I’m Sorry

1463 Words
Three years later… “Surprise!!! Happy Birthday to you… Happy Birthday to you… Happy Birthday…Happy Birthday… Happy Birthday to Mommy/Tita…” iilan kaming naki-surprise sa birthday ng Mom ni Lorenzo. Tita Claire is also here maging kami ni Jackie at mga kaibigan ni Lorenzo. Its been three years nang maging kami na ni Lorenzo. Ang bilis ng panahon at halos nasanay na rin ako rito sa Paris maging sa mga tao at higit sa lahat kay Lorenzo. Through my ups and downs, he’s always there. Hindi niya ako pinabayaan. Nasanay na ako na nasa tabi ko lang siya maging ang mga kapamilya niya. Bawat taon laging bumubuo kami ng mga masasayang alaala. Nakasanayan ko na ang lahat… maging ang hindi pagpaparamdam ni Miguel… “Make a wish!” Masasayang sigaw ng mga tao. “Isa lang naman talaga ang wish ko mula noon hanggang ngayon, ang magkaroon ng apo,” na ngayon ay nakatingin na siya sa aming dalawa. Kung may hindi pa ako nakasanayan sa relasyon namin ‘yon ay kung kailan kami magpapakasal at magkakaanak. “Ayeee… may nagkulay kamatis ang mukha,” lahat sila sabay-sabay na napatingin sa akin. “Guys, stop it. Darating din tayo diyan,” saway ni Lorenzo sa kanila. “Aba’y Lorenzo kailan pa? Matanda na kami nang Mommy mo baka mamaya niyan may apo na kami pero hindi na kami makahabol dahil masakit na ang tuhod namin,” aniya ni Tita Claire na ngayon ay papalit na sa akin. “Maddie, nasa tamang edad na kayo puwede na kayong magka-anak,” habang tinitingnan ako. “Huwag mo ng i-pressure ang dalawang ‘yan Claire aba’t ilang beses na akong nagsabi niyan na kung puwede bigyan na ako ng apo.” “Tita…” bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay nagsalita na ulit ang Mommy ni Lorenzo. “Isa pa ‘yan, ilang beses ko na ring sinabi na tawagin akong Mommy pero hanggang ngayon Tita pa rin,” nagtatampong wika niya. “Hayaan mo Tita, ako nalang ang magbibigay sayo ng apo. Ilan ba gusto niyo?” pabirong sabi ni Jackie na ikinatawa ng lahat. Alam kasi niyang kapag ganito ang usapan naiilang pa ako. “Gusto mo?” Maya-maya pa’y biglang singit ni Axel na ngayon ay may nakakalokong ngiti. Axel and Jackie are an item pero parang aso’t pusa kung magkita ang dalawa laging nagbabangayan! “Mabuti pa nga hijo,” aniya ni Tita Claire. “Hindi ako magpapa-anak sayo nuh!” si Jackie na ngayon ay biglang nainis. “Sa gwapo kong ‘to ayaw mong magpalahi?”pang-aasar pa ni Axel habang itinuturo ang sarili. “Sinong nagsabi sayo na gwapo ka?” “Hep!!! Hep!!! Awat na ‘yan baka kung saan pa ‘yan mapunta. Kayo talagang mga bata oh lagi nalang kayong nagbabangayan,” awat ni Tita Claire. “Kumain nalang tayo.” Nagkatinginan kami ni Jackie at alam kong naiintindihan niya ang ibig kong sabihin. Pinapasalamatan ko siya dahil nasalo niya ako sa hot seat kanina. Ilang beses nang nangyari ‘to ang ilang beses na rin niya akong nasalo. Pinagpapasalamat ko talaga sa Diyos na nakilala ko ang isang katulad ni Jackie. Nasa sala kami ngayon at nagkukuwentuhan ng bigla nalang akong niyaya ni Lorenzo na lumabas ng bahay. “I’m sorry kanina,” hinging paumanhin ni Lorenzo na ngayon ay pareho kaming naka-upo sa bakuran na may maliit na bilog na mesa at apat na steel na upuan. “Okay lang naiintindihan ko ang Mommy mo,” nakakaunawang sagot ko. “Alam kong hindi ka pa handa sa mga bagay na ‘yan at naiintidihan ko. Handa akong maghintay Maddie.” Kung may mas lalo akong ipagpasalamat sa Diyos na naging kami ng lalaking kaharap ko ngayon ay ‘yon yung mga bagay na hindi siya namimilit ‘pag ayaw ko. Nirerespeto niya ang pananaw ko tungkol sa mga intimate na bagay. “Salamat Lorenzo.” “Alam mong mahal na mahal kita at handa akong maghintay at irespeto kung ano man ang desisyon mo,” ramdam ko ang pagmamahal sa bawat salitang binibigkas niya. “Masasabi mo pa kaya ang mga katagang ‘yan kapag nalaman mo ang totoo tungkol sa nakaraan ko?” Gusto kong itanong sa kanya pero ayaw bumuka ng bibig ko. Hanggang ngayon hindi ko pa rin masabi-sabi sa kanya na may asawa na ako dahil natatakot ako. Natatakot akong maging si Lorenzo ay iwan din ako. Ayoko ng maiwan ng kahit kanino. “Mmm… Lorenzo, may gusto akong sa…” “Andiyan lang pala kayo, halina na kayo pumasok na kayo sa loob at may sasabihin daw ang Tita Claire niyo,” anang Mommy niya. “Ano ‘yon Love?” Habang nilalambing ako. “Wala maya nalang.” “Magiging ganito pa rin kaya ang pakikitungo mo sa akin Lorenzo kapag sinabi ko na ang totoo?” THREE MONTHS LATER… “ Anong planu mo sa Birthday mo friend?” biglang naitanong ni Jackie habang naghahanap kami ng bagong gamit para sa kusina. Yes, magkasama na kami ngayon sa Apartment niya. Iniwan ko na ang ibinigay sa akin ni Miguel maging ang card na ibinigay niya ay ibinigay ko na rin sa kanyang secretary ng minsang pinuntuhan niya ako rito para kumustahin. “Wala naman akong planu, as usual magsisimba tapos kakain tayo sa lanas after,” sagot ko habang abala sa paghahanap ng mga gamit. “Ang mokong anong planu?” “Hindi ko pa alam wala namang nabanggit. Baka mag dinner lang kami nun with his mom.” “Ah ganun ba. Ayaw mo bang umuwi ng Pilipinas?” Napatigil ako sa ginagawa ko at napatingin sa kanya. Panahon na siguro para harapin ulit si Miguel. “Ilang taon kana rin dito, ayaw mo bang dalawin ang Mama mo? Naka-uwi na ako noong isang taon pero hindi ka sumama.” “Ang totoo niyan pinag-iisipan ko pa. Baka sa susunod na taon,” pagdadahilan ko. Pagkatapos naming magsimba ni Jackie sa birthday ko kumain na muna kami. “Nakakainis ang mokong na ‘yon ah, kung kailan birthday mo tsaka naman siya wala dahil may inaasikaso sa negosyo,” naiinis na turan niya. “Naiintindihan ko naman,” nagpaalam siya kahapon na importanting aasikasuhin sa negosyo. ‘Yon na ang huling tawag niya. “Kumain kana diyan para hindi kana mainis,” natatawang turan ko sa kanya. “Bakit ikaw parang okay lang sayo?” “Naiintindihan ko kasi ang sitwasyon niya.” “Gaano mo kamahal si Lorenzo?” Nabitin sa ere ang tangka kong pagsubo dahil sa tanong niya. “May sukatan ba kung gaano mo kamahal ang isang tao?”balik kong tanong sa kanya. “Wala naman pero parang…Wala. Huwag mo na akong intindihin. Siguro na-trauma lang talaga ako sa past relationship ko dahil minahal ko siya ng lubos, hayun miyembro pala ng mga manloloko,” natatawang sabi niya. Naloko na kasi siya ng first boyfriend niya dati mahal na mahal daw nila ang isa’t isa pero isang araw nabalitaan nalang niya ikakasal na sa iba dahil nakabuntis! Mag-aalas singko ng makarating kami sa apartment dahil nanood pa kami ng sine. “Mauna kanang pumasok may gagawin lang ako,” aniya. “Sige.” Nagtataka man ay iniwan ko nalang siya. Saktong pagbukas ko ng pinto ay biglang tumugtog ang kantang Just Say Yes by Snow Patrol. I'm running out of ways to make you see I want you to stay here beside me I won't be ok and I won't pretend I am So just tell me today and take my hand Please take my hand Please take my hand Please take my hand Please take my hand Just say yes, just say there's nothing holding you back It's not a test, nor a trick of the mind Only love… Tugtog ang magandang musika habang nakatayo si Lorenzo sa may dulo dala ang paborito kong mga rosas na ngayon ay unti-unti lumalapit sa kinatatayuan ko. At mas nabigla ako sa ginawi niya nang bigla siyang lumuhod. “Happy Birthday, Love. The very first day that I saw you sa museum nabihag mo na ang puso ko. Kaya naman kahit nakukulitan kana sa akin sa araw na ‘yon hindi pa rin kita tinantanan. At noong dumating ang araw na narinig ko na sayo ang napakatamis mong oo, pinangarap ko naman ang makasama ka habang buhay. Love, will marry me?” Sabay bukas sa velvet box at tumambad sa paningin ko ang isang princess cut engagement ring. Halos mabinge ako sa narinig ko. Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kanya. Unang pumasok sa utak ko si Miguel. Bakit? Ilang segundo kong tiningnan ang kumikinang na singsing bago napako ang paningin ko sa mukha niya. “I’m sorry, Lorenzo.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD