bc

Lapis,Bala at KORONA(S.F. Traya)

book_age16+
1
FOLLOW
1K
READ
BE
family
stepfather
heir/heiress
kicking
small town
assistant
like
intro-logo
Blurb

Sinopsis: Lapis, Bala, at Korona

Sa bayan ng San Roque, ang kapangyarihan ay pinag-aagawan sa tatlong paraan: sa talim ng pahayag, sa dahas ng sandata, at sa bigat ng posisyon.

Si Gobernador Diego ang nagpapatakbo sa bayan gamit ang kanyang bakal na kamay at ang kapangyarihan ng korona. Ngunit ang kanyang pamumuno ay patuloy na niyanig ng mga artikulo ni Mariposa, isang matapang at ideyalistang mamamahayag. Gamit ang kanyang lapis, ibinubunyag ni Mariposa ang mga katiwalian sa pamahalaan, dahilan upang maging mortal silang magkaaway ng gobernador. Ngunit sa likod ng kanilang pampublikong bangayan, may namumuong bawal at mapanganib na atraksyon na susubok sa kanilang mga prinsipyo at tungkulin.

Habang abala ang dalawa sa kanilang tapatang-salubong, isang mas madilim na banta ang gumagalaw sa anino. Ang sakim na negosyanteng si Alejandro at ang malupit na si Andres ay nagpakana upang pabagsakin si Diego at tuluyang patahimikin si Mariposa upang sila ang maghari sa San Roque. Kasama sa kanilang masamang balak ang mapanuring si Merly, isang kaakit-akit ngunit mapanganib na babae na ginagamit ang kanyang ganda upang manipulahin ang mga nasa kapangyarihan.

Ang unang galamay na mahuhulog sa bitag ni Merly ay si Rodante, isang tapat na tauhan na may malinis na reputasyon. Ang lumalalim na pagkaakit at bulag na pag-ibig ni Rodante kay Merly ay unti-unting wawasak sa kanyang katapatan, at magiging mitsa ng pagka-gulo ng mga plano ng magkabilang panig.

Sa mundong ang hustisya ay binabayaran ng bala at ang katotohanan ay pilit ibinabaon, kakailanganin nina Diego at Mariposa na mamili: Ipaglalaban ba nila ang kanilang mga sinumpaang tungkulin, o magpapadala sila sa silakbo ng damdamin habang ang bayan ay unti-unting nasusunog sa kasakiman ng iba?

PROLOGO:

Sa pagitan ng talim ng mga salita at ng nakakabinging putok ng baril, may isang trono na pilit inaabot ng maruruming kamay. Sa bayang ito, ang kapangyarihan ay hindi lamang sinusulat gamit ang tinta—ito ay binabayaran ng dugo, at madalas, pinapalamutian ng ginto.

Si Gobernador Diego ang sagisag ng korona. Sa kanyang mga balikat nakapatong ang bigat ng isang madilim na pamumuno, isang lalaking binuo ng batas at ng mga lihim na tanging ang apat na sulok ng kanyang opisina ang nakakaalam. Ngunit sa likod ng kanyang seryosong mukha at bakal na kamay, may isang kahinaan na unti-unting bumabasag sa kanyang panangga: si Mariposa.

Si Mariposa, ang babaeng may hawak ng lapis. Siya ang tinig ng mga walang boses, ang mamamahayag na ang bawat artikulo ay mistulang bala na tumatama sa puso ng mga tiwali. Siya ang pinakamatalas na kritiko ni Diego, ngunit siya rin ang natatanging liwanag na nagpapakita sa gobernador ng natitira nitong pagkatao. Sa isang mundong magkaaway ang batas at ang katotohanan, ang kanilang mga mundo ay nakatadhanang mag-umpugan—at magtagpo.

Ngunit ang korona ay laging may kaaway, at ang ginto ay laging may sakim na nag-aabang.

Sa kadiliman, gumagalaw ang mga anino nina Alejandro at Andres. Si Alejandro, ang tusong negosyante na handang sunugin ang buong bayan para sa sariling interes, at si Andres, ang malupit na galamay na walang pakiramdam kung pumatay. Sila ang nagmamanipula sa likod ng tabing, naghihintay ng tamang pagkakataon upang pabagsakin si Diego at patahimikin si Mariposa nang tuluyan.

Kasama nila ang mapanganib na si Merly. Si Merly ay parang rosas na gawa sa bubog—maganda ngunit nakakasugat, kaakit-akit ngunit nakamamatay. Siya ang ginagamit nina Alejandro upang lasunin ang isipan ng mga makapangyarihang lalaki.

At sa larong ito ng ahas, walang mas malaking biktima kundi si Rodante. Isang tapat na tauhan na may malinis na prinsipyo, si Rodante ay unti-unting nahuhulog sa bitag ng kamandag ni Merly. Ang kanyang pagkaakit sa babae ay tila isang sumpa—isang matinding bulag na pag-ibig na unti-unting umaagaw sa kanyang katapatan, at maaaring maging mitsa ng kanyang sariling kapahamakan.

