DSECRET 22 (ROMBLON DAY 3 PART 2) "Ano 'yon?" Tanong namin lahat kay Dine. Lumapit siya sa amin at na upo sa isang bakanteng upuan bago tahimik na pinanuod ang video na patuloy na nagplay sa cellphone. Bago tumingin sa aming lahat bago ngumisi. "Sapat na ebidensya na 'to para baliktarin sila, pero lagyan natin ng thrill ang mangyayari." May halong excitement na sabi niya, "Pagpinalabas natin 'to sa internet pwedeng ma-locate kung sino ang nag-upload, pwedeng marisk ang isa sa atin. Pero kung sa mismong announcement ng mananalo 'to ipapalabas ay siguradong magkakagulo." Paliwanag niya. "Diretsohin mo na kami, Dine!" Suway ko sa kanya. Kinakabahan ako sa sinasabi niya. Kilala ko ang babae na 'to. Kung may plano siya ay palaging may dalawang option, sasabihin ang negative na posibleng m

