Necklace

1507 Words
“Maddie, takbo! Huhulihin tayo ng security guard dahil trespassing tayo!’’ “WHAATTT???!!!” Halos pasigaw na sabi ko dahil sa gulat! “You’re crazy!” “Yeah, I know kaya tumakbo na tayo!” Hawak-hawak niya ang kamay ko habang bumababa kami sa hagdan. Kung kanina pag-akyat ko may kahirapan ang aking mga paa ngayon halos liparin ko na ang ilang baitang makababa lang kaagad at hindi mahuli nang nagbabantay! Pagka-apak namin sa lupa halos liparin na namin ang ibang bahagi ng kalsada at sabay kaming tumatawa na parang baliw. “Nakapaloko mo talaga Lorenzo! Hindi ko lubos maisip na makukulong ako rito dahil sa kasong trespassing,” tumatawang sabi ko sa kanya. “My God! Law abiding citizen ako sa Pilipinas tapos ngayon makukulong ako dito ng trespassing?!” Nakagiting paninirmon ko sa kanya. Hindi ko lubos maisip kung anong magiging hitsura ko kapag nahuli kami kanina. Pero si Lorenzo ay hinahawakan pa ang tiyan habang tumatawa. “Hindi…hindi ko naman alam na ang bilis nilang bumalik sa pag roronda!” Halos magkautal-utal pa niyang sabi dahil sa kakatawa. “Pag ako nahuli Lorenzo dahil sa kalokohan mo makakatikim ka talaga sa akin! Kakalbuhin talaga kita!” Birong pagbabanta ko sa kanya. Habang pareho naming pinapahupa ang aming nararamdaman, unti-unti ko lang na-realized na ang saya ng buhay kadalasan hindi pinaplanu. Mas may saya at excitement ang buhay kung wala kang sinusunod na mga tuntunin, ‘yong kusa lang na mangyayari. “Pero salamat Lorenzo. Sobrang saya ko sa gabing ito. Hindi ko inaasahan na magkakaroon agad ako ng mga kaibigan sa katauhan niyo ni Jackie. Alam kong maaga pa para sabihin ko sa inyo ito, pero alam kong mababait kayong tao kaya salamat sa inyong dalawa,” madamdaming wika ko sabay yakap sa kanya. Ramdam kong nanigas ang katawan niya dahil sa ginawa ko, pero unti-unti kong naramdaman ang paggalaw ng mga braso at kamay niya upang gumanti ng yakap sa akin. “Mas masaya ako na masaya ka Maddie. Simula ngayon puro mga masasayang alaala na ang bubuuin natin dito,” habang yakap pa rin niya ako. Ako na ang unang kumalas dahil alam kong tama. “Puntahan na natin si Jackie, baka sumabog na ang ilong nun sa kakahanap sa atin,” biro ko. “Para maikwento ko na rin sa kanya kung papanung muntik na tayong mahuli dahil sa pinaggawa natin.” “Tara na, baka maabutan pa tayo ni manong guard lagot na,” habang kinakamot pa niya ang ulo niya. Tulad kanina bago kami umalis sa kumpulan na nagkakasiyahan, ganun pa rin kadami ang mga tao o mas tamang sabihin na mas dumami pa. Habang lumalalim na ang gabi, mas nagiging aktibo pa lalo ang mga kabataan sa pagsasasayaw. “Maddieee!!!” Narinig kong sigaw ni Jackie mula sa kanan na hanggang ngayon nakikipag kwentuhan pa rin mga bagong kakilala. “Jackie!!!” Kumuway ako na may senyas na lalapitan namin siya. “Saan kayo galing?”tanong niya ng makalapit na kami. “Itong lokong si Lorenzo muntik na kaming mahuli ng security personnel dahil sa pagiging trespasser!”sumbong ko kay Jackie na kunyari galit. “Ano???!” Gulat na tanong niya. “Oo narinig mo, dahil sinama niya ako sa under construction na building may taga bantay pala. Hayun, buti miyembro ako ng marathan dati,” tawang sabi ko pati sina Jackie at Lorenzo ay natawa na rin. “Tama na iyan, I want you to meet may new friends,” habang hinihila niya ako papunta sa mga bagong kaibigan niya. “Guys, I want you to meet Maddie. Maddie, this is Yza, Cristine and Asher,” pagpapakilala niya sa amin. Yza looks like Mexican. Asher looks like spanish while hugging Cristine at her back. I know they are couple the I see their actions. “Nice to meet you,” habang isa-isa kong tinatanggap ang pakikipag kamay nila sa akin. At maging si Lorenzo ay ganun din. “Want to have some beer? I know some good place to hang out,” biglang sabi ni Lorenzo. This man is so cool! Halos alam yata lahat nang lugar kung saan may pagkain at inuman! “Sure!” Halos magkasabay pa kaming lahat na sumang-ayon sa suggestion niya. “Teka nga Lorenzo, hindi ka ba mamumulubi sa kakalibre? Aba’y kanina mo pa kami nililibre ah.” Bigla ko siyang hinila para hindi kami marinig ng mga kasama namin. “Ok lang at tsaka nagpapalakas ako sayo,” nakangiting sagot niya na sinabayan na naman niya ng kindat. “Hoy Lorenzo hindi lahat ng babae nadadaan mo sa mga ganyan-ganyan. May mga babaeng mababaw lang ang kaligayan at hindi mo na kailangang gumastos ng malaki para mapasagot mo siya.” “So, ‘yong tulad kanina may malaking points na ako dun?” “Puweda nalang kung ‘yong babae muntik ng mahuli dahil sa kagagawan ng lalaki minus ‘yun,” birong sagot ko sa tanong niya. “Ouch! Minus pala ‘yun! Akala ko pa naman malaki ang puntos ko dun.” “Ewan ko sayo! Halika na nga,” Nakangiti kong sabi habang hinihila ko siya. Inuman, kwentuhan at tawanan ng kung anu-ano ang aming ginawa hanggang sa naisipan na naming umuwi. Akala ko out of place ako sa grupo but they make sure na hindi ko mararamdaman ‘yon lalung-lalo na si Lorenzo. Halos lahat ng kwento ay galing sa kanya at kadalasan dun ay puro mga kalokohan. Mula pagkabata hanggang sa lumaki na siya at nag trabaho kasama niya palagi ang kanyang ina tulad ko. “Until next time guys and nice meeting you,” paalam namin sa bagong kakilala bago kami sumakay sa sasakyan ni Lorenzo. “Ngayon ko lang naramdaman ang pagod ko but its all worth it,” naghihikab na sabi ni Jackie sa likuran at napapapikit na rin dahil sa antok. “Oo ako rin. Salamat sa inyong dalawa dahil nag enjoy ako ng husyo ngayon.” “Ano ka ba, walang anuman ‘yon Madie,” sabi ni Lorenzo habang nagmamaneho. “Basta, thank you pa rin sa inyong dalawa.” “Anytime Maddie at anywhere!” Sabay kindat pa at naalala ko na naman ang nangyari kani-kanina lang. “Hoy ‘yon ang hindi na talaga mauulit Lorenzo baka tuluyan na tayong mahuli!” Iniisip ko palang natatakot na ako. Pero ang nangyari kanina ay isa sa mga masasayang alaala sa akin habang nandito pa ako sa lugar na ito. “Jackie, andito na tayo sa apartment mo,” sabay yugyog ko sa balikat ni Jackie na ngayon ay mapupungay na ang mga mata. “Mmm… andito na pala ako. Sige Maddie, Lorenzo alis na ako. Salamat sa paghatid. Lorenzo, ingatan mo ‘yang kaibigan ko kundi makakatikim ka talaga sa akon.” Kahit inaantok na ay nagawa pa rin niyang paalalahanan si Lorenzo. “Yes Ma’am,” na may kasama pang salute. “Sige pasok na ako. Take care.” “Bye Jackie! Tawagan kita mamaya.” Jackie lives in a five-storey apartment and few blocks from her ay ang apartment na kinuha ni Miguel para sa akin. Miguel, naisip ko uli ang pangalan niya parang nakokonsensya na ako sa ginawa ko. Nagpapakasaya ako habang may asawa na akong tao. Wala na ba akong karapatanh lumigaya? “Maddie, andito na tayo,” untag ni Lorenzo sa akin. “I’m sorry may naisip lang ako. Salamat sa paghatid,” akmang bababa na sana ako. “Wait, here.” Sabay abot niya sa akin sa maliit na box. “Ano ‘yan?” Habang tinititigan ko pa rin ang hawak niya. “Pa-welcome ko sayo sa Paris,” nakangiting sabi niya. Siya na mismo ang nagbukas dahil hindi ko pa rin tinanggap ang ibinigay niya. Tumanbad sa akin ang isang white gold necklace na may pendant na Eiffel Tower. “Hindi ko iyan matatanggap Lorenzo.” “Sige na, tanggapin mo na.” Pagpupumilit niya. “Ang mahal nito, sa iba mo na ibigay ‘yan,” tanggi ko habang tinitingnan siya. “Kapag hindi mo tatanggapin ‘to magtatampo talaga ako. At saka mura lang ‘to seventy five percent ang discounted price nito kaya binili ko na,” pagbibiro na naman niya. “Alam mo ikaw napakaloko mo talaga. Seryoso hindi ko talaga matatanggap ‘yan,” tanggi ko pa rin. “Sige na, tanggapin mo na. Magtatampo talaga ako sayo kapag hindi mo tinanggap ‘to.” “Pero Lorenzo…” “Please…” Pagsusumamo niya habang nilalagay niya sa aking leeg ang kwentas. “There, beautiful….” “Thank you, Lorenzo. I don’t know what to say.” “Then don’t say anything. It looks good on you,” puri niya. “Don you want some coffee?” Alok ko sa kanya. “As much as I want to but I know you are tired already sa ibang araw nalang,” tanggi niya. “Sige, salamat ulit dito.” Paalam ko bago tuluyang bumaba ng sasakyan. “Sweetdreams, Maddie.” “Bye Lorenzo.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD