“Let's dance and make new memories together, “ anyaya ni Lorenzo habang nakatingin sa akin. The way I see it, pinaninindigan niya talaga ang sinasabi sa akin kani-kanina lang. Kalimutan kung ano man ang pinagdadaanan ko sa Pilipinas at bumuo ng mga bago at masasayang alaala kasama siya.
“Talagang gusto mong bumuo ako ng maganda at masasayang alaala kasama ka? Paano kung dumating ang araw na aalis ako? Anong gagawin mo?” Gusto ko lang itanong sa kanya dahil alam kung darating ang araw na mangyayari iyon, hindi paman sa ngayon.
“Well, kung mangyayari ‘yon mas maganda diba na ang maiiwan kong alaala sayo ay mga masasaya?” Balik na tanong niya at hanggang ngayon sa akin pa rin nakatingin. “I want you to be happy while you are here, while you are with me.” Hindi ako makasagot tungkol sa mga sinasabi niya dahil masyado pang maaga. Hindi ko nga alam kung bukas makalawa ay magkikita pa kami. Ang gusto ko lang gawin sa ngayon ay magsaya nang walang iniisip tungkol sa nakaraan man o sa magiging bukas.
“Let’s go guys, let’s enjoy the night! Tamang-tamanat day off ko bukas at ikaw Maddie wala kang gagawin bukas diba?” Halatang excited na si Jackie siguro dahil puro trabaho din siya at minsan lang makigala.
“Sure! Let’s go,” tugon ko para makaiwas na ako sa gustong sabihin pa ni Lorenzo. Ayokong humaba pa ang seryosong usapan namin sa ngayon.
“Mauna na kayo guys, may titingnan lang ako,” paalam niya.
“Sige, dun mo lang kami puntahan sa may mga nagsasayaw,” turo ko sa kanya.
“Kahit saan ka magpunta hahanapin pa rin kita Maddie,” pagbibiro ni Lorenzo habang nakangiti.
“Tama na yan guys, simulan na natin ang party-party!”awat ni Jackie. Dahil sa sinabi niyang iyon pareho na kaming natawa at tuluyan na kaming bumaba ng sasakyan.
Pagkalabas palang namin ng sinasakyan, halos mapapaindak na kami sa malamyos na tugtog gaya ng isang tugtog sa mga sinaunang panahon kapag may papiging ang hari at reyna. Nakakapanibago, dahil ang dati kung ginagawa ay puro trabaho hanggang sa gabi. Hindi ko naranasan ang ganito, ang magsaya na walang bukas na iniisip. At hindi ko rin mararanasan ang ganito kung hindi ko nakilala si Miguel. Dahil sa kanya gumaan ang buhay ko.
“Ang sarap pakinggan ng musika nila,” aniya ni habang unti-unti nang napapaindak ang kanyang mga paa. Nakikisabay sa bawat tiyempo. Totoo nga ang mga sinasabi nila na ang musika ang magbubuklod sa mga tao kahit saang lupalop ng mundo ka galing at ano man ang linggwahe na gamitin nito. Tulad ngayon, iba’t ibang lahi ang nakikita ko pero halos sabay-sabay ang indak ng mga paa nila. Maging ang mamang may hawak na violin ay nasisiyahan sa kanyang mga nakikita. Wala ni katiting na pagod ang makikita sa kanyang mukha.
“Halika ka na,” habang hinihila na ako ni Jackie papalapit sa sentro ng kumpulan at mas lalong nanuot sa aking tenga ang malamyos na musika na kanina ko pa naririnig. Ang sarap pakinggan ng musika, hindi na kailangang may nakalapat na letea para maintindihan ang bawat isa.
“Ang sarap pakinggan!” Komento ni Jackie na ngayon may kasama ng konting kembot ang kanyang mga galaw. Habang ang iba ay todo indak na. “Nakakalimot ng problema ang musika, Maddie kaya sayaw na!” yakag pa niya habang nakangiti.
“Oo na sasabay na po sa musika,” sang-ayon ko sa kanya. Hindi ako mahilig sa sayaw, pero sa ganda ng tugtugin na narinig ko ngayon hindi ko mapigilang hindi sumabay sa indayog ng mga galaw nila.
“Welcome to the City of Love! Let’s begin the party!” Anang isang lalaki sa gilid, dahil sa sigaw na ‘yon mas lalong lumakas ang hiyawan ng mga tao hudyat na nagsisimula ng malunod sa saya.
“Ang saya! Maingay pero ang saya!”pasigaw na sabi ni Jackie dahil mas lumakas pa ang hinayawan ng mga tao ng may dumating pang mga lalaki dala-dala ang kani-kanilang musical instrument.
“Oo nga, parang wala ng bukas! Masarap pala sa pakiramdam ang tumakas paminsan-minsan sa lungkot at pighagti. Kalimutan ang mga pinagdadaanan kahit sandali man lang. Nasa kalagitnaan na kami sa kasiyahan ng bigla kong naalala si Lorenzo dahil magpahanggang ngayon ay hindi pa rin siya bumabalik. Sa gitna ng kumpulan, palinga-linga ko siyang hinahanap nagbabakasakaling makita siya ng mga mata ko. Tulad ng inaasahan, nakita ko siya ilang metro ang layo mula sa kung saan kami nagkakasiyahan. Tulad nang ginawa ko kanina, pinagmamasdan niya rin ang taong nagkakasiyahan o tamang sabihin na parang may hinahanap. Nang matuon ang mga mata niya sa akin, kinawayan ko siya para malaman niyang nakita ko rin siya. Pinagmamasdan ko siya habang paunti-unti siyang lumalapit sa amin, wala akong maipipintas sa pisikal niyang anyo. Mula sa tindig at paglalakad, gwapong mukha hanggang sa may katamtamang hugis ng pangangatawan masasabi kong nasa kanya na ang hinahanap ng isang babae kung pisikal na anyo ang pagbabasehan.
“Are you having fun?”bulong niya sa akin ng makalapit na sya ng husto.
“Sobra!” Nakangiting tango ko sa kanya. Totoong masaya ako mula nang makarating ako dito, ngayon ko lang naranasang lumabas ng matagal sa apartment. Dahil maliban sa kinakabisado ko pa ang lugar wala din akong kakilala na makakasama ko sa pamamasyal.
“Masaya ako na masaya ka, Maddie. At higit sa lahat masaya ako na masaksihan ko ang unti-unti mong paglipad,” sinserong sabi niya. Kahit maingay ang paligid, rinig ko pa rin ang kanyang mga sinasabi.
“Saan ka ba galing? Kanina pa kita hinahanap hindi kita makita. Akala ko tuloy iniwan mo na kami dahil na realize mo na ang laki na nang gastos mo sa amin,” pasigaw kong biro sa kanya. Dahil sa ginawa ko, mas lalong nagkalapit ang mga mukha namin na kung titingnan sa malayo ay para kaming magkasinatahan whispering sweet words to each other.
“Mamaya na ang lambingan guys, sayaw muna tayo!” Narinig kong sigaw ni Jackie na ngayon ay unti-unti na siyang pinagpapawisan. “Let’s enjoy the moment!” Dagdag pa niya. Totoo naman, minsan ka lang magpakasaya lubos-lubusin mo na, hayaang lunurin ng kasiyahan ang iyong sarili. Habang tumatagal ang kasiyahan mas lalo kong napapansin na mas dumarami ang mga tao. Pero habang tumatagal din mas lalo kong napapansin si Lorenzo na binabantayan niya ako lalo na ang mga taong nakapaligid sa akin na parang ayaw niya akong masaktan. Malamig na simoy ng hangin, maliwanag na ilaw sa paligid, tugtog ng musika, indak ng mga paa at masasayang tawa kasama ang mga bagong kakilala ang nagpapatunay na hindi sa lahat ng oras pera ang nagpapasaya sa tao.
Lumalalim na ang gabi pero parang walang kapaguran ang mga tao. Pati ako ay hindi ko namalayan ang oras maging ang pagod ay hindi ko naramdaman. Paglingon ko kay Jackie ay may mga kausap na rin siya at natutuwa ako para sa kanya. Habang si Lorenzo naman ay pareho naming sinasabayan ang masasayang tugtog at kung maaari ay ayaw ko munang matigil.
“Aren’t you tired yet?’’ biglang tanong ni Lorenzo.
“To be honest hindi pa. I just want to live at the moment,’’ nakangiting sagot ko. “Ikaw, gusto mong magpahinga?’’ balik na tanong ko sa kanya habang walang patid pa rin ang indak ng aking mga paa.
