First Hug

2073 Words
    “Get in! Hatid ko na kayo,’’ sabi ng nasa harap namin ngayon na may malaking ngiti sa labi.   “Anong ginagawa mo rito?” Nagtatakang tanong ko sa kanya na hanggang ngayon nakatayo pa rin ako kasama si Jackie.   “Siyempre ihahatid ka pauwi,” si Jackie na ang sumagot kaya napalingon ako sa kanya na ngayon ay may mapanuksong ngiti sa mga labi.   “Halina na kayo isasama ko kayo sa birthday party nang kaibigan ko,” nakangiting sabi ni Lorenzo.   “Tara na, may birthday party daw invited tayo,” yakag ni Jackie sabay hila papasok sa kotse.   “Teka lang oy sandali, hindi namin kilala ‘yang kaibigan mo tapos isasama mo kami. Ikaw nalang ang pumunta,” tanggi ko sa kanya. Nakakahiya naman kung isinama ka ng kaibigan mo sa party ng kaibigan niya na hindi naman kayo personal na magkakilala.   “Don’t worry Maddie alam na niya. Siya pa nga mismo nagsabi na isama ko kayo. Mababait ang mga kaibigan ko,” pagbibigay katiyakan pa ni Lorenzo. “I’m sure magkakasundo kayo lalo na nitong si Jackie,” nakakasigurong sabi niya sabay kindat sa akin.   “Hey, kung naisipan mong irereto mo ako diyan sa kaibigan mo huwag mo ng ituloy. Sasakit lang ang ulo ko niyan,” sambit pa ni Jackie dahil malamang nahuli niya si Lorenzo na nakakindat sa akin.   “Hindi naman, ang sabi ko lang baka magkakasundo kayo nung kaibigan ko,” depensa pa ni Lorenzo pero nakangiti pa rin. Kung titingnan mo ang ngiti niya para siyang may nakakalokong binabalak kay Jackie. Gayun paman, hindi pa rin ako sigurado na sasama ako sa kanya kahit pa sabihing ang kaibigan niya mismo ang nagpapunta sa amin. Nakakahiya pa rin!   “Halika kana Maddie, huwag kang mag-alala siya talaga mismo ang nagpasabi sa akin na isama ko kayo kaya pumasok kana,” pinal na sabi ni Lorenzo.   “Teka, wala man lang kaming dalang regalo nakakahiya,” kahit nag-aatubili man, nagawa ko pa ring sumama sa kanila. Wala naman sigurong masama diba?     “Huwag mo ng alalahanin ang regalo, I got you covered,” paninigurado pa niya na ngayon ay nakakatutok na ang kanyang mga mata sa daan.   “Paano ‘yong pag uwi namin?” pagdadahilan ko pa.   “Huwag kang mag-alala Maddie, kapag pinabayaan tayo ng mokong na ‘to hindi mo na siya ulit makikita,” may pagbabantang sabi ni Jackie na ngayon ay kampante ng nakaupo sa likuran namin.     “Huwag mo namang ipagdamot sa akin si Maddie. Ihahatid ko kayo pauwi,” kunwaring nagmamakaawaang hitsura niya. “Tsaka paniguradong mag-eenjoy ka dun,” sabi niya habang nakangiti ulit.     “Kamakailan lang tayo nagkakilala Lorenzo pero sa klase ng ngiti mo parang may kalokohang kang gagawin,” diskompyadong sabi ni Jackie.     “Naku wala,” naiiling na sabi pa ni Lorenzo. Napapangiti nalang ako sa kanilang dalawa.     “We are here,” maya-maya ay sambit ni Lorenzo. Huminto kami sa isang fine dining restaurant at may mangilan-ngilan akong nakikita na kumakain. Habang papasok na kami ay sinalubong kami ng isang unipormadong lalaki na malaman isang waiter sa restaurant na ito. Base sa atmosphere tinitiyak kong may kamahalan ang lugar na ito. Mas lalo tuloy akong nahiya na sumama pa ako.     “Good evening Sir, Ma’am,’’ anang waiter.   “Reservation for Axel Castillo,’’ si Lorenzo na ang sumagot habang ako naman pasimpleng ginala ang paningin sa loob.     “This way Sir, Ma’am,’’ ngumiti siya sa amin bago nagpatiunang naglakad papunta sa isang door na malamang ay para lang sa mga private occasions.     Habang papalapit na kami sa pintuan ay mas lalo akong nahiya na pumasok sa loob pero huli na dahil nakapasok na ang waiter kasunod si Lorenzo. Pero laking gulat ko nang makita ko ang handaan sa loob dahil ang unang-una kong napansin ay puro mga Pinoy foods ang nasa mesa. Hindi ko inakalang ang isang fine dining restaurant na ito ay naghahanda ng mga putaheng pinoy tulad ng lechon, pancit palabok, lumpiang shanghai, kare-kare, Leche Flan maging buko pandan ay meron din! Nakita ko ang mga nakahandang pagkain ay hindi ko maiwasang ma-miss ang Pilipinas.     “Surprise namin ito kay Axel para sa birthday niya dahil minsan nabanggit niya sa amin na miss na niya ang mga pagkaing pinoy,’’ pagbibigay alam ni Lorenzo na ngayon ay nakangiti habang tinitingnan ang mga pagkain na nasa mesa. “Buti nalang kakilala naming ang may-ari ng restaurant na ito kaya nagawan ng paraan,’’ tuloy-tuloy na sabi niya.     “Lorenzo!’’ bago pa ako makasagot ay isang malakas na pagtawag nang pangalan niya ang narinig naming kaya sabay-sabay kaming napalingon sa kanya.   “Dexter!’’ganting sigaw ni Lorenzo. Ang mga pinoy talaga kahit isang lupalop ng mundo makarating hindi talaga nawawala ang pagsisigaw na akala mo naman nasa kabilang bahagi ng bundok pa tinatawag. Pagkatapos mag tapikan sa braso ay tsaka kami ipinakilala ni Lorenzo sa bagong dating na kaibigan niya.   “Pare si Maddie and Jackie mga bagong kaibigan ko,’’ pagpapakilala niya sa amin na ngayon ay sa amin naman nakatingin ang nagngangalang Dexter. “Hi lovely ladies, I’m Dexter Salvacion ang pinaka-gwapo ngayon sa gabing ito,’’ iminuwestra pa ang kamay niya para makipag-kamay kasabay ng pagyuko ng kanyang ulo na parang hari na nakikipagkilala sa reyna.   “Maddie,’’ pagpapakilala ko habang tinatanggap ang kamay niya. Kung pisikal na anyo ang pagbabasihan ni Dexter at Lorenzo ay parehong halos walang pinagkaiba maliban lang sa buhok na malamang hanggang balikat ang haba kung hindi nakapusod. Parehong mestizo at gwapo maging ang kanilang aura ay mahahanay mo sa mga bolerong tao.     “Jackie,’’ maya-maya pa ay si Jackie naman ang tumanggap sa kamay niya.     “Hayan na naman siya, pinagsisigawan na naman niya na siya ang pinaka-gwapo sa aming lahat,’’ biglang nagsalita ang isa sa mga bagong dumating na apat na lalaki at tatlong babae.     “Hey! Totoo naman ang sinasabi ko na ako ang pinaka gwapo sa ating lahat,’’ depensang sagot ni Dexter.     “Gwapo my ass!’’ sagot naman ng isa.     “And who are these lovely ladies?’’ singit ng isa.     “Hey magsi-ayos kayo dahil bisita ko ang mga ito,’’ si Lorenzo na ang sumagot.     “I’m Drew, the youngest,’’ pagpapakilala ng isa.     “I’m Bobby, the…’’bago pa matapos ang gusto niyang sabihin ay biglang sumingit naman ang isa.   “The eldest, ‘yan ang gusto niyang sabihin at magkapatid sila ni Drew kaso hindi niya matanggap na matanda na siya,’’ pang-aasar ng isa at nagkatawanan na ang lahat maging kami ni Jackie ay natawa na rin.     “Hey tatanda rin kayo,’’ kunwaring napipikon na sagot nung Bobby.   “I’m Paul, ang pinakamatinong lalaki sa grupo na ito,’’ pagpapakilala naman ng isa pa na halatang seryoso nga ang mukha. Pero malamang sumasabay din ito sa kalokohan ng mga kaibigan niya.     “I’m Daniel, the hottest in these group,’’ pagpapakilala ng huling lalaki na halos sabay-sabay pang mag-boo nang iba.   “I’m Krista,’’ anang isang babae na nakangiti. Kahit may pagka sopistikada ang dating nitong kaharap ko ngayon pero mukha namang mabait.     “I’m Ellen,’’ pagpapakilala naman ng isa na tipid lang kung ngumiti.     “I’m Ingrid,’’ anang isa pa.   “Madie, nice to meet you.’’     “Jackie here guys,’’ pagpapakilala ni Jackie na naaliw na rin sa pakikinig nila.     “Nasaan si Axel?’’ biglang naitanong ni Lorenzo. Ngayon ko lang din napansin na wala sa nagpakilala ang nagngangalang Axel, ang birthday celebrant.     “Lumabas lang sandal dahil may kinausap,’’ pagbibigay-alam ni Dexter.   “Kahit wala pa siya maupo na tayo, kanina pa ako tinitinggan ng lechon eh,’’ si Drew habang nakatingin sa mesa. Kaya naman sabay-sabay kaming natawa dahil sa sinabi niya at nagsilapitan na rin kami sa mesa. Naka-upo na kami nang mapansin ni Lorenzo na walang tubig ang nakahanda. Kahit gaano pa ka sosyal ng isang tao, maghahanap at maghahanap pa rin ito ng tubig.     “I’ll inform the waiter,’’ presenta ni Dexter.   “Ako na,’’ salo ni Jackie sinabayan pa niya ng pagtayo.     “No its okay ako na,’’ bawi pa ni Dexter.     “May tatawagan lang din ako sa labas kaya ako na,’’pagpupumilit pa ni Jackie.     “Sige pero nakakahiya naman sayo bisita ka namin,’’ nakokonsensiyang sabi ni Drew.   “Ok lang talaga,’’ nakangiting sabi ni Jackie sabay talikod sa amin.       JACKIE’S POV   Nakalimutan kong tawagan ang pamilya ko sa Pilipinas dahil na rin sa kakulitan ng mga kaibigan ni Lorenzo kaya ngayon ko nalang tatawagan si Nanay. “Excuse me, Pinoy ka nu?’’may nakita akong naka-Hawaiian polo shirt na lalaki papalapit sa akin.     “Yes,’’ maikling sagot niya.     “Buti naman dahil sumasakit na ang panga ko sa kakasalita ng Inglis. Anyways, kuya pakidalhan nalang ng tubig ang kwarto na ito, nakalimutan niyo yatang lagyan kanina. Salamat,’’ bago pa siya nakasagot ay tumalikod na ako dahil sumagot na si Nanay sa kabilang linya.     Maya-maya pa ay pumasok na ako ulit sa kung saan gaganapin ang okasyon.     “Anong sabi ng Nanay mo?’’ nag-aalalang tanong ni Maddie sa akin.   “Hayun, tuloy ang kasal,’’ maikli kong sagot.     MADDIE’S POV     Wala na akong masabi pa kay Jackie matapos ang tawagan ng pamilya niya. Ang tanging magagawa ko lang ay damayan siya at iparamdam sa kanya na okay lang ‘yan.     “WHAT THE HELL!’’ sambit ni Drew bago bumunghalit ng tawa kaya naman sabay-sabay kaming napalingon lahat sa pinagtatawanan niya.     Isang lalaking naka-tuxedo ang may bitbit na dalawang pitsel ng tubig ang nasa pintuan.   “Akala ko kuya naihatid mo na ang tubig,’’sabi ni Jackie kaya mula sa malakas na tawa ay parang may biglang dumaan na anghel ng ilang segundo bago ulit tumawa ng mas malakas pa lalo na ang mga kalalakihan.     “Hey stop it!’’ anang lalaki na dumating na may dalawang hawak na pitsel ng tubig.     “Axel bro! Hindi ko akalain na ‘yan pala ang ginagawa mo kaya ka nahuli ng dating,’’ halos mamatay-matay pa rin sa kakatawa si Dexter.   “Oh My God!’’ narinig kong sambit ni Jackie at kita ko sa kanya ang pamumula ng mukha.     Bago pa man makasagot si Axel ay pinagtutulungan na siyang buhatin ng apat na lalaki sabay sigaw na ‘’HAPPY BIRTHDAY, WATER BOY!’’ “Hey! Tama na iyan, namumula na itong bisita natin,’’ awat ni Lorenzo sa kanila.     “Hindi ko akalain na si Jackie lang pala ang makakapag-utos nitong si Axel! Take note, sa mismong birthday pa!’’ pang-aasar pa ni Drew. Natawa ulit silang lahat maging si Axel ay natawa na rin.     “Axel pare Happy Birthday, man!’’ Bati ni Lorenzo sa kanya habang nilalagay niya ang dalawang pitsel na dala sa mesa.     “Thanks man.’’     “This is Maddie,’’ pagpapakilala sa akin ni Lorenzo, ‘’and of course the legend dahil first time in history napagkamalan kang waiter dahil kahit naman ako ay mapagkakamalan din kitang waiter dahil sa suot mong iyan, si Jackie,’’ pagpapakilala ni Lorenzo sa dalawa na hanggang ngayon ay may nakakalokong ngiti pa rin.     “Jackie and I’m really sorry,’’ hinging-paumanhin ni Jackie.     “No it’s okay. I’m Axel Castillo by the way,’’ pagpapakilala ni Axel na may malalalagkit na tingin kay Jackie.   “Ehem, may namumuong pag-iibigan,’’ putol ni Daniel.   “Bakit ba ganyan ang suot mo Axel?’’ ngayon ko lang ulit narinig na nagsalita si Paul.   “Sabi niyo kasi magsuot ako ng parang pang fiesta ito lang ang naisip ko,’’ depensa ni Axel.   “Sabagay bagay sayo,’’ ani ni Bobby na may nakakalokong ngiti sa labi.     “Kumain na tayo, gutom na itong mga bisita ko,’’ putol ni Lorenzo sa kalokohan ng iba.     “Sure let’s eat,’’ segunda naman ni Axel sabay upo sa katabi ni Jackie.     Nagdasal muna ang lahat at may konting mensahe para kay Axel pero kadalasan ay puro mga kalokohan lang. Pero kahit ganun, alam kong ang bawat isa sa kanila ay may sinserong dasal para sa kaibigan nila hindi lang binibigkas ng kanilang mga labi. Kainan, kwentuhan ng kung anu-ano at tawanan ang nangyari sa gabing iyon. Maging ako at si Jackie ay nakisali na rin. Hindi ko pinagsisisihan na sumama kami kay Lorenzo dahil hindi iba ang tingin nila sa amin maging ang mga babae na kasama nila.     “Lorenzo, salamat ha. Ang saya ko ngayon,’’ nasa harap na kami ng apartment ko ngayon. Nauna na naming hinatid si Jackie sa tinutuluyan niya.     “Nag-enjoy ka?’’ tanong niya.     “Oo naman. Masayang-masaya ako dahil para na rin akong nakabalik ng Pilipinas.’’     “Salamat naman at napasaya kita.’’     “Sobra,’’ sabay yakap sa kanya.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD