DSECRET 15 “Mukhang may nangyaring maganda kagabi at ang ganda na naman ng ngiti mo, anak?” nakangiting bati ni mama habang inaayos ang pagkain sa hapag kainan. Marahan akong tumungo sa pwesto niya at mabilis na tumango-tango, “Medyo,” maigsi kong sagot. “Medyo daw pero ang ngiti abot langit,” natatawa niyang sagot bago sinalinan ang baso ko ng tubig, “Kumain ka na, baka hindi ka kumain kagabi kasama ng mga kaibigan mo.” May halong pag-aalala na sabi niya bago ginulo ang buhok ko. Pasimple lang akong tumango at nag-umpisa na kumain. Mukhang hindi naman na galit sa akin si mama. Base sa kinikilos niya ay mukhang nakalimutan niya na ang sagutan na nangyari sa amin dalawa. Mas mabuti na rin ‘yon at nang hindi na ako mailang sa kanya, pero kahit ganon kilala ko ang sarili ko. Sigurado ako