“Baka lang gusto mo munang umalis dito sandali, may alam akong lugar na kung saan mas matutuwa ka,’’suhestyon na.
“Talaga?’’ mas lalo akong na-excite sa narinig ko. Masaya ako ngayon kaya lubos-lubusin ko na.
“Of course! Halika na,’’ habang hinahawaka niya ako papalayo sa lugar na iyon.
“Paano si Jackie?” tanong ko habang nililingon si Jackie na hanggang ngayon masayang nagkukwentuhan sa mga bagong kakilala na kaibigan.
“Babalik din tayo, tawagan mo nalang mamaya total nakuha mo na ‘yong number niya kanina,’’ tama siya, nagpalitan kami ng number kanina habang kumakain kami dahil pinag-uusapan namin ang tungkol sa trabaho. Tawagan niya raw ako kapag nasabihan na niya ang boss niya tungkol sa recommendation niya sa akin sa trabaho at maging si Lorenzo ay ganun din sa akin.
“Sige,’’ pag sang-ayon ko.
“Halika na, sigurado akong mag-eenjoy ka.’’
“Hindi mo naman ako ibebenta sa sindikato nu?’’ maya-maya tanong ko habang nakasunod ako sa kanya.
“Hahahahaha… you’re so funny. Akala ko nakalimutan mo ang tungkol sa mga sindikato na ‘yan. Masyado naman akong gwapo para sumali sa grupo ng mga sindikato nu,’’ pabirong sagot din niya.
“Malay ko, kadalasan ginagamit ang hitsura para makaakit ng bibiktimahan at para hindi paghinalaan.’’
‘’Inaamin mo rin na gwapo talaga ako?’’bigla siyang napahinto at lumingon sa akin.
“Hindi kaya!’’ pag-dedeny ko.
“Ay sus aminin mo na kasi na napupugian ka rin sa akin,’’ pang-aasar pa niya lalo.
“Bilisan mo na kung ayaw mong bumalik ako sa pinanggalingan natin,’’ kunwari naiinis ako sa kanya.
“Ito naman hindi na mabiro, oo na malapit na tayo,’’ at nagpatuloy na siya sa paglalakad. May isang sulok kaming dinaanan na wala masyadong tao at pumasok sa isang under construction na building. May mga kagamitan pa para sa pagsesemento sa gilid at kung anu-ano pang mga materyales na kakailangan sa pagawa ng isang building. Nauna nang umakyat si Lorenzo habang ginagawang ilaw ang flashlight ng kanyang cellphone.
“Kanino ‘tong building nato?’’ bigla kong naisip na itanong kay Lorenzo habang nakasunod ako sa kanya.
“Hindi ko alam, nakita ko lang,’’ sagot niya na parang hindi pinag-iisipan.
“Sigurado ka na pwedi tayong umakyat dito?’’ may pag-aalalang tanong ko.
“Yan ang hindi ako sigurado,’’ patuloy pa rin siya sa paghakbang paitaas.
“Hoy Lorenzo ayokong makulong. Gusto ko lang naman magpakasaya sa gabing ito. Tsaka ano ba itong inakyat natin hindi naman…’’ bago ko pa natapos ang sasabihin ko biglang nagsalita si Lorenzo.
“Tingnan mo ang nasa iyong harapan,’’ sabi niya.
“WOW! Ang ganda!
“Nagustuhan mo?’’
“Oo naman!’’ Sino ba namang hindi magugustuhan ang mga nakikita niya? Sa harapan namin makikita ang Eiffel Tower ilang metro ang layo mula sa amin. Napapalibutan ito ng ilog kung saan may nakaparadang yate na iba-iba ang desinyo. Maging ang mga fountain na nasa harap ng tower ay may iba-ibang kulay ang tubig.
“Salamat at nagustuhan mo rito.’’
“Totoong may saya sa maiingay na mundo tulad kanina, pero may kapayaan din ang ganitong lugar. Ang ganda naman dito Lorenzo. Hindi nakakasawang pagmasdan kung ano man ang nakikita mo sa harapan.’’
“Oo nga… ang ganda.’’
Bago ko pa siya nasagot isang boses ang aming narinig.
“Who are you people?” Pareho kaming napalingon sa pinanggalingan ng boses habang nakatutok sa amin ang ilaw ng flashlight.
“Maddie, takbo! Huhulihin tayo ng security guard dahil trespassing tayo!’’
“WHAATTT???!!!”