Courting

1940 Words
“Miguel…” halos hindi ko na mabigkas ang pangalan niya. Mahigit magdadalawang buwan na rin nang huli ko siyang makita. Wala pa ring pinagbago maliban nalang sa mangilan-ngilang stubbles. Maging ang kanyang mga mata na halatang galing sa puyat at pagod, ay misteryoso pa rin. Gusto ko siyang sugurin nang yakap pero parang may humahadlang sa sarili ko. May karapatan ba ako pagkatapos kong maging masaya kasama ang ibang tao?     “Hey, I’m sorry hindi ako nakapagsabi na darating ako,” untag na siya sa iniisip ko.   “Okay lang, halika pasok ka,” habang nilalakihan ko ang pagbukas ng pinto.   “Are you okay here?”tanong niya habang iginala ang kanyang paningin sa kabuuan ng Apartment.   “Oo, salamat ha. Maayos na maayos ang kalagayan ko rito at salamat rin sa suporta na ibinibigay mo,” habang magkaharap kami ngayon sa sofa.   Pareho naming tinitingnan ang isa’t isa at ako na ang unang nagbawi ng tingin.   “Kumusta kana rito?” Siya ang unang nagbasag sa katahimikan.   “Mabuti naman, may mga kaibigan na rin akong nakilala. At may trabaho na rin ako rito sa isang café malapit lang din dito sa tinutuluyan ko,” pilit ko pa ring iniiwasan ang mga mata niya. Ayokong malaman niya na gustong-gusto ko siyang makita ulit.   “Look, Maddie hindi mo na kailangang magtrabaho. I want you to enjoy your life here. Gusto ko lang malaman mo na kay akita pinapunta rito para magkaroon ka nang kalayaan na hindi mo masasanasan sa Pilipinas lalo na kung malaman nila na asawa kita,” dere-deretsong sabi niya. Ngayon ko lang napansin ang kamay niya, suot pa rin niya ang singsing namin samantalang sa akin matagal ko ng itinago. Gusto ko mang itago ang mga daliri ko pero huli na. “Hindi mo na pala suot ang singsing natin…naiintindihan ko,” dugtong pa niya. Hindi ko napansin dumako na rin pala ang paningin niya sa kamay ko.   “Mmm…”wala akong maisagot sa kanya, para akong nasamid sa sarili kong laway. “Ano kasi…”walang maiprosesong sagot ang utak ko.   “Ok lang naiintidihan ko,” halos hindi ko na marinig ang boses niya.   “Kumain kana? May niluto ako,” tumayo na ako at hindi ko na hinintay ang sagot niya. Ang tanga ko dahil ngayon ko lang naisipang tanungin kong kumain na ba siya.   “Hindi na kailangan, aalis na rin ako. May meeting pa ako,” sagot niya at tumayo na rin siya.   “Hindi ka magtatagal?” Hindi ko na napigilan at bigla kong naitanong sa kanya na ikinatigil naming dalawa.   “Gusto mo ba?”balik-tanong niya.      “Bakit kung sasabihin ko bang gusto kong andito ka, mananatili ka?’’ gusto ko sanang itanong sa kanya pero hindi ko magawa.   “Ang ibig kong sabihin babalik ka kaagad sa Pilipinas? Ayaw mong magbakasyon man lang?”bawi ko sa una kong tanong.     “Hindi na, kailangan pa ako sa kompanya at may mga projects pang nakabinbin.”    “Ganun ba,” dismayado man sa sagot niya pero mabuti na rin ito dahil ayokong umasa.   “Papano, alis na ako. Dumaan lang ako saglit para kumustahin ka,” at inisang hakbang lang niya ang pagitan namin para yakapin ako. “Mag-iingat ka rito at kahit anong mangyari tawagan mo ako anytime. I’m always here for you. Please come HOME when you’re ready,” halos pabulong na sabi niya.   “Sige salamat,” tanging naisagot ko sa kanya.    “Hey, Maddie!”isang palakpak ni Jackie ang nagbalik sa akin sa kasalukuyan. Hindi ko namalayan na ilang segundo na pala akong nakatunganga. Hanggang ngayon iniisip ko pa rin ang huling sinabi ni Miguel. “Ang lalim nang iniisip mo ah kanina ka pa kasi nakatunganga.”    “Naku I’m sorry may iniisip lang. Pasensya na hindi na mauulit,” hinging paumanhin ko. Kung bakit ba naman kasi kapag tungkol kay Miguel tumitigil ang mundo ko.   “May problema ba?” “Wala, may iniisip lang talaga ako kanina,” pagdadahilan ko.    “Bakit, may nanghihingeng kamag-anak o kapamilya? Alam mo naiintindihan ko ang nararamdaman mo kung ganun nga ang nangyari. ‘Yong akala nila pinupulot lang natin ang pera dito, hindi nila alam ilang pawis at kung mamalasin ka pa mararanasan mo munang maliitin ka pa ng mga banyaga bago ka magkaroon ng perang ipapadala sa kanila,” nanggigigil niyang sabi. Maging ako ay natawa na rin sa reaksyon niya. Pero naiintindihan ko ang pinagmulan ng mga hugot niya sa buhay. Kaya lang ay hindi tungkol dun ang iniisip ko.  Hindi ko alam kung dapat ko pa bang sabihin sa kanila lalo na kay Lorenzo ang tungkol sa asawa ko. Gusto ko mang sabihin sa kanila pero parang may pumipigil. Siguro dahil iniisip ko na lang na ilang taon lang naman kaming mananatiling nakatali ni Miguel sa isa’t isa at darating ang araw na maghihiwalay rin kami.    “Hindi tungkol sa usaping pera ang iniisip ko,” pagwawasto ko sa iniisip niya. Kung malaman lang nitong kaibigan ko ang tungkol sa katayuan ng asawa ko sa lipunan malamang sasapakin ako nito. Malamang itatanong pa niya sa akin kung bakit pa ako magtatrabaho gayung hindi ko problema ang pera.     “Alam mo minsan nagtatampo ako sayo, hindi naman sa inuusisa ko ang buhay mo pero hindi ka makwento kasi. Baka mamaya niyan bigla kana lang mag-iiyak diyan sa hindi ko malamang dahilan,” sabi niya na ikinatawa namin pareho.      “Sira! May napasok lang sa isip ko.’’    “Sino? Si Lorenzo? Alam mo boto ako sa mokong na ‘yon para sayo. Kahit bago lang natin siya nakilala, nakikita ko naman kung papano ka niya alagaan. Sana nga lang wala talagang sabit ang isang ‘yon lalo na kung asawa.’’ Bigla akong natigilan sa huling sinabi niya.    “Papano kung ako ang meron?’’ Gusto ko sanang itanong sa kanya.   “What if kung meron?’’ naitanong ko sa halip.    “Maghiwalay muna sila sa maayos at legal na paraan lalo na kung asawa. Huwag nang pumasok sa gulo dahil kahit ano paman ang naging dahilan ng ‘di nila pagkakaunawaan, sa mata ng Diyos at sa mata ng tao kasalanan pa rin ‘yon,’’ bigla akong napalunok sa mga sinasabi niya. “Wala ring katahimikan ang maidudulot sa inyong dalawa kapag nangyari ‘yon. Pero sa tingin ko wala naman siyang asawa. Ikaw ba?’’ naitanong niya bigla na ikinagulat ko.    “Huh?’’    “Ang ibig kong sabihin, ikaw ba nararamdaman mo bang may asawa siya?’’    “Wala naman siguro.’’    “Maloko lang si Lorenzo, masaya kasama pero pakiramdam ko maganda ang intension niya sayo.’’    “Huwag na nga natin siyang pag-usapan,’’ pag-iiba ko nang usapan. Sakto namang may dumating na customer.    “Hi, can I have double espresso please?’’ anang customer.    “What else sir?’’    “Can I have your number?’’ deretsong tanong ng customer na nakatingin sa akin.    “Sorry man she’s my girl,’’ anang boses na nasa likod. Hindi naming namalayan na nasa likod na pala si Lorenzo.    “Oh, sorry man. You’re so lucky,’’ anang customer bago tumalikod.    “Sure,’’ maikling sagot ni Lorenzo ngunit nakasimangot.   “Anong nangyari sayo?’’ ipinagtatakang tanong ko.    “Wala.’’    “Wala daw pero ‘yang nguso mo pwede nang sabitan ng buslo,’’ pang-aasar ko sa kanya.    “Wala nga.’’    “Ay sus, sige na sabihin mo na,’’ pangungulit ko pa rin.    “Wala ‘to,’’ tanggi pa rin niya.    “Sige ayaw mong sabihin hindi na ako sasama sayo sa bukas,’’ pagbabanta ko. Inulit ko ulit ang pagbabasa sa text niya kanina ‘yon pala ang gusto niyang sabihin, susunduin pala niya ako sa bukas nang tanghali.    “Next time kapag may nagtanong sayo ng number mo huwag mong ibibigay ah,’’ natawa ako sa paalala niya.    “Kahit hindi mo pa sabihin hindi ko naman talaga ibibigay,’’ nakangiting sabi ko.    “Talaga?’’ parang bata na napagbigyan ng isang magulang.    “Ay sus nagselos ka na hindi pa naman kayo,’’ biglang sagot ni Jackie na kararating lang mula sa paghahatid ng order nung lalaki.    “Siyempre, dapat ako lang,’’ buong pagmamalaking sabi ni Lorenzo.    “Tigilan niyo na akong dalawa. Ikaw lalaki ano bang gusto mo? Order kana marami ng nakapila na customer sa likod mo.’’   “Pwede bang ikaw?’’ pang-aasar pa niya.    “Tigilan mo ako Lorenzo hindi talaga ako sasama sayo bukas,’’ pagbabanta ko pa.    “Oo na, take out ng best seller niyo diyan kung pwede kang i-take out isama na rin kita,’’hirit pa niya.    “Cappuccino ang best seller namin.’’   “Cool,’’ sagot niya sinabayan pa ng kindat.    “Heto na po sir,’’ maya-maya pa ay ibinigay ko na sa kanya ang order niya.    “Thanks.’’    “Layas na Lorenzo,’’ pagtataboy ni Jackie.   “Aray! Kala ko ba magkakampi tayo?’’    ‘’Magkakampi tayo per hindi ngayon dahil marami ng customers.’’   “Ok-ok. Bye girls,’’ at tumalikod na.    Natawa kami pareho ni Jackie. Mula sa mga oras na ‘yon ay nag-sidantingan na ang mga customers at hindi na rin kami masyadong nakapag-usap ni Jackie. Maging ang dalawa pa naming kasama ay naging busy na rin.      Kinabukasan, ala una palang ay dumating na si Lorenzo sa apartment. Sakay na kami sa kanyang kotse n sinabi niyang pupunta kami sa birthday ng Tita niya.    “Teka, ba’t hindi mo sinabi? Sana nakabili man lang ako ng regalo,’’ paninisi ko sa kanya. “Huwag kang mag-alala marami ng regalo ‘yon,’’ pagbibiro niya.    “Napakaloko mo talaga. Nakakahiya naman kung magpunta ako na walang regalo. Daan nalang muna tayo sa boutique baka sakaling may makita ako pangregalo,’’ suhestiyon ko sa kanya na agad naman niyang sinag-ayunan.    Isang puting robe ang napili kong regalo para sa kanya kahit hindi naman ako sigurado na magugustuhan niya.    “Happy Birthday Tita!’’ bati ni Lorenzo sa ginang na hindi mo mahahalatang nasa mid-fifties na ang edad dahil sa batang hitsura.   “Lorenzo, hijo buti naman at nakarating ka,’’ paglalambing niya.   “Siyempre mawawala pa ba ako?’’ Hindi na sumagot ang ginang dahil sa akin na siya nakatingin.   “And who is this young lady?’’    “Tita, si Maddie. Maddie, si Tita Claire,’’ pagpapakilala niya sa aming dalawa.    “Happy Birthday po,’’ magiliw kong bati sa kanya sabay abot sa aking regalo.    “Naku salamat at nag-abala ka pa hiija. Sige na umupo na kayo at tatawagin ko lang din ang mama mo Lorenzo.’’   “Sure Tita, Happy Birthday ulit.’’    Maya-maya pa ang isang ginang ang nagsalita. “Lorenzo!’’ “Mom,’’ sabay halik sa pisnge.    “Ikaw na ba ang girlfriend ng anak ko hija?’’ magiliw na tanong na ginang. Akala ko isang istrektang ginang ang madadatnan ko pero mali pala ako. Para lang siyang Mama ko na kapag may bago akong ipinakilalang mga kaibigan.    “Mom stop it,’’ saway ni Lorenzo.   “Naku hindi po magkaibigan lang po kami.’’    “Ang hina naman nitong anak ko hija,’’pagbibirong sabi ng Ginang.   “Mom naman…’’ may pagmamaktol na sabi ng anak niya.    “Oo na hindi na mahina. Halika na kayo kumain na tayo.’’    Wala masyadong tao ang imbitado dahil mas gusto daw ng Tita Claire ni Lorenzo na sila-silang pamilya lang. Nakilala ko na rin ang ibang kamag-anak nila at masasabi kong mga mabubuting tao sila. Kailanman hindi ko sila nakitaan ng pagka disgusto sa akin.   “Ngayon ko lang nakita si Mommy na ganun kasaya, salamat ah.’’ Hinatid na ako ni Lorenzo sa apartment ko.   “Naku, ako dapat magpasalamat sayo kasi ‘yong Mommy mo parang nakikita ko na rin ang Mama ko sa kanya.’’    “Maddie, I know sandali palan tayo nagkakilala pero may gusto lang sana akong itanong sayo. Can I court you?’’ 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD