“Wow huh! Ang bilis mong makapick-up sa biro ah! I LIKE YOU…’’ biglang sambit niya.
“Anong sabi mo?” kunwari hindi ko siya narinig.
“Sabi ko I like you as a person. Hindi ka nagpapadala sa lungkot. Lumalaban ka,” habang sinusubo ang pasta.
“Ah, akala ko like mo na si Maddie. Ang bilis namang pumana ni Mister Kupido para tamaan ka ng pag-ibig sa kaibigan ko,” sambit na Jackie.
“Puwede rin,” habang kinikindatan niya ulit ako.
“Sipain kaya kita d’yan eh,” kunwaring inis ko dahil alam kong nagbibiro lang din siya. Sa totoo lang natutuwa ako na may mga bago akong kaibigan sa lugar na kung saan isa lang akong estranghero. Nakakatuwang isipin na hindi ako nag iisa. Pero sa ngayon hanggang pakikipag kaibigan lang ang maibibigay ko kung sakaling may manligaw. Dahil bukod sa wala pa akong balak pumasok sa isang relasyon, gusto ko rin munang ayusin kung ano mang gulo ang napasok ko. Lalo pa’t pangalan ni Miguel ang nakataya. Kahit pa sabihing sa papel lang kami kasal, ano’t anu man ang mangyari legal pa rin iyon.
“Pero halimbawa mang manligaw ako sayo Maddie, may pag-asa kaya ako?” maya’t maya pa ay putol niya sa pag-iisip ko.
“Alam mo, kanina ka pa talaga Lorenzo. Masyado ka bang gutom at kung anu-ano ‘yang pumapasok sa utak mo. Kumain ka na nga lang, heto pa ang pasta ko o sayo na,’’ habang ibinibigay ko sa kanya ang hindi pa nangangalahating pasta ko.
“Andito ‘yang kaibigan ko Lorenzo para mag trabaho. Ikaw talaga ang bilis mo. Kilalanin niyo muna ang isa’t isa tsaka kayo mo siya ligawan.’’ Hindi ko alam kung nagbibiro lang din si Jackie sa suhestiyon niya o gusto niya si Lorenzo para sa akin. Pero tama si Jackie, kung papasok man dalawang pares sa isang malalim na relasyon dapat kilalanin muna ang isa’t isa, hindi tulad sa amin ni Miguel. Dahil naniniwala pa rin ako, ang pagkakakilanlan sa isa’t isa ang magiging simula ng pagkakakilanlan habang buhay. Dahil kahit kasal na kayo, kikilalanin niyo pa rin ang isa’t isa habang buhay.
“Itigil niyo na ‘yan. Kumain nalang tayo,’’ putol ko sa kanila para hindi na humaba pa ang diskusyon. Ayokong pabigla-bigla ako sa mga naging desisyon ko simula ngayon.
“Yes Mam’am,’’ birong sabi ni Lorenzo. “So, saan niyo gustong pumunta pagkatapos? Gusto niyo samahan ko kayo?’’ Maya-maya tanong niya habang tinitingnan kami ni Jackie.
“Wala ka bang trabaho? Baka masyado na kaming nakaabala sayo Lorenzo. Ok lang na kami nalang ni Jackie ang maglakwatsa,’’ simpleng tanggi ko sa alok niya.
“No, it’s okay. I can always make my time available to you, Maddie. Malakas ka sa akin eh,’’ heto na naman siya at nakindat na rin ulit. Lorenzo can make you feel like you are riding a roller coaster. Minsan smooth pa ang takbo ng usapan then after a few seconds it makes your ride crazy and I know kung magkikita or masusundan pa itong pagkikita naming, I know marami pa akong malalaman tungkol sa kanya.
“Oo nga Lorenzo, kaya na naming ni Maddie ang mamasyal lalo pa’t busog na kami,’’ may pagbibiro pang sabi ni Maddie.
“Ouch, parang tinanggihan niyo ang offer ko ah,’’ nilalagay pa niya ang kamay niya sa kanyang dibdib kunwari nasasaktan pero nakangiti.
“Hindi naman sa ganun, baka masyado lang kaming naka-abala sayo,’’ pagpapaliwanag ko.
“Of course not. Ok lang talaga sa akin Maddie. I have all the time in the world ika-nga,’’ pagpupumilit pa rin niya. “So, saan niyo gustong pumunta next? I’m sure tapos niyo nang pumuntahan ang iconic na Eiffel Tower, lahat ng mga turista gumagastos lang ng malaki para puntahan ‘yan dito sa City of Love,’’habang nakatingin sa akin.
“Diyan ka nagkakamali Lorenzo, ‘yong akala mo lahat nang nagpupupunta ng Paris sa Eiffel Tower ang inuuna pero ‘yang kaibigan ko iba, sa museum,’’ pagsusumbong ni Jackie.
“Really? What an interesting woman!” he exclaimed! Nakikita ko rin sa kanyang mukha ang pagkamangha and at the same time curious. “So, you like museum than any other glamorous tourist spots? Kasi most of the girls na kakilala ko, halos maglulupasay na para lang makapunta sa tower na iyan, but you…you’re different,’’ mas lalo pa niya akong tinititigan na para bang ngayon lang siya nakikita ng babaeng mahilig sa art. “Anong meron sa museum na hindi mo makikita sa iba?’’
