Celebration

1103 Words
“Ano kayang ginagawa ni Jackie sa labas nang ganitong oras?’’ anang isip ko bago ko siya pagbuksan ng pinto. “SURPRISEEE!!!” sabay-sabay nilang bati eksaktong pagbukas ko ng pinto. There, Lorenzo and Jackie were both smiling while holding some pizzas and beers.   “Anong okasyon?’’ hindi ko maalalang may nagbanggit sa isa sa amin na may birthday o ano pa mang okasyon sa araw na ito.   “Siyempre, i-celebrate natin ang pagkakuha mo sa trabaho! Congratulations my friend, Maddie!’’ madamdaming sabi ni Jackie.   “Ay salamat. Nag-abala pa kayo,’’ halos mangiyak-ngiyak na sabi ko.   “Hindi ko akalain na iyakin ka pala Maddie. Samantalang noong una tayong nagkita ang supla-suplada mo,’’ mapang-asa na sabi ni Lorenzo.   “Nakaka-inis ka Lorenzo! Siyempre masaya ako, ngayon ko lang naranasan ang may mag surprise sa akin nuh,’’ habang pinupunasan ko ang aking luha.   “Hindi mo ba kami patutuluyin? Aba, pangalawang beses mo na ‘to sa akin ah,’’ nakangiting singit nitong si Lorenzo.   “Teka, nagpunta ka rito? Kailan? Ikaw ah ang bilis mo talaga Lorenzo!’’ mapanuksong sabi ni Jackie habang nagpalipat-lipat ng tingin na may kasamang mapanuksong ngiti.   “Halika pasok kayo,’’ anyaya ko sa kanila habang nilalakihan ang pagbukas ng pinto. “Oo kanina domain siya para magdala ng pagkain nakakahiya nga eh pati mama niya dinamay pa sa pagluluto,’’ sumbong k okay Jackie habang nakasunod sa kanilang dalawa papunta sa mesa.   “Nakakatampo kayong dalawa ah, sabay tayong nalasing kagabi tapos ikaw lang dinalhan ng pagkain?’’kunwaring nagtatampong tugon ni Jackie.   “Irereto nga kita sa mga kakilala ko para next time may magdala sayong pagkain,’’ pang-aasar pa ni Lorenzo. “Tsaka hayaan mo na, nagpapapogi points ako sa kaibigan mo,’’ habang kinikindatan pa niya si Jackie. “Next time bibigyan din kita kaya huwag ka ng magtampo diyan,’’ pampalubag loob ni Lorenzo.   “Sige ah sabi mo iyan. Sisingilin talaga kita baling araw,’’ pagbibigay babala ni Jackie habang nakangiti na pati ako ay napapangiti na rin. Hindi ko alam kung bakit swak na swak ang ugali ng dalawang ito. Nakakaaliw silang panoorin dahil para lang silang magkapatid na nag-aasaran.   “Kung may past life lang siguro malamang magkapatid kayong dalawa dahil bukod sa pareho kayong mapang-asar, ang bilis niyong nag-click ilang araw palang kayong nagkakilala. Matanong kita Lorenzo, may kapatid ka ba?’’ biglang tanong k okay Lorenzo habang nakatingin siya sa akin.   “Kain na tayo lalamig na itong dala naming oh. Masarap pa naman ‘to pag medyo mainit-init pa,’’ hindi ko sinasadyang mapansin pero parang iniba niya ang usapan o baka nagkataon lang na hindi niya napansin ang tanong ko.   “Oo nga Maddie halika na. Congratulations ulit dahil tanggap kana sa trabaho! Naku, ‘yong boss kong iyon mapili pa naman sa mga aplikante niya, nagustuhan ka siguro kaya tanggap agad-agad,’’ may pagmamalaking sabi ni Jackie.   “Congratulations, Maddie! Kuha na ng beer para sa toast natin!’’ at sabay-sabay naming itinaas ang kanya-kanyang hawak na beer.   “Congratulations!’’ chorus na sabi ni Lorenzo at Jackie.   “Thank you guys! I’m so bless and excited kasi kayo ang unang nakilala ko dito sa Paris. I don’t kung ano nang nangyari sa akin kung hindi kayo ang nakilala ko’’ habang nangingilid na naman ang luha ko. Sobrang mahal lang siguro ako ni Lord dahil hindi niya ako pinabayaan at may siguro dahil na rin sa dalawa na ang guardian angel ko.   “Hayan na naman siya iiyak na naman,’’ pambabara ni Jackie sa drama skills ko.   “Best actress award goes to…’’ pang-aasar pa ni Lorenzo at pareho kaming natawa ni Jackie.   “Sira! Anyways, thank you talaga sa inyong dalawa,’’ I sincerely said.   “Cheers!’’ sabay-sabay naming inaangat ang can beer bago tinungga.   “Ahhhhh…sarap! Pampawala talaga ng stress ang beer!’’ deklarang sabi ni Jackie pagkatapos. ‘’Huwag kang mag-alala Maddie, hindi ako sa trabaho stress sa pamilya ako stress,’’ paglilinaw ni Jackie.   “May problema ba Jackie?’’ nag-aalalang tanong ko sa kanya. “Don’t worry about me tungkol sa work sanay na ako. Bata palang ako sanay na ako sa trabaho,’’ pag-iimporma ko sa kanya.   “Ang kapatid ko kasi gusto na raw mag-asawa katatapos lang ng college. Hindi naman ako tutol kong mag-aasawa siya, ang sa akin lang muna magpakasaya muna siya pagka dalaga pero wala na akong magagawa desidido na daw talaga eh sabi ni Nanay,’’ pagsusumbong ni Jacie.   “Hayaan mo na, atleast nakatapos na sa pag-aaral. ‘Yong iba nga riyan maagang nabuntis habang pinapaaral. Wala naman akong problema dun pero tama ka, mag-enjoy pa sana ang mga kabataan ngayon dahil hindi madaling pumasok sa pag-aasawa,’’ pag-aalo ni Lorenzo.   “Hayaan mo na Jackie, ang importane pinapaalalahanan mo na hindi madali ang pag-aasawa lalo na sa panahon ngayon at higit sa lahat wala pang trabaho,’’ pampalubag loob ko sa kanya.   “Salamat sa inyo huh, naku celebration pa naman ito para sayo Maddie nasingit ko pa tuloy ang moment ko,’’ nakangiti na ulit na sabi niya.   “Ano ka ba ako nga dapat ang magpasalamat sayo dahil napasok ako sa trabaho.’’   ‘’Tama na ‘yan girls, ako naman ang ma-out of place sa inyo eh,’’ putol ni Lorenzo sa pagmomoment naming ni Jackie. “Kumain nalang tayo para makapag-pahinga na kayo dahil magtatrabaho pa kayo bukas lalo kana Maddie kakasimula mo palang late kana,’’ pagpapaalala ni Lorenzo.   “Yes Boss!’’ hindi man naming sinasadya ni Jackie pero sabay-sabay pa kami ng sagot kanya na pareho naming ikinatawa maging si Lorenzo ay natawa na rin.   Ilang oras pang lumipas ang aming kwentuhan at walang patid ang aming tawanan. Kung anu-ano na ang aming napag-usapan at halos si Lorenzo at Jackie at may ambag sa mga kalokohan. Hindi ko alam kung anong ginawa ko sa past life ko na may mga tao talagang handang tumulong sa akin maging sa Pilipinas man at sa ibang bansa. Si Lelit na naging matalik ko ring kaibigan at maging si…ayoko na sanang isipin siya pero may mga pagkakataon talaga na sumasagi siya sa isip ko.   “Paano bukas Maddie kita nalang tayo sa work?’’ Jackie asked habang naghahanda na para umalis maging si Lorenzo ay nakatayo na rin.   “Oo, maraming salamat talaga sa inyong dalawa huh. Nag-abala pa talaga kayo,’’ ulit na pasasalamat ko sa kanila.   “Isa pang pasasalamat mo at pagbabayarin talaga kita sa binili naming pagkain,’’ pagbibiro pa ni Jackie. Ang bilis makahawa ng virus na kalokohan ni Lorenzo!   “Oo na hindi na. Sige, alis na kayo at matutulog na ako,’’ kunwaring pagtataboy ko sa kanila.   “Congratulations ulit Maddie. I’m so proud of you,’’ sinserong sabi ni Lorenzo sabay yakap sa akin.            
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD