“Is it true that Miguel Serrano Vasquez was already married?’’ aniya ng isang babae. Hindi ko maiwasan pero nanlamig ako bigla. Alam kong sikat si Miguel dahil sa mga negosyo niya na magpahanggang ngayon ang alam ko lang may Hotel and Casino siya pero bukod doon wala na akong alam na iba. Pero hindi ko lubos maisip na pati sa ibang bansa ay kilala siya. Hanggang saan pa ba umabot ang pangalan niya? Hindi ko lubos maisip kung papaano ang isang Miguel Serrano Vasquez ay naging asawa ko. Kung gaano katanyag ang pangalan niya ako naman ang kabaliktaran. Kung papaanong sanay na siya sa magulong mundo, tahimik at payapa naman ang gusto ko.
“I’ve heard nakunan ng picture ‘yong asawa niya nung minsang na-ambush ma-interview but Miguel did everything not to release kahit ni isang litrato. Pinoprotektahan niya ng husto dahil baka ayaw sa limelight,’’ pagpapatuloy pa ng isa.
“I’ve already met Miguel few times at siya ang klase ng tao na pinoprotekhan ang mga babaeng naging involved sa kanya, but this time I think it’s…different. Imagine kahit picture hindi pinapalabas sa media,’’naririnig kong sagot sa isa.
“Dalawa lang iyan, either swerte ang babae ‘yong or baka ayaw Miguel sa kanya,’’ at pareho silang natawa.
“Maddie…Maddie… are you okay? Namumutla ka ah,’’ habang hinahawakan niya at sabay yugyog sa shoulder ko. Hindi ko namalayan na nadala na pala ako sa pakikinig sa katabi namin. Nawala ang kosentrasyon ko sa kasalukuyan maging sa mga kasama ko. Maging si Jackie ay nakatitig na rin sa akin.
“O…oo…okay lang ako. May naisip lang ako,’’ habang pinipilit kong mapangiti.
“Are you sure? Bigla ka kasing natulala. Akala ko galit kana naman sa akin,’’ at napapangiti na rin siya.
“Oo nga friend bigla nalang lumipad ‘yang utak mo. Siguro na-miss mo na ang pamilya mo nu?’’ Segunda ni Jackie na hanggang ngayon nakatingin pa rin sa akin.
“May naalala lang ako. Order na tayo?’’ Pag-iiba ko sa usapan para mabaling sa iba ang attention nila.
“Nakalimutan ko, gutom ka nga pala,’’ pang-aasar ni Lorenzo na mas lumawak pa ang ngiti ngayon.
“Alam mo ikaw ang galing mo talagang mang-asar,’’ may angil na sabi ko.
“Hep…hep.. awat na. Order na tayo at kanina pa naghihintay si Kuyang waiter oh,’’ pang-aawat ni Jackie sa simulang asaran naming ni Lorenzo.
“Anong gusto niyo? Pili kayo na kung anong gusto niyo, my treat,” maya-maya’y tanong ni Lorenzo.
“Ikaw na ang bahala Lorenzo. Nakakahiya naman sayo nilibre mo na nga kami,’’ pag-tatanggi ni Jackie sa gustong mangyari ni Lorenzo.
“Oo nga, ikaw na ang bahala. Kahit ano sa akin hindi naman ako mapili sa pagkain eh,’’ segunda ko sa kaibigan kong si Jackie.
“Are you sure guys? It’s okay lang talaga kung anong gusto niyo,’’ pangungumbinsi pa ni Lorenzo.
“Oo naman sure kami,’’ tango ko sa kanya.
“Okay then,’’ sukong sagot niya habang tiningnan muli ang menu bago tumingin ulit sa waiter. “Can you give us your best seller?’’ sabay tiklop at bigay niya ng menu sa waiter.
“Okay Sir. Anything you want to add Sir?” anang waiter.
“That’s all Thank you.’’
Nang makaalis na ang waiter, ngayon ko lang malayang napagmasdan ang buong lugar kung saan kami dinala ni Lorenzo. Sa terrace kami ngayon at kitang-kitang ang tanawin na sa labas. May mangilan-ngilan ng kumikislap na ilaw dahil magdadapit-hapon na ng makarating kami rito. Sa baba ay marami rami na rin ang paparoo’t paparito malamang ang iba ay pauwi na galing sa trabaho. Habang ang iba naman ay nakukwentuhan lang sa daan kasama ang kani-kanilang mga partner.
“Jealous?’’bigla biglang sabi ni Lorenzo habang pinagmamasdan din niya ang tinitingnan kong dalawang pares sa baba. Dahil sa narinig ko ay bigla akong napalingon sa kanya.
‘’Hindi kaya,’’ pangtanggi ko.
“Ows? Kung nakakamatay lang yang titig mo malamang kanina pa sila nakabulagta diyan,’’ pang-aasar pa niya lalo.
“Baka nga Lorenzo kasi parang feeling ko broken hearted yang bago kong kaibigan eh kaya nag-Paris.’’ Bago pa ako nakasagot mas nauna ng sumagot si Jackie sa akin.
“Ang gago naman nung nanakit sayo Maddie. Kung makita ko lang ang taong ‘yan gugulpihin ko talaga.’’ Bigla akong napatingin sa kanya dahil hindi ko alam kung seryoso o nagbibiro siya sa mga sinasabi niya. Pero mas nanaig sa kanya ang seryosong mukha ngayon malayo sa Lorenzo na nakilala ko hours ago. Ngayon, hindi ko maiwasang ikompara si Miguel at Lorenzo. Ang una ay masyadong seryoso ang mukha kabaliktaran nitong kaharap ko ngayon. Nakaka-intimidate ang aura ng asawa ko, samantalang itong kaharap ko parang medaling lapitan. Kung ang mga mata ni Miguel ay puno ng misteryo, ito namang kaharap ko ngayon ay masyadong expressive ang mga mata.
“Sinayang niya ang isang katulad mo.’’ Hindi ko alam kung namamalik-mata lang ako na may nakita akong galit na nagdaan sa mga mata niya o hindi lang ako sanay na nakikita siyang seryoso.
“Kaya ka ba umalis ng Pilipinas para layuan siya?’’ Kung alam niyo lang na siya ang dahilan kung bakit ako nakarating ngayon dito dahil pinoprotektahan niya na ako, pero hindi ko maaring sabihin iyon dahil ayokong malaman nila na may kaugnayan ako kay Miguel. At kung ano pa man ang ibang dahilan ko, ‘yon ay hindi ko pa rin alam.
“Hindi naman. Hindi ba puweding umalis ng Pilipinas para mag trabaho sa ibang bansa?’’ ganting biro ko sa kanya habang nakangiti pa. Pero nanatiling seryoso pa rin ang kanyang mukha.
“Aba ilang oras mo pa lang nakilala si Lorenzo friend ah pero parang nahawa kana sa kanya na mapagbiro,’’ biglang singit ni Jackie sa usapan namin na ngayon pareho na kaming tinitingnan.
“I’m glad na nahawa ka sa akin. I want you to be happy always. At mula ngayon pasasayahin pa kita lalo,’’ saad niya na may kindat pa. Minsan parang may remote itong mata niya na bigla-bigla nalang nakindat kapag natingin sa akin but I like it.
“Here’s your order Ma’am/Sir,’’ the waiter interrupted us bago pa ako makasagot sa kanya.
“Ang bango naman,’’ komento ni Jackie. They are giving us three different kind of pasta na sa tingin ko palang ay nakakatakam na. Mas naramdaman ko ulit ang gutom ngayon na biglang nawala kani-kanina lang dahil sa mga narinig ko sa dalawang babae na nag-uusap. Bago kumain ay nagdasal muna si Lorenzo bilang pasasalamat sa pagkain na nasa harap namin ngayon at hindi ko maiwasang hindi mamangha sa ipinakita niyang ugali. Sino ba naman ang mag-aakala na ang palabirong Lorenzo ay may side pala na ganito?
“Let’s eat,’’ aniya.
“By the way Lorenzo, kung hindi mo mamasamain sa’n ka nga pala nag tatrabaho?’’maya-maya ay nagtanong si Jackie.
“May maliit na negosyo ang Mama ko ditto, natulong ako sa pamamahala,’’ sagot niya. Hindi na rin ako nagtataka na may negosyo sila dahil sa porma palang niya alam kong nakaluwag-luwag siya sa buhay. Mula sa damit at maging sa kotse na dala niya alam kung may halagaa rin.
“Ikaw Maddie, saan ka ngayon nagtatrabaho? Maaari kitang mai-recommend sa HR naming baka gusto mo?’’
“Salamat pero hindi na kailangan. Tutulungan na ako ni Jackie para makapasok sa pinagtatrabahuan niya,’’ tanggi ko sa alok niya.
“Sige ikaw bahala. Kung salaking hindi ka matanggap pero I’m sure matatanggap ka, andito lang ako.’’
“Salamat Lorenzo. Sige magpapatulong ako sayo kapag wala akong mahanap na trabaho hanggang sa katapusan.’’
“Sige aasahan ko ‘yan. Andito lang ako kapag kailangan mo ng tulong,’’ sabay hawak sa kamay ko.
“Ehem, may na-develop na feelings na ba?’’ panunukso ni Jackie habang nakangiti. Si Lorenzo naman ang unang nagbawi sa kamay.
“So, ilang taon ba ang kontrata mo dito Maddie?” maya-maya tanong niya ulit. Ilang taon? Hanggang kailan ba ako rito? Dahil ang totoo hindi ko pa rin alam. Maaaring sa susunod na buwan ay puwede na akong umuwi, maari ring sa susunod na taon. Ngayon hindi ko maiwasang itanong sa sarili ko. May kalayaan ba talaga ako? Dahil ang totoo si Miguel pa rin ang masusunod kung kailan ako makakauwi para mapawalang bisa na ang kasal namin.
“Hey, hindi ba masarap ang food?’’untag niya.
“Actually ang sarap nga eh kaya ako napatulala dahil ninanamnam ko ang sarap,’’ biro ko.
“Wow huh! Ang bilis mong makapick-up sa biro ah! I LIKE YOU…’’