“Ang totoo niyan, hindi ko alam. Pakiramdam ko kasi kapag natingnan ko ang isang larawan, para kang dinadala sa iba dimension ng buhay, para kang dinadala sa nakaraan at higit sa lahat, kapag tinitingnan mo ang isang larawan parang nakikita mo dun ang sagot na matagal mo ng hinahanap,’’ mahabang paliwanag ko.
“Interesting… and to be honest I would love to know more about you,’’ he said while seriously looking at me.
“Yan ang tama, dapat niyo munang kilalanin ang isa’t isa,’’ putol ni Jackie.
“I’ll make sure of that Jackie, tulungan mo ako ah,’’ habang kinikindatan pa niya si Jackie.
“Makaka-asa ka Lorenzo basta libre ng masasarap na pagkain,’’ pagbibirong sagot ng kaibigan ko. At pareho-pareho na kaming natawa.
“So, saan ang gusto niyong puntahan?’’
“Well, nabanggit mo na rin ‘yang Eiffel tower na ‘yan, puntahan na natin. Ikaw Jackie, baka may suggestion kang iba?’’ tanong sabay tingin sa kaibigan ko na ngayon ay umiinom na ng wine.
“Actually, I’m okay with Eiffel Tower. Masarap puntahan ‘yun ngayon lalo pa ang magagabi na. Mas nakadagdag sa magandang atmosphere ‘yong liwanag ng iba’t ibang klaseng ilaw. Mas lalo kang ma-iinlove sa lugar,’’ tuloy-tuloy na paliwanag niya.
“It’s settled then, Eiffel tower!’’ Lorenzo exclaim na parang bata na pinapayagan ng isang magulang na maglaro kasama ang mga magulang. “Let’s make new memories there. Kung ano man ‘yang pinagdadaanan mo sa Pilipinas, huwag mong hayaang balutin ka ng nakaraan Maddie. I’ll help you move forward,’’ he sincerely said once again. He makes me feel that I can count on him in whatever circumstances that I may encounter.
“Let’s go, baka kung saan pa mapunta ang titigan na ‘yan. Maiingit lang ako,’’ kunwaring naiinggit si Jackie.
“Hayaan mo, marami akong kaibigan na single, irereto kita sa kanila,’’ pang-aasar pa lalo ni Lorenzo. Papaanong nag-click ang dalawang tao na ngayon lang nagkakilala? The way I see it, Jackie and Lorenzo have the same common denominator, they are good in making light conversation.
“Huwag na Lorenzo baka sa una lang ako masaya tapos sa huli sasaktan lang ako. Ganyan kayong mga lalaki, papapakiligin lang kaming mga babae tapos malalaman mo nalang marami pala kayong pinapakilig niya,’’ komento ni Jackie. I know it’s a joke pero parang may laman. Maybe nasaktan na itong kaibigan ko before kaya umalis ng Pilipinas.
“Let’s go, baka kung saan na naman mapunta ‘yang usapan niyo,’’ anyaya ko dalawa dahil baka mag-asaran na naman.
Habang nasa sasakyan na ulit kami ni Lorenzo, I realize na tama siya. I need to move forward to, hindi puweding malugmok ako sa nakaraan. Mula sa pinagdadaanan ko nung kasama ko pa ang ina ko hanggang sa mawala siya at magpakasal ako kay Miguel, mas may lalim pa akong dahilan kung bakit kailanga kong umabante sa buhay at alam kung maiintindihan ‘yon ng Ina ko o mas matutuwa pa siya dahil hindi ako nagpadala sa lungkot. Maging kay Miguel, kailangan kong lumaban para sa kanya dahil alam kong hindi habang buhay akong magtatago at alam kong hindi sa lahat ng panahon mapoprotekhan niya ako.
“Ang ganda talaga ng Paris kaya bagay lang sa bansang ito na tawaging City of Love,’’ pagpuputol ni Jackie sa malalim kong pag-iisip.
Sa kilid ng daan makikita mo ang iba’t ibang mga maliliit na buildings na halos magpaligsahan na sa ganda ng ilaw. Ang ganda ng lugar lalo pa’t may mga nakikita akong naghahawak kamay habang naglalakad sa gilid ng daan.
“Here we are!’’ Lorenzo said habang pinapahinto ang sasakyan meters away from the Eiffel tower.
“Wow! Ang ganda,’’ may paghangang tinitingnan ko isang iconic na tower.
“Yes so beautiful...’’ Lorenzo said.
“Mas lalong nagpapaganda ang mga tumutugtog sa gilid daan,’’ ani ni Jackie habang nakatingin din sa mga taong nasa gilid ng kalsada malapit sa Eiffel tower. Mula sa Eiffel tower ay napasunod ang aking mga mata sa sinasabi ni Jackie. There, a middle aged man playing his violin while other people are dancing and some are singing, mas lalo kung naramdam ang lugar. It makes you feel that you are in love at the moment.
“Let's dance and make new memories together.’’