Lorenzo’s POV :
“Good morning Mom!”nadatnan ko si Mommy sa kusina na naghahanda ng pang almusal.
“Himala ang aga nang anak ko. At may extra yakap pa akong natanggap,” nagtatakang sambit ni Mommy. Well, sino ba naman kasi ang hindi magtataka, hindi ko na maalala kung kailan ko huling niyakap si Mommy. At nagawa ko lang ulit ito ngayon dahil kagabi. Ang saya ko na niyakap ako ni Maddie. Sa sobrang saya ko hindi na ako makagalaw at nasa pintuan na siya ng muli ko siyang tingnan ulit. I can’t believe myself na parang tumigil ang mundo ko sa simpleng ginawa ng babae para sa akin. Aaminin ko, marami na akong nayayakap na mga babae at higit pa nga ang iba pero kay Maddie hindi ko maintindihan ang sarili ko. She’s different.
“Someone is in love,” putol ni Mommy sa iniisip ko. “So, whose that lucky girl at nang makilala ko na kung karapat-dapat ba siya sa anak ko?” Pangugulit ni Mommy na ngayon ay nagtitimpla na nang kape para sa aming dalawa.
“Mommy, its too early. Kakalilala palang namin. Ayaw kong madalain siya,”habang naghahanda ako ng mga plato para sa agahan naming mag-iina.
“Hindi ko naman sinasabing ligawan mo na kaagad, ang sinabi ko lang gusto ko lang din siyang makilala ng sa ganun ay mabigyan kita nang payo. Hindi ko pinanghihimasukan ang pribado mong buhay Lorenzo lalo na ang buhay pag-ibig pero bilang isang ina hindi mo maaalis sa akin ang mag-aalala pa rin,” tuloy-tuloy niyang pangaral.
“Trust me Mom, Maddie is different. She’s totally different from any other girls na nakilala ko.”
“So, Maddie is her name. Nice name and I hope kung ano ang ikinaganda ng pangalan niya ay ganun din ang ugali,” walang pag aatubiling sabi niya na ngayon ay naglalagay na ng fried rice sa mesa. Kahit matagal na kami sa Paris minsan nagluluto pa rin si Mommy ng mga Pinoy foods dahil katuwiran niya iba pa rin ang sariling atin.
“You’ll meet her one of these days Mom, I promise,” paniniguradong saad ko. Gusto kong magkakilala sila sila pero hindi pa sa ngayon dahil masyado pang maaga.
“Ayokong matulad ka sa akin Lorenzo,” sambit ni Mommy ng pareho na kaming nakaharap sa hapag kainan.
“Mom, stop it.”
“I know ayaw mong pag-usapan ang tungkol dun pero…”
“Mom, huwag na nating pag-usapan ang tungkol dun,” putol ko sa gusto pa niyang sabihin.
“Lorenzo.”
“Mom, please.”
“Anyways, pinapasabi ng Tita Claire mo na birthday niya sa linggo huwag daw tayong mawawala lalo kana,” pag-iiba ni Mommy sa usapan. Si Tita Claire ang kaisa-isang kapatid ni Mommy at walang anak. Kaya naman maging siya ay itinuring na rin niya akong parang tunay na anak.
“Sure Mom makakarating ako pero pakisabi sa kanya na huwag na niya akong pupugin ng halik dahil hindi na ako bata,”reklamo ko sa kanya.
“Hayaan mo na alam mo namang parang tunay na anak na rin ang turing niya sayo,” dahilan pa niya.
“But Mom dapat hindi na niya ‘yon gawin sa akin lalo na ngayon at nagbabalak akong dalhin si Maddie.”
“Well, nasa kay Tita Claire mo na ‘yon. Anyways, I have to go maaga pa ang lakad namin ng mga amiga ko,” sabay halik sa pisnge ko. “Remember, bilis-bilisan mo na ang pagpaparamdam diyan sa babae mo dahil gusto ko ng magkaroon ng apo,” tsaka tumalikod ng tuluyan.
“Mom!”
“Make it faster son!” Napapailing nalang ako sa sinabi ni Mommy. My Mom is running sixty-two years old pero hindi halata siguro dahil na rin pinipili niya ang mga masusustansyang pagkain na kinakain niya. Nag-eehersisyo din siya kasama ang mga kaibigan twice a week. Sana ganun din kami ni Maddie pagtanda namin manatiling malusog ang aming pangangatawan. Thinking about her makes me smile.
Maddie’s POV
Late man akong nakatulog kagabi dahil naiisip ko pa rin kung bakit ko ‘yon ginawa kay Lorenzo. Wala naman sigurong masama kung yakapin ko siya bilang pasasalamat ko diba?
“Pero may asawa kana Maddie!” kastigo ng isang parte ng utak ko.
Ayoko nang mag-isip ng kung anu-ano sa ngayon. Isang kasunduan lang naman ang nag-uugnay sa amin ni Miguel.
“Kahit ano pang sabihin mo, kasal ka pa rin ang legal iyon!”
Gayunpaman, magaan sa pakiramdam ko ang bumangon para maghanda papasok sa trabaho. Pagkatapos sa banyo ay dumiretso na ako sa kusina para magtimpla ng kape at kumain. Habang kumakain ako ng agahan ay tsaka ko lang mahahawakan ang phone ko para tingnan kung may text at kung wala naman ay tinitingnan ko ang balita sa yahoo news. Napangiti ako ng mabasa ko ang pangalan ni Lorenzo at Jackie sa screen.
Jackie: Friend, ma-late ako ng konti ngayon at nagpaalam na rin ako sa boss kanina. May aasikasuhin lang ako deretso rin ako diyan pagkatapos.
Ako: Sige ingat ka.
Kasunod kong binuksan ang mensahe ni Lorenzo.
Lorenzo : I’ll pick you up…
Bago ko matapos basahin ang kanyang mensahe ay bigla namang tumunog ang doorbell.
“Hey ang aga mo naman…” nabitin sa ere ang gusto ko pa sanang sabihin.
“Hi! Did I wake you up? I’m sorry hindi ako nakapag-inform sayo,” anang isang baritonong boses na matagal ko nang na-miss. Akala ko wala ng siyang epekto sa akin pero mali pala ako.
“Miguel…”