir, Ma’am,’’habang nagpatiuna na siya sa paglalakad.   “Thank you,’’ng pareho na kaming maka-upo sa bandang terrace ng restaurant. Maliban sa inuukopa naming table may meron din sa kabila at may dalawang mestisang babae na kumakain.     “Would you like to order now Sir, Ma’am?’’anang waiter. Bago ako makasagot, hindi ko maiwasang marinig ang pinag-uusapan ng dalawang babae sa kabila.   “Is it true that Miguel Serrano Vasquez was already married?’’ aniya ng isang babae.            
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD