“Can I court you?” Hindi ko alam kung papano ko siya sasagutin. Oo masaya akong kasama siya pero may asawa akong tao!
“Look, hindi mo naman kailangang sumagot agad sa tanong ko. Hindi ko alam kong anong nangyari sa Pilipinas pero handa akong maghintay kung kailan mo bubuksan ulit ang puso mo,” nararamdaman niya sigurong nag-aalangan ako sa tanong niya.
“Ano kasi…kasi sa totoo lang hindi pa talaga ako handa,” alanganing sagot ko.
“Sure naiintindihan ko pero sana huwag mong ipagkait sa akin na ipakita ang nararamdaman ko sayo.” Wala na akong maisagot sa sinabi niya maliban sa bigyan ko siya ng alanganing ngiti.
“Sige, pasok na ako. Mag-iingat ka pauwi,” tsaka ko binuksan agad-agad ang pinto at hindi ko na siya binigyan ng pagkakaon na makapagsalitang muli.
“Hey guys! Wanna join us later? Its payday!” Nasisiyahang sigaw ni Beth habang nag-uusap kaming tatlo sa counter.
“Where are we going?” Tanong ni Jackie.
“Scott know some place to unwind and relax. Come on guys, let’s hang out once in a while,” hirit pa ni Beth.
“Sure, call me in!” Nasisiyahang sagot ko.
“Really Maddie?” Nasisiyahan man pero may pagtataka pa rin sa mukha ni Jackie.
“Okay later guys after work and I gotta go,” tsaka tumalikod si Beth.
“Gusto mo talagang pumunta?”nagdududang tanong ni Jackie.
“Of course, bakit naman hindi? Tsaka ngayon lang naman tayo magsasama-sama diba?”
“Oo kaya lang nakakapanibago.”
“Ano namang nakakapanibago dun?”
“Basta nakakapanibago ka. Isasama natin si Lorenzo,” biglang suhestiyon niya.
“Naku huwag na. Baka busy ‘yong tao,” pigil ko sa akmang pagkuha niya ng cellphone para i-text ang pakay.
“Teka nga, nag-away ba kayo ni Lorenzo?”
“Hindi kami nag-away,” pero maging ako ay hindi siguro sa sagot ko. Simula nung gabing hinatid niya galing sa birthday ng Tita niya ay hindi na siya nagdaparamdam. Hindi ko alam kung nasaktan ko ba ang damdamin niya o ‘di kaya’y napagtanto niyang wala naman talaga siyang nararamdaman para sa akin.
“Sigurado ka? Kasi napapansin ko ilang araw nang hindi nagpaparamdam ang mokong na ‘yon dito,” may pagdududang tanong niya sa akin.
“Ang totoo niya, nagpaalam siya kung puwede ba raw siyang manligaw,” pag-amin ko.
“Talaga? Anong sagot mo? Ay teka, teka, huwag mo munang sagutin pahirapan mo muna!”
“Ang totoo niyan hindi ako nakapagsalita nung magpaalam siya kaya ‘yon siguro ang dahilan kung bakit hindi na siya nagparamdam.”
“Disappointed ka girl?” Mapanuksong tanong niya sa akin.
“Hindi naman kaya lang kaibigan na ang turing ko sa kanya. Iilan na nga lang kayong kilala ko rito tapos mawawala pa ako ng isa,” totoong sabi ko. Hindi naman sa disappointed ako, kaya lang nasanay na ako na nandiyan siya palagi. Kahit sa text hindi na siya nagparamdam. Ayoko namang ako ang mauna.
“Baka nagkataon na busy lang.”
“Baka nga busy lang talaga.”
Pagkatapos ng trabaho ay dumiretso na kami sa lugar na kung saan sinasabi ni Scott. Isa itong bar at marami-rami na rin ang tao nung dumating kami. Isang table for four ang kinuha namin at nag kanya-kanya na kami ng order sa inumin na gusto namin. Mag aalas onse at mas lalo pang dumagsa ang mga tao at mas nagiging wild na rin ang nagsasayaw sa gitna. Maging kami ay naparami na rin nang iniinum.
“Hey Ladies, want to dance?” Biglang may lumapit na lalaki sa amin at medyo naamoy ko na ang alak sa hininga niya.
“I’m sorry but they are not available,” anang isang pamilyar na boses sa likuran namin. Bago pa nakapagsalita ulit ang lalaki ay pumagitna na si Lorenzo sa amin.
“Who are you?” Tanong ng lalaki.
“I am her boyfriend,” habang tiningnan ako “and she’s my best friend,” kasunod namang tiningnan niya si Jackie. “Now get lost or else I might kick your ass!” Pagtataboy niya sa lalaki na ngayon ay nakikitaan na ng takot sa mukha.
“Relax man,” sukong sabi ng banyaga bago tumalikod.
“Hey, I’m sorry I’m late,” hinging paumanhin niya sa amin.
