Care

1509 Words
Mag-uumaga na pero hindi pa rin ako matulog. Heto at pabaling-baling ako sa higaan. Kahit anong pilit kong makatulog ayaw pa rin akong dalawin ng antok o mas tamang nawala ang antok ko dahil sa binigay ni Lorenzo. Gusto kong isipin na masyado na siyang mayaman para bigyan ako ng isang mamahaling bagay kahit bago lang kami nagkakilala. Alam kong sincere siya sa sinasabi niyang tutulungan niya ako na bumuo ng mga bagong alaala pero hindi ko lubos maisip na pati ang pamimigay ng kung anu-anong gamit ay kasama niyang gagawin. Ayokong pagdating ng araw ay umasa siya na magiging malalim pa ang relasyon namin. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa kakaisip ng kung anu-ano. Tunog ng alarm clock ang nagpapagising sa akin. Ang sakit ng ulo ko dahil halos isang oras lang ang itinulog ko. “My head is aching! Arrggghhh!!! Hindi na talaga ako iinom!” Kastigo ko sa sarili ko. Habang naka talukbong pa ako ng kamot biglang may nag doorbell. “Puwede bang tsaka na kayo mang disturbo? Ang sakit talaga ng ulo ko,” paki-usap ko sa aking utak kung sino man nasa pintuan. Siguraduhin lang nilang importante ang sadya nila dahil kung hindi malalagot talaga sila sa akin! “Who’s that?” halos pasigaw kong tanong habang nakahawak pa ang isang kamay ko sa ulo. Kung dati sumasakit ang ulo ko, ‘yon ay dahil kulang ako sa pagtulog dahil na rin sa pagtatrabaho. Pero ngayon dahil sa pag-iinom! “Hi!” nakangiting mukha ni Lorenzo ang aking napagbuksan. Bagong ligo, looking fresh at higit sa lahat nakapagbihis na ng isang formal business suit. Habang ang dalawang kamay ay parehong may tigdadalawang paper bags. “Breakfast?”habang ina-angat ang dalawang kamay niya. “Sorry I came unannounced but I just want to make sure na nakakain ka ng mainit na pagkain. I know may hangover ka dahil suki ko rin iyan pagkatapos ng inuman and I know how it feels,” tuloy-tuloy niyang sabi na pati ako ay nawalan na ng sasabihin habang naka tingin lang sa kanya. “Papaanong ang bilis mag transform ng lalaking ito? Kani-kanina lang kami nagkakahiwalay samantalang ngayon na kaharap ko ay parang ibang tao na ang dating?” anang isip ko na hindi ko masabi sa kanya. “Hindi ka natulog?” Wala na akong ibang maisip na sasabihin kundi ang magtanong. “Natulog naman ng konti at tsaka mas hindi importante ang tulog sa akin ngayon dahil alam kong mas kailangan mong kumain at para maalis ‘yang hangover mo,” tuloy-tuloy niyang sabi. “Mmm… Maddie, hindi mo ba ako papapasukin?”nakangiting tanong niya. “Oh I’m sorry. Halika pasok ka,” anyaya ko sa kanya. Tsaka ko lang napagtango na nasa pintuan lang pala kami, hindi ko man lang naisip na nabibigatan siya sa mga dala niyang paper bags. “Kumain ka na muna bago ka magpahinga ulit. At tsaka may gamot na rin akong dala para sa sakit ng ulo,” habang nauna na siyang nagpunta sa table at tsaka nilagay ang mga bitbit niyang paper bags. “Salamat Lorenzo pero hindi mo na kailangang gawin ‘to nakakahiya naman nag-abala ka pa,”nahihiyamg sabi ko. “Kumain kana muna bago na ‘yang hiya-hiya na ‘yan. Maupo ka na muna at ihahanda ko lang ang mga ‘to. Mangingialam lang ako sa mga gamit mo ah upo kana at sandali lang ‘to. Kainin mo na ‘to habang mainit pa,” ilang hakbang lang ay naabot na niya ang cabinet na nasa ibabaw ng sink. “Nasa ibaba ang lalagayan ko ng mga pinggan,” habang isa-isa kong nilalabas ang mga pagkaing dala niya. “May bukas na ba na Filipino store sa mga oras na’to?”nagtatakang tanong ko dahil ang mga pagkaing dala niya ay may tinolang isda. “Wala pa, nagpaluto lang ako kay Mommy,” sagot niya habang nakatalikod pa rin sa akin at nilalabas na ang mga lagayan ng mga pagkain. “Nakakahiya naman sa mommy mo Lorenzo pati siya dinamay mo pa sa kalokohan mo,” nahihiyang sabi ko. Hindi ko pa man nakikita ang mommy niya nahihiya na ako dahil sa abalang ginawa ni Lorenzo. “Don’t worry mabait si Mommy at tsaka malakas ako sa kanya,” nakangiting sabi niya na ngayon ay paisa-isa ng naglalagay ng plato sa mesa. “Kahit na, nakakahiya pa rin biruin mo ang aga mong inutusan ang mommy para lang magluto,” kahit ilang beses kong pagsabihan si Lorenzo alam kong wala na akong magagawa. “Maddie,”habang natigil siya sa paglalagay ng plato, “kung nahihiya ka sa mommy ko, ubusin nalang natin ‘tong niluto niya para matuwa siya,” pagbibigay konswelo niya. “Upo kana, kumain na tayo habang mainit pa ‘to,” kasabay ng pagpapaupo niya sa akin ang paglalagay niya ng soup sa cup ko para ibigay sa akin. “Hayaan, inumin mo dahil mainit pa ‘yan m. Nakakatulong ‘yan pampaalis nang sakit ng ulo,” para akong bata na tinuturuan niya ng leksyon. “Mmm… ang sarap naman ng luto ng Mommy mo,” una kong tinikman ang mainit na sabaw ng tinolang isda. “Nagustuhan mo?”nasisiyahang tanong ni Lorenzo. “Oo, naalala ko ang luto ng Nanay ko kaso wala na siya,” may bahid na lungkot kong sabi. “I’m sorry to hear that,” hinging paumanhin niyang sabi. “Ok lang, unti-unti ko nang natanggap na wala na siya,” nakangiti ko siyang tiningnan pero alam kung ‘di umabot ‘yon sa aking mga mata. “Kaya ikaw alagaan mo ang Mama mo hanggat nandiyan pa siya, hindi ‘yong pinagluto mo ng maaga,” panenermon ko sa kanya. “Ikaw naman ngayon nga lang naman eh,” nakangiting sagot pa niya. “Kumain kana lang, heto pa dagdagan mo pa,” habang nilalagyan pa niya ang plato ko. Kwentuhan at tawanan habang kumakain ang aming ginagawa kaya naman hindi na namin namalayan ang oras na malapit ng mag alas-otso. Ang sabi ni Lorenzo may meeting daw siyang pupuntahan. “It’s so nice talking to you again, Maddie. Kapag kasama kita hindi ko namamalayan ang oras,” anang sabi niya ng hinatid ko na siya sa pintuan. “Puro ka kasi kalokohan eh, kaya tuloy tawa lang ako ng tawa sayo. Sige na, baka ma-late kana sa meeting mo,” pabirong pagtataboy ko sa kanya. “Aray naman, matapos alisin ang sakit ng ulo pinapalayas na ako,” eksahiradang habang hinahawakan pa ang dibdib. “OA naman nito, pinapalayas agad?” eksahiradang sagot ko rin. “But it’s good na napatawa ulit kita.” “Oo na po, napapasaya mo po ako. Sige na umalis kana,”pagtataboy ko ulit sa kanya. “Heto na aalis na,” akmang aalis na siya ng bigla siyang lumingin ulit, “by the way, it really suits you, the necklace,” tsaka siya tuluyang tumalikod at umalis. Hindi ko namalayan kusang hinawakan ko ang pendant ng kwentas. Hindi ko alam kung dapat ko bang tanggalin ito sa leeg ko o hayaan nalang. Bago pa sumakit ulit ang ulo ko sa kakaisip ng tamang sagot bumalik na ako sa kwarto ko para matulog ulit. Hapon na nang magising ako. Relax and recharge, tiningnan ko muna kung may text galing kay Jackie tungkol sa trabaho. True to her words, nagtext siya pinapapunta ako kinabukasan para magdala ng resume. At hindi na rin ako nagtataka kung may natanggap akong text galing kay Lorenzo. Lorenzo: Don’t forget to eat your lunch. Lorenzo: I think you’re still sleeping. Lorenzo : Wake up sleeping beauty. Lorenzo: Kailangan mo ba ng kiss para gumising? Kaso lang ang layo ko eh.  Napapangiti ako habang binabasa ko ang kanyang text. Kahit kailan puro talaga kalokohan ang taong ‘to. Me: Just woke up. Thank you for reminding me.  Minutes had passed at wala na akong natanggap na reply galing sa kanya. Maybe he’s still busy. Dala ang resume kinabukasan, nag punta na ako sa Café kung saan nag tatrabaho si Jackie, her boss is nice at sinabi niyang puwede na ako magsimula kinabukasan kasabay ni Jackie para ma-train pa ako although may experience naman daw ako. Ang saya sa pakiramdam na magkakaroon na ako ng sariling income at hindi na ako aasa kay Miguel. Kumusta na kaya siya? Bigla kong naitanong sa hangin. “Hey! Parang hindi ka masaya na may trabaho kana,” untag ni Jackie. “Of course, masaya ako Jackie. Salamat ah.” “Naku wala ‘yon, at tsaka nagkataon lang din na may umalis kaya nairecommend kita,” pagpapaliwanag niya. “Salamat huh, panu alis na ako.” “You’re welcome. See you tomorrow.” Nasa bahay na ako wala pa ring reply galing kay Lorenzo. Maybe he’s too busy sa work. 7:30 na nang gabi ng biglang may mag doorbell. Tiningnan ko muna sa peephole bago ko buksan ang pinto ang I saw jackie standing. “SURPRISEEE!!!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD