DSECRETS 14.2 “Anong ibig sabihin ng sinabi mo kela Abi?” tanong ko dito ng makapasaok kami sa loob ng banyo. Wala naman tao kaya malaya kong masasabi ang mga gusto kong sabihin at itanong sa kanya, “Wag mong sabihin na kayo na?” dagdag ko pa dito. Imbis na sagutin niya ang tanong ko ay isang kunot na noo lang ang pinakita niyang ekspresyon bago pumasok sa loob ng cubicle. Sigurado akong may hindi siya sinasabi sa akin, mas lalo na ang relasyon nila ni Gwayne. Hindi naman basta-basta aabsent ang isang ‘to kung hindi importante ang pupunta. Alam ko rin naman na importante ang bagay na ‘to sa banda, dahil na rin may kalaban sila at sa pwede silang mapromote sa iba’t-ibang gig. Nag-ayos ako ng sarili ko, medyo nawala na ang nilagay ko sa labi ko at medyo na haggard na rin ako sa pakikipa