“ How did you know that we were here?” Nagtatakang tanong ko bago ko tiningnan si Jackie.
“Oo na, tinext ko ang mokong na ‘yan. Tinanong ko lang kung gusto niyang sumama,” pag-amin ng kaibigan ko.
“I’m sorry naging busy ako, may konting problema kasi,” tsaka ko lang napansin ang mukha niya na hanggang ngayon sa akin pa rin nakatingin. Halata ngang medyo stress siya pero hindi kabawasan sa kagwapuhan niya.
“Ok lang naiintindihan ko.”
“Ay sus, nagtatampo na ‘yan sayo kasi hindi kana nagparamdam,” panggagatong ni Jackie kaya naman biglan nagliwanag ang mukha ng kaharap ko ngayon.
“Talaga?” Tanong niya habang may ngiti na sa labi. Biglang nagbago ang hitsura niya.
“Maniwala ka diyan kay Jackie,” pag-dedeny ko.
“Ay sus deny pa! Makahanap na nga ng Fafa!” Pareho kaming natawa sa tinuran ni Jackie.
Kahit pa sabihing nasa isang maingay na lugar kami, biglang natahimik nung kaming dalawa nalang ang naiwan sa mesa.
“Kumusta kana?” Si Lorenzo na unang nagbasag sa katahimikan.
“Mabuti naman. Sana hindi kana lang pumunta rito naabala ka pa tuloy,” pag-aalalang sabi ko sa kanya.
“Okay lang tsaka na-miss kita,”madamdaming sabi niya.
“Ikaw ah maloko ka pa rin,”pag-iiba ko sa usapan.
“Totoo ang sinabi ko. Na-miss kita.”
“Oo na naniniwala na ako. Sa sobrang pagka miss mo hindi kana nagparamdam,” huli na para bawiin ang mga salitang lumabas sa bibig ko.
“Ibig sabihin na-miss mo ako?” Nasisiyahanh tanong niya.
“Hindi ah,” sabay inom ko sa bagong inorder na inumin namin.
“Hey! Baka malasing ka,” pagpipigil niya sa kamay ko.
“Andiyan ka naman eh,” tsaka dere-deretsong tinungga ko ang baso.
Ilang oras pa kaming nagkakasiyahan bago namin naisipang umuwi. Kahit tinamaan na ako sa mga iniinom ko, nagawa ko pa ring magpasalamat kay Lorenzo.
“Maddie…Maddie…”
“Miguel…I miss you…”
Ding dong!!! Ding dong!!! Ding dong!!! Tunog ng doorbell ang nagpapagising ng diwa ko pero halos hindi ko maigalaw ang katawan ko dahil sa pagod at sakit. Idagdag pa ang sakit ng ulo pero kailangan kong bumangon dahil may tao.
“Good morning!” Mukha ni Lorenzo ang nabungaran ko sa pintuan bago nagdilim ang paningin ko.
“Maddie!!!”
“Mmm..mmm…please…huwag mo akong iwan… Please…’’
“Maddie...Maddie… wake up!’’
“Please!!!’’
“Hey! Nananaginip ka,’’ nag-aalalang tugon ni Lorenzo na may hawak pang puting bimpo sa kanang kamay.
“Pasensya kana naabala pa kita,’’ nahihiyang sambit ko at pilit na bumabangon.
“Mahiga ka lang ang init mo pa naman kanina. Teka, kukuha lang ako ng niluto kong sopas diyan ka lang.’’
“Lorenzo…’’
“Mmm…’’muli siyang napahinto sa paglakad.
“Salamat…’’ngumiti lang siya bago tuluyang naglakad papunta sa kusina.
Pagbalik niya sa kama ay dala na niya ang isang mangkok na sopas na halatang kakatapos lang lutuin dahil may konting usok pa.
“Here, kainin mo ito habang mainit pa. Hindi ko lang alam kung pasado sa panlasa mo,’’ magiliw niyang sabi.
“Salamat ulit ha naabala pa kita.’’
“Wala ‘yon. Sabi ko naman sayo diba ipaparamdam ko sayo na seryoso ako sa panliligaw sayo,’’ wala akong maisagot sa sinabi niya. “Sige na, kainin mo na para lumakas ka ulit.’’
“May tatawagan lang ako sandali,’’ paalam niya.
“Sige na Lorenzo, alam kong may problema ka sa opisina kaya ok lang na iwan mo ako rito.’’
“Naayos ko na Maddie. Mas inaalala kita kaysa sa problema na kinakaharap ko,’’ habang hinahawakan niya ang pisnge ko bago tuluyang tumalikod.
Masarap magluto si Lorenzo kaya hindi nakakapagtakang naubos ko ang ibinigay niya pagkatapos ininom ko ang gamot na nakahanda na rin sa bedside table. Bago paman siya makabalik ay nakaidlip ulit ako.
“Hey! I’m sorry nakatulog ulit ako,’’ medyo magaan na ang pakiramdam ko ngayon kaya bumangon na ako sa kama at nadatnan ko si Lorenzo na seryosong may ginagawa sa laptop niya.
“Are you okay now?’’ napa-angat siya ng tingin sa akin bago tuluyang sinara ang nakabukas niyang laptop.
“Yes at salamat dahil sap ag-aalaga mo.’’
“Wala ‘yon. Let’s eat? Pasensya kana pinaki-alaman ko ang kusina mo.’’
“Ako nga ang dapat magpasensya, naabala talaga kita ng sobra.’’
“Well, kung nakokonsensya ka sagutin mo nalang ako,’’ pasimpleng hirit niya.
“Oo na, hindi na ako nakakaabala sayo,’’ pabirong sagot ko.
“Aray, parang “hindi” na ang sagot mo ah. ‘Di bale magiging oo din ‘yan,’’ kampanteng sabi niya.
“Loko ka talaga. Kumain na nga tayo.’’
“By the way, ok na ako Lorenzo pwede mo na akong iwan,’’ sabi ko nang nasa hapag kainan na kami.
“Sigurado ka?’’
“Oo, magaling kang mag-alaga eh.’’
“Talaga?’’ nakangiting tanong niya.
“Oo nga magaling ka kaya kumain kana para makaalis kana.’’
“Aray naman!’’ kunwaring nasasaktan siya.
“Sira ka talaga.’’
Matapos kumain ay nag presenta pa si Lorenzo na siya na ang magligpit at maghugas ng pinagkainan kaya hinayaan ko nalang. At bago pa siya umalis, ay bumili pa muna siya ng pang meryenda ng sa ganun ay hindi raw ako magutom.
“Ok kana Maddie?’’ Tanong ni Jackie kinabukasan sa trabaho.
“Oo, pasensya kana kahapon hindi ako nakapasok ha.’’
“Wala ‘yon. Dito kasi pinapahalagahan ang kalusugan ng tao hindi katulad sa Pilipinas kung hindi ka isusugod sa ICU hindi ka papayagang mag sick leave,’’ reklamo niya na pareho kaming natawa.
“Good Morning Jackie! Here’s your magazine issue for this month.’’ Sabay-sabay kaming napalingon ng biglang may nagsalita.
“Thank you, Steve!’’
“You have a new crew here?’’
“Yes, by the way this is Maddie. Maddie, this is Steve.’’
“Nice meeting you Maddie.’’
“You too Steve.’’
“I have to go,’’ paalam niya.
“Bye, Steve!’’
“Isang delivery boy si Steve para sa monthly magazine dito sa café Maddie. Ang sabi kasi ni Boss, kailangan daw kada buwan may bagong magazine na nakalagay sa rack para hindi mabagot ang ibang mga customer lalo na ang mga may edad na,’’ pagpapaliwanag niya.
“Ah ganun ba.’’
“Let’s see kung sinong hot topic ngayon. Ah, Miguel Serrano Vasquez and his Ex-fiancée have seen together again at Le Meurice Alain Ducasse two weeks ago,’’ bigla akong napatigil sa ginagawa ko nang marinig ko ang binabasa ni Jackie.
“Sandali lang may nakalimutan lang ako sa locker room,’’ dali-dali akong nagpaalam sa kanya dahil ayokong makita niya na nanunubig ang aking mga mata. Masakit pala dahil umasa ako nung pinuntahan ako ng asawa ko rito dalawang lingo na ang nakalilipas ‘yon pala ay hindi ako ang dahilan. Panahon na siguro para itigil ko na ang hinahangad ko na may patutunguhan ang kasal naming dalawa. Siguro panahon na para ituon ko sa iba ang atensyon ko. Inayos ko muna ang sarili ko bago ako ulit lumabas at pilit pinapasaya ang mukha na parang walang nangyari.
Kinagabihan ay sinundo ulit ako ni Lorenzo.
“You want to go somewhere else bago umuwi sa bahay mo?’’ tanong niya.
“Sige ba, saan ba may magandang lugar dito?’’
“Punta tayo sa Arc De Triomphe maganda dun pag gabi.’’
“Lorenzo kung nakakaabala na ako sayo pwede naman hindi na tayo tumuloy.’’
“I told you Maddie, I really-really like you and I want to make you happy.’’
“Hindi mo naman kailangan magpapakapagod dahil ‘’oo’’ na.’’
“Pero gusto ko dahil…Wait! What did you say?’’ bigla siyang napapreno sa kotse.
“Wala naman ako sinabi.’’
“No, may sinabi ka,’’ pagpupumilit pa niya.
“Wala nga,’’ pati ako ay natawa sa reaksyon niya.
“Meron.’’
“OO na.’’
“You mean…?’’ kitang kita sa reaksyon niya na hindi siya makapaniwala. “Oh My God!’’
“YES!” napapasuntok pa siya sa hangin.