DSECRET 29 Magkahawak ang kamay na naglakad kami pabalik ni Cholo. Tanggihan ko man na wag na akong ihatid hanggang sa labas ng subdivision namin ay nagpumilit pa rin ‘to na ihatid ako. Padilim na, lumubog na din ang araw at ang traffic sa kalsada ay unti-unti ng sumisikip kasabay ng pagdami ng mga taong nagsisi-uwian ng ganitong oras. “Simula ng gumising ako kanina ay iba na ang pinapakita mo. May problema ba?” tanong ni Cholo. Humigpit ang pagkakapit ko sa kamay niya. Sasabihin ko ba na may tumawag sa kanya kanina at pati na rin ang sinabi sa kabilang linya? Pero paano kung ang babae na nga ‘yon ay isa sa naging malaking parte sa puso niya dati? Paano na ako? Umiling ako bago siya hinarap, direkta sa mata ko siyang tinignan bago binigyan ng isang maliit na ngiti mula sa aking labi,

