DSECRET 30: TICKET “Himala’t ang aga mo ata ngayon, Dine?” nakangiting bungad ko sa kanya. Binaba ko ang bag ko sa upuan sa kanyang tabi bago siya nilingon. Nitong mga nakaraang araw ay madalas na siyang maaga sa klase. I mean sa maaga ay ‘yong mas na uuna siya sa prof ng ilang second o ‘di kaya naman ay kasabay na niyang pumasok ang prof, maaga na ‘yon para sa kanya. “May 15 minutes pa bago pumasok ang prof,” aniko dito, “Sabihin mo sa akin kung anong nakain mo.” Natatawa kong dagdag. Napahiyaw ako ng bigla niya akong batukan, ang iba naming mga kaklase ay napatingin sa gawi namin at nakataas ang kilay. Ngitian ko lang sila bago tinaas ang kamay ko at nag peace sign. Masama ang tingin na binalingan ko muli si Dine at akmang magsasalita na ng unahan niya na ako, “Maaga ako nag-alarm n