Nakahanda na ang entablado. Ang lapis ay May tulis, ang bala ay nasa loob na ng ikasa, at ang korona ay naghihintay sa kung sino ang matitirang nakatayo. Sa digmaang ito, sino ang mananaig: ang katotohanan ba ng mamamahayag, ang kapangyarihan ng gobernador, o ang kasamaan ng mga nasa anino?

chap-preview
Free preview
Ipinanganak ang Lapis(Mariposa)
Kabanata 1 Ang pagsilang kay Mariposa "A---ARAy! Tu-tumawag ka na ng komadrona!" "Dali dali akong tumakbo at papunta sa bahay ng komadrona para sa anak kong isisilang. Babae ba ito o lalaki? Hindi ko alam basta't nananabik akong makita ito." Ito ang isa sa pinakamasayang araw ng aking buhay ang makita ang una kong anak. Ang aking panganay. Ako'y nanabik na makita siya. Ang maikarga sa aking mga bisig ang makita ang kanyang pagtawa pag iyak ." "Andito na siya!. Sigaw ko! Pumasok ka rito Manang ." Pumasok na ang komadrona upang tulungan ang aking asawa. At tinulungan ako na rin siyang ihanda ang kanyang mga kailangan para sa panganganak ng aking asawa. "Hu-himinga ka ng malalim ayan malapit ng lumabas." "O nariyan na siya nakikita ko na ang ulo niya!" "Sigi ire pa tiisin mo lang ang sakit !" At lumabas na ang anak kong babae. Ano kaya ang ipapangalan ko rito. Tinanong ko ang aking asawa ano ang ipapangalan natin sa kanya? Hindi pa sya sumasagot at nag iisip din ng isasagot. "Pwede ring Maria, pwedeng Marina. Alam ko na .Mariposa na lang!" "May Posa sa dulo pabiro niyang sinabi." "Oo, Mariposa na lang hindi ba't napakaganda ng kahulugan ng Mariposa. Ito ay nangangahulugang Gamu gamo at maganda sa ating kultura. Simbolo ito ng swerte at pagbabago." "Tama. Gusto ko na rin ang Mariposa. Papangalanan natin siyang Mariposa. Simula ngayon ikaw na si Mariposa." At lumabas na ang Lapis. Isang batang babae na pagkaganda-ganda ganda. Ang lapis na ito ay si Mariposa Asuncion. Dinagsa ang tahanan nila ng mga tao dahil marami ang pumunta rito upang makita si Mariposa. "Naku napakagandang bata. Ano ang pangalan niya ?Mariposa. Naku napakagandang pangalan naman niyan . Pagkaganda-ganda ganda talaga. " Puri ng mga tao. "Halina kayo at ating pagsaluhan ang mga pagkaing ito. Sadyang pinaghandaan namin ang araw ng panganganak ng aking asawa. Tayo na't kumain bago pa lumamig ang mga ito." "Napakasarap ng mga pagkaing ito. May biko,pansit,buko na may gulaman at may litson manok pa. Naku tiyak mabubusog talaga tayo ng husto. Saad ng isang bisita." "O ikaw ang ninang ha. Ikarga muna ang batang ito dahil sa binyag niya ikakarga mo ulit siya. Kailan ba ang binyag nito? Sa ika 18 ng Setyembre. Gustong gusto ko siyang mabinyagan sa petsang iyan. Ehh ika 18 na ngayon ng Setyembre ehh di ngayon na ang binyag niya. Pwede din naman. Pabiro na sabi ng ina ni Mariposa. Ano ba siyempre sa susunod na taon pa .' "Akala ko ngayon na. Sa susunod na taon sa ika labing walo ng Setyembre . Oh pumunta ka ha baka hindi ka pumunta naku magtatampo ako sa iyo. Ayy siyempre hindi ako pwedeng lumiban sa kaarawan niya. Sa kaarawan niyang binyag rin niya." "Ang saya ng naisip mo. Kaarawan na at binyag pa! Siyempre masaya ang pinag isang petsa. Naku ang saya saya talaga! " "Teka asan na ba si pare ko. Nariyan lang iyan. Baka kumuha ng tubig. Parang inaantok na si Mariposa. Isasayaw ko muna siya. Sigi sumayaw kayo." La la la la. Tulog na magandang bata Mariposa ang pangalan. Tulog na magandang bata Mariposa ang pangalan. Tulog na. Naku kay daling patulugin. Natulog na siya. "Dito ka muna sa maganda mong kuna. Tulog ka na diyan." At natulog na si Mariposa. "Uyy mare. Maligo tayo bukas. Saan? Yung ilog na malapit rito. Ehh tatlo man ang ilog rito. Saang banda? Doon sa malapit lang rito. " "Sigi . Dalhin natin si Mariposa. Si pare ko sasama ba? Baka hindi siguro dahil pupunta siya sa sakahan. Ahh ganon ba. Oo"Tugon nito. "Mare uwi na kami malalim na ang gabi. Dito na kayo matulog. Hindi na muna. Bakit naman? Wag ka ng tumanggi. Hindi naman tayo magsisiksikan sa bahay na ito. Sigi na nga. Oh heto ang kumot unan at banig . Dito Kana sa gitnang kwarto." Mamaya pa darating yung dalawa. Baka sumilip yun sa sakahan kahit gabi naman pupunta iyon doon. Mare kailan nga iyong kaarawan mo. Sa ika pito ng Setyembre. Parehas pala kayo ni Mariposa ng buwan ng kapanganakan. "Oo mare pero hindi sa araw ng kapanganakan ,sa buwan lang. Oo mare alam ko hindi kayo magkapareho. Mare baka gusto mong makinig ng radyo. Mayroon akong nabiling solar na radyo dyan. Pwede kang magpatugtog." "Sigi Mare. Ion ko na ito. At sila'y nakikinig ng musika sa radyo." Eksaktong gabi ng masarap na tugtugin kung saan madalas niyang pinapatugtog ang mga awiting nasa wikang Pilipino. At nakinig lang ang dalawa hanggang sa makatulog na . Pumikit na nga ng lubusan ang kanilang mga mata at sabay ng natulog ang dalawa. Maya maya pa ay May kalabog sa labas ng pintuan. "Sila na siguro iyon. Mahal kayo na ba iyan. Tok tok tok. Kumakatok ng husto. Sumilip muna sa bintana si Margarita. Sila na nga!" "Kami ito mahal. Pakibukas. Naku lasing pala ang mga ito." "Uminom pala kayo mahal?Mahinahon nitong pagtatanong. Oo mahal nagdala kasi si pare ng tuba kung kaya't pinagsaluhan namin ito." "Ganoon ba. Ehh okasyon naman walang problema sa inuman. Saad niya." "Natulog na ba ang bata? Oo mahal. Ikarga ko muna." Kinuha niya ang bata sa kunan at isinayaw niya ito. Sabay puri sa bata. "Ang maganda kong anak. Paglaki mo mamahalin pa kita. Magkamali ka man hindi ako magsasawang magmahal saiyo." "Hindi ako magiging katulad ng ibang amang ikinakahiya ang anak kapag nagkakamali. Hindi pwede sa akin ang mga salitang " bawal magkamali" "Mamahalin kita hanggang kamatayan." Mangiyak-ngiyak ang mga mata ng ina ni Mariposa ng marinig ito mula sa kanyang asawa. Batid niyang mahal na mahal nito ang kanyang anak. "Mahal matulog na tayo. Kukuha muna ako ng maligamgam na tubig at punasan kita." "Sigi mahal salamat. Dito na itong si Mariposa sa gitna natin. Sigi mahal." At magkasabay silang humiga upang matulog na silang tatlo habang walang kamalay-malay malay itong mare niya dahil tulog na tulog. Gumagalaw ang kamay ng luma nilang orasan. Nag aantay ng muling pagsikat ng araw. Dinig na dinig sa paligid ang Amulong ng mga aso at ang huni ng mga ibon. Sila'y nasa kabundukan. Malalasap mo ang sariwang hangin rito at pagsapit ng umaga. Bumangon na ang ina ni Mariposa mula sa pagkakatulog at ito ay naghahanda na ng agahan. Maaga siyang gumigising upang maghanda ng kanilang maagang almusal. Naihanda niya na ang tsokolateng masarap at tuyong daing na sinamahan ng masarap at sariwang gulay sa hapag . "Handa na ang hapag kainan! Halina kayo kumain na tayo." At sila ay kumain na. Karga karga ni Margarita si Mariposa at nakaupo ito sa kanyang binti . Gumawa siya ng lugaw para rito na hinaluan ng masustansiyang gulay . Habang ang usok ng maiinit na pagkain ay iyong makikita. Kasabay rin nito ang masasaya nilang samahan sa hapag-kainan na hindi kakikitaan ng kalungkutan. Napuno ng mga halakhak ang lamesa. Gusto ko ang nangyayaring ito habang nag aantay sa susunod na mangyayari pa. At sila'y natapos ring kumain. Tara na at lumabas. Kailangan din makatikim ni Mariposa ng init ng araw. At sila'y lumabas. Kasabay ang pagsulyap sa init ng araw na saglit na tinitingnan "Di ba maliligo tayo ngayon sa ilog. Oo tara na. Pare, pare maligo tayo." "Sigi. Sama kami. Tara!" At kami ay sabay sabay na naglalakad pababa upang pumunta sa ilog na umaagos ng lubusan ang tubig. Magtatampisaw kami sa kasiyahan at magpapakalunod rin kami sa tuwang nadarama ng aming pagsasama sa paliligo. Umalis na kami at pumunta sa may ilog. Naligo