Words and Actions

1567 Words
I’m so happy thinking about my situations here in Paris and the people I’ve met, specially Lorenzo and his actions made me realize that I am really blessed. Nakakalimutan kong nag-iisa nalang ako at higit sa lahat nakakalimutan kong may asawa pala ako. May karapatan naman siguro akong magsaya diba? May karapatan naman siguro akong sumaya kapiling ang ibang tao diba? Ano ba ang papel namin sa isa’t isa ni Miguel? Ilan taon pa ba ang hihintayin namin para makalaya sa isa’t isa? Alam kong pinoprotektahan niya lang ako kaya ako narito ngayon, pero masama bang hingin ko sa kanya ang tunay na kalaayan?   “Hi, tulog kana?’’ maya-maya pa ang tumunog ang aking phone at pangalan ni Lorenzo ang aking nakita. “Hindi pa may ginagawa palang ako,’’ napasandal ako sa headboard ng kama habang nagtitipa ng reply. “Salamat nga pala kanina sa pa-surprise celebration niyo sa pagkakatanggap ko sa trabaho, na-aapreciate ko talaga ‘yon Lorenzo. Wala pang nakagawa sa akin nun,’’ reply ko bago ibinalik ang phone sa bedside table.   “Wala ‘yon. Diba sabi ko sayo kasama mo akong bumuo ng mga masasayang alaala dito sa Paris. Kaya simula nang maipangako ko ‘yon, andyan lang ako sa tabi mo,’’ habang binabasa ko ang reply niya ay may humaplos sa aking puso. Hindi ko akalaing may isang katulad ni Lorenzo na inaalala ako katulad ng pag-aalala ng mga magulang ko.   “I don’t know what to say sa totoo man. Nasanay ako na ako lang lagi ang nag-aalala para sa mga magulang ko. Masarap pala sa pakiramdam. Nakakapanibago lalo na at kakakilala palang natin. Ayokong masanay sa ganito Lorenzo,’’ hindi ko man dapat sabihin ‘yon pero huli na.   “Masanay kana dahil simula ngayon paliligayahin kita araw-araw. I’ll make you the happiest woman here on earth,’’ nakakataba ng puso nang mabasa ko ang sagot niya.   “Tama ba ito? Tama bang magiging masaya ako sa iba?’’ Hindi ko alam kung anong magiging sagot ko sa reply niya.   “O siya, I don’t want to bother you anymore dahil alam kong pagod ka kanina at maaga ka pa bukas sa trabaho. I want you to sleep early para hindi ma-late  bukas. Ayokong kapapasok mo palang tapos sinasanti kana agad,’’hindi pa ako nakakapag-isip ng isasagot yet Lorenzo’s reply made laugh. Si Lorenzo lang ang taong kaya kang paiiyakin at maya-maya ay patatawanin.   “Sira, matutulog na po ako kaya huwag ka ng mang-disturbo,’’ kunwaring naiinis kong sagot sa kanya.   “Sweet dreams Maddie. Dream of me please. J Good night,’’ corny man basahin pero hindi ko maiwasang mapangiti ulit dahil sa text niya.   “Goodnight,’’ isang maikling sagot lang ang binigay ko sa kanya bago binalik ulit ang phone sa bedside table at natulog na,   Maaga akong nagising kinabukasan at habang naghahanda ng pagkain ay tiningnan ko na ang phone ko. May dalawang menasahe akong natanggap, ang isa galing kay Jackie para sabihin kung anong oras dapat akong nandun dahil shifting at ang isa naman ay galing kay Lorenzo.   “Wake up sleepyhead! Good morning! Enjoy your first day at school este at work pala J!’’ Lorenzo’s way of saying good morning makes me feel relax. Kinakabahan ako kanina pero unti-unting nawawala dahil sa kanya. “Ano kaya ang pakiramdam kapag kasama mo siya lage?’’ mali mang isipin ko ang tanong na iyong pero hindi ko maiwasan.   “Kanina pa po ako gising, nahuli kana,’’ nakangiti kong reply sa kanya.   “Napanaginipan mo ba ako? Ako kasi napaginipan kita.J Magkasama daw kayo ni Mommy.’’   “Anong ginawa naming ng Mommy mo? Pinagalitan ka naming dahil pasaway ka?’’ kwela kong tanong sa kanya.   “Magkasama kayo, pinagkakaisahan niyo raw ako. Feeling ko magkakasundo talaga kayo ni Mommy,’’ habang binabasa ko ang text niya hindi ko maiwasang isipin ano kaya ang pakiramdam kapag ipinakilala ko ng lalaking mahal mo sa mga magulang nila. Minsan gusto kong itanong kay Miguel kung nasaan ang mga magulang niya pero hindi ko magawa. Siguro dahil hindi nila alam na nagpakasal na siya sa akin.   “Tigilan mo na ko Lorenzo diyan sa mga kalokohan mo. Sige na maghanda kana para hindi ka late sa trabaho. Hindi porke’t ikaw ang may ari puwede kanang pumasok kahit anong oras. Nakikita ng mga empleyado kung ano ang mga ginagawa ng amo nila kaya umayos ka para hindi rin sila magloko,’’ pangangaral ko sa kanya. Alam kong hindi ganun na employer si Lorenzo base sa nakikita ko sa kanya. Ang cool nga siguro niyang maging amo. “Yes Ma’am, naghahanda nap o!’’ ‘yon ang huling text na nabasa ko sa kanya. Tulad ng sabi niya kanina, binilis-bilisan ko ang kilos ko para hindi ma-late sa trabaho.   Kinakabahan akong nakaharap ngayon kung saan ako magtatrabaho kasama si Jackie. Kahit sabihin pang may experience na ako bilang crew sa Pilipinas kinakabahan pa rin ako lalo na at iba’t ibang lahi ang makakasalamuha ko araw-araw. Gayunpaman, tibay at lakas ng loob ang magiging sandata ko para tuluyang magkaroon ng sariling kita at hindi na umasa sa asawa ko.   “Maddie! Come inside!’’ nakangiting bungad sa akin ni Jackie habang nakasilip ang ulo niya sa pintuan. “Kanina ka pa?’’ nakangiting tanong niya.   “Hindi, kadarating ko lang din,’’ sagot ko sa kanya habang tinutunton namin ang locker room.   “Alam kong kinakabahan ka. Huwag kang mag-alaala ganyan din ako noong una. Hi guys this is Maddie our new staff. She’ll start today,’’ pagpapakilala sa akin ni Jackie sa dawalang tao na nadatnan naming sa locker room. Isang babae at isang lalaki.   “Hi I’m Scott welcome and mabuhay!’’ pagpapakilala nung isang lalaki habang nakangiti pati ang katabi niyang isang babae. Napatingin ako kay Jackie dahil hindi ko akalain na marunong siyang magsalita ng wikang Filipino. He is tall and thin kagaya ng mga karamihan sa mga Parisian.   ‘’Jackie teach us some basic Filipino language like mabuhay, salamat, patawad at mahal kita,’’ may pagka slang man ang kanyang pagkakabanggit pero nakakatuwa dahil handa siyang makihalubilo gamit ang wikang banyaga para sa kanila   “Hi I’m Elizabeth but you can call me Beth. Nice to meet you, Maddie,’’ anang isang babae na may katangkaran din.   “Same here,’’ habang nakikipag kamay sa dalawa.   “This is your locker room Maddie and that area is our kitchen,’’ turo sa akin ni Jackie sa isang door sa ride side.   “Si Scott naka-assign siya sa kitchen habang si Beth ay natulong rin sa atin maging sa kitchen,’’ pag-eexplain sa akin ni Jackie.   “I’m telling her guys where were you assigned and what to do,’’ pag-iimporma ni Jackie sa dalawa.   “Good luck to us and welcome Maddie,’’ sabi pa ni Beth bago tumalikod para pumunta ng kusina at sumunod naman si Scott sa kanya.   “Paano, mauna na ako sa counter change your clothes dahil may uniform na diyan sa locker mo at pagkatapos sumunod kana lang sa akin sa counter,’’ payo ni Jackie sa akin bago niya ako iniwan sa locker room. Pagkatapos magbihis ay dumiretso na ako sa kanya at naabutan ko siyang naghahanda ng isang black coffee na malamang para sa customer dahil may nakita akong isang lalaki na nagbabasa ng isang fashion magazine. Hindi ko tuloy maiwasan mapangiti dahil naalala ko si Miguel.   “Napangiti ka riyan siguro may naalala ka nu?’’ agawa pansin niya sa isip ko.   “Wala,’’ tanggi ko.   “Naku, kahit hindi mo sabihin alam kong may naalala ka. Sino? Si Lorenzo?’’ pangungulit pa niya.   “Hindi,’’ tanggi ko pa.   “Hindi si Lorenzo?’’ tanong pa niya.   “Ibig kong sabihin wala akong naalala.,’’ pagdadahilan ko.   “Ay sus, don’t worry kahit magka-click kami ni Lorenzo hindi ko sasabihin sa kanya na naiisip mo siya dahil gusto kong pahirapan mo muna bago mo siya sagutin,’’ tuloy-tuloy niyang sabi.   “Ikaw talaga ligaw agad ang nasa isip mo. Magkaibigan lang kami nung tao,’’ totoong sabi ko. Ayokong isipin na nagpaparamdam na siya dahil maaga pa para sa aming dalawa ang mga bagay na iyan.   “Oo na, naniniwala na ako nag magka-IBIGAN lang kayo,’’ teasing me and emphasizing the word unti-unti na namang bumabalik isip ko ang mga sinasabi ni Lorenzo.   “Tsaka mo na isipin ang taong ‘yon, ibigay mo muna to sa customer,’’ sabay abot ni Jackie ng tray.   “Yes Ma’am,’’ pabirong sabi ko.   Ang unang araw ko sa trabaho ay masaya. Hindi ko man lang naramdaman ang pagod dahil bukod sa mga kasama ko na masayang kasama, hindi ko rin naramdaman sa kanila na bago ako. Kahit sabihin pang bago ako, hindi naman ako masyadong nangangapa siguro dahil sa experience ko sa Pilipinas.   “Hay salamat at nang makauwi na rin,’’ sabi ni Jackie while stretching her back.   “Oo at salamat friend dahil hindi mo ako pinabayaan kanina.’’   “Ay sus, wala naman akong masyadong naituro sayo dahil alam mo naman ang mga ginagawa mo,’’ habang hinihinda niya ang mga gamit para umuwi. “Let’s go?’’ anyaya niya sa akin.   “Tara.’’   “Hindi ka man lang susunduin ng mokong na ‘yon?’’nagtatakang tanong niya habang nasa labas na kami ng café.   “Huh?’’naguguluhan akong napalingon sa kanya dahil sa tanong niya.   “Speaking of the devil,’’ mapanuksong ngiti ni Jackie. Bago pa ako makasagot huminto na ang sasakyan ni Lorenzo sa tapat namin.   “Get in! Hatid ko na kayo,’’ sabi ng nasa harap namin ngayon na may malaking ngiti sa labi.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD