DSECRETS 23 (ROMBLON DAY 3 PART 1) "Ipahinga niyo na ang sarili niyo para mamayang gabi. Wala muna tayong practice pero hindi ibig sabihin no'n ay sinasabi ko ng maayos ang performance niyo. Tandaan niyo, malaking offer 'to para sa inyo kung manalo kayo sa lahat ng makakalaban niyo," paalala ni Manager Love sa kanila. Nandito kami ngayon sa isang private room ng isang restaurant kung saan pinareserve ni Tita Chari para sa amin. Ito na ang araw na hinihintay namin lahat pero sa isang araw na binigay ni Manager Love ay wala kaming ibang nakuha na ebidensya. Isa nalang ang kailangan ngayon at 'yon ang audiences na pipili sa banda. "Pasensya na wala kaming maitulong," hinging paumanhin ko kay Manager Love, "Nagtry kami na sundan sila pero wala kaming nakuha na kahit isa." Dagdag ko pa. "

