CHAPTER 3

1142 Words
KINABUKASAN ay pupungas-pungas pa na nagmulat ng mga mata si Nadine. Hindi niya pa napigilang mapahikab nang makaupo siya. Anong oras na rin kasi noong makatulog siya. Inabot siya ng alas kuwatro ng madaling araw sa pag-iisip kung papayag pa siya o hindi para magpakasal. Tumingin muna siya sa pader kung saan nakalagay ang mumurahin at antigo ng orasan upang tingnan kung anong oras na. Nakita niyang alas sais ng umaga na. Mabuti na lang ay kahit puyat o huli na siyang nakatulog ay nakikiayon pa rin ang katawan niya para gumising upang pumasok sa trabaho. Agad siyang tumayo at iniunat-unat ang kanyang mga braso, binti at balakang. Tuwing umagal ay 'yong palagi ang kanyang ginagawa para magising ang kanyang diwa. Nang matapos siya sa pag-stretching ay agad niyang inayos ang unan saka itinupi ang kanyang kulay pink na kumot. Sinunod niyang ayusin ay ang kobre kamang medyo nagusot. Nang matapos ay naglakad siya papunta sa banyo na may ngiti sa labi dahil gusto niyang simulan ang kanyang araw na may ngiti, at sigla. Pagkarating niya sa kanyang maliit, at malinis na banyo ay agad niyang ginawa ang kanyang morning routine. Araw-araw bago siya bumaba sa kusina ay naliligo muna siya para pagkatapos niyang magluto ng almusal nila ng kanyang pamilya ay kakain at magbibihis na lang siya. Habang nagsesepilyo siya ng ngipin ay inilibot niya ng tingin ang kanyang mga mata. Malinis ang kanyang banyo ngunit kitang-kita ang kalumaan, at halos natutuklap na pintura niya. Ilang taon na nga ba simula napinturahan ang kanyang kuwarto? Halos isang dekada na rin siguro. Idinura niya na ang laman ng kanyang bibig pagkatapos ay hinugasan ang kanyang toothbrush na kulay pink. Sa lahat ng gamit na nasa loob ng kanyang banyo ang bago lang na makikita rito ay ang toothbrush, shampoo, at kanyang Dove na sabon. Simula noong mahina na ang kita ng nanay, at tatay niya sa pagtitinda sa palengke ng mga gulay, at prutas ay hindi na sila bumibili ng mga bagay na hindi nila kailangan. Dati kasi noong mga bata pa sila ay malakas ang kita ng magulang nila at malaki ang puwesto nila sa Pasig Palengke. Pero simula noong magmahal ang mga bilihin, at puwesto pati na marami na ring mga nagtitinda ng gulay, at prutas sa katabi nila ay tuluyang humina ang kanilang puwesto. Kaya bata pa lang si Nadine ay talagang pinagsumikapan niyang maging consistent honor student para makakuha ng scholarship hanggang siya ay magkolehiyo't makatapos. Dahil sa pagiging Summa Cumlaude niya ay natanggap siya sa Rodriguez Real Estate Company na kasalukuyan niyang pinagtatrabahuan. Agad na siyang humarap sa paliguan. Unti-unti niyang hinubad ang kanyang suot na damit pantulog. Inumpisahan na niyang magbuhos ng tubig upang maligo. Nang makatapos si Nadine maligo ay agad na siyang nagbihis muna ng damit pambahay saka nagsuklay ng buhok. Agad na siyang lumabas ng kuwarto para magluto ng almusal. Napili niyang iluto ang itlog na ipinabili niya kahapon sa kapatid. Nagsaing na muna siya sa rice cooker. Habang nagluluto ng scrambled egg sa kusina ay kumakanta-kanta pa siya ng "A Thousand Years" na kinanta ng paborito niyang singer na si Christian Perri. "Ate, ang aga mo namang gumising! Ako na dapat ang pinagluto mo riyan," bungad na sabi ni Clark sa kanya na pupungas-pungas pa. "Okay na Clark! Si ate na ang nagluto dahil alam kong pagod ka kagabi. Tapos na ba ang thesis mo?" sagot ni Nadine sa kapatid. "Oo ate natapos ko na rin sa wakas. Aaralin ko na lang siya para sa defense e makasagot ako," sagot ni Clark. "Ako na lang maghuhugas ate mamaya pagkatapos nating kumain." Tumango naman si Nadine sa huling sinabi ng kapatid. "Kaya mo 'yan Clark. Ikaw pa ba? Mana ka kay ate e!" pagpapalakas-loob na sabi ni Nadine. Inihanda na ni Nadine ang scrambled egg na niluto niya sa lamesa. Saktong paluto na rin ang kanin na iniluto niya. "Clark, gisingin mo na sina tatay, at nanay para sabay-sabay na tayong kumain ng almusal." "Sige ate, kukuha lang ako ng mga plato, pati kutsara't tinidor," sagot naman ni Clark. Nang matapos siyang maglagay sa lamesa ay agad na siyang tumungo sa silid ng kanilang nanay, at tatay. Ilang minuto ang lumipas ay kasama na ni Clark sina Jiego, at Mabel. "Magandang umaga po 'nay!" bating sabi ni Nadine saka naglakad papunta sa pinto kung saan nakatayo ang mga ito sabay halik sa pisngi ni Mabel, at ni Jiego. "Maganda umaga po 'tay!" masiglang bati niya sa kanyang magulang. "Anak, may desisyon ka na ba sa alok ni Mr. Rodriguez?" tanong ni Mabel habang naglalakad silang apat papunta sa kanilang hapagkainan. Hindi muna sinagot ni Nadine ang tanong ng kanyang ina. Agad na inurong niya ang upuan para paupuin ang nanay niya. Nang makita niyang umupo ang kanyang ina ay isinunod niya namang paupuin ang kanyang ama. "Naku anak, parang ginawa mo naman kaming may kapansanan ng nanay mo niyan," reklamo naman ni Jiego sa anak. "Nay naman..." ngiting sabi ni Nadine. "Gusto ko pong ginagawa 'to para sa inyo, at suklian na rin ang mga ginawa ninyong pagsasakripisyong para sa amin ni Clark." Umupo naman ang kanyang kapatid sa kanyang tabi at nauna ng sumandok ng pagkain, sumunod ang kanyang nanay, at tatay. Huli na siyang sumandok ng pagkain niya. Nakita ni Nadine na siniko, at binulungan ng kanyang nanay ang kanyang ama. "Anak, hindi mo pa sinasagot ang tanong ng nanay mo," untag ni Jiego kay Nadine. "Oo nga anak hindi mo pa sinasagot ang tanong ko! Gusto sana naming malaman ng tatay mo kung may desisyon ka na. Lalo na sinabi mo kay Mr. Kyle na ngayon ka sasagot sa tanong niya," sabi ni Mabel sabay hawak sa kamay ni Nadine. "Basta anak kung anuman ang 'yong desisyon ay suportado ka namin ng tatay, at kapatid mo. Sundin mo kung ano ang magpapasaya sa 'yo. Naiintindihan ko kung hindi ka papayag sa gusto ni Mr. Kyle na ipakasal ka sa anak niyang si James. Isa pa anak hindi naman tayong mukhang pera. Kaya naman nating magsumikap para lang mabuhay kaya huwag kang magpapakasal kung kaligayahan mo ang nakasalalay." Huminga muna nang malalim si Nadine saka bumuga ng hangin. Iĺang minuto ang lumipas bago siya tuluyang nagsalita. "Pumapayag po ako sa alok ni Sir Kyle," sagot niya habang tinitingnan ang reaksyon ng kanyang magulang at ng kapatid na si Clark. "Huwag po kayong mag-alala dahil pinag-isipan ko po nang maigi ang desisyon kong ito. Gusto ko rin po kasing tuparin ang hiling ni Sir Kyle na pakasalan ang anak niya." "Pero anak kaligayahan mo ang nakataya rito. Kung ang iniisip mo iyong perang ipapamana sa 'yo ng boss mo kapag nagpakasal ka sa anak niya e anak hindi mo kailangang tanggapin 'yon. Sobra ang hinihinging kapalit ng ninong mo para sa pamanang 'yon!" sagot ni Jiego na tutol sa kagustuhan ni Nadine.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD