DSECRET 16 Suot ang Puting tshirt na pinaresan nang jeans ay humarap ako sa salamin para tignan ang kabuohang repleksyon ko sa salamin. Maayos na nakalugay ang mahaba kong buhok habang ang mukha ko ay may iilang mga kolereteng nakalagay. Tama na para sa pupuntahan ko ngayong araw. Dalawang lingo na ang lumipas mula nang huling pumunta ako sa condo niya, at halos araw-araw ay naging busy na siya katulad nang inaasahan ko. Naging maganda at maayos ang samahan namin kahit na minsan ay nawawalan siya nang oras sa akin ay mas pinupuno ko nalang ng pag-iintindi ang sarili ko. Ganon naman pagmahal mo ang isang tao. Handa kang intindihin ang katangian niya, kung anong meron lang siya at kung anong kayang ibigay. Simula nang makilala ko siya ang daming nagbago sa akin, ang daming nagbago sa pan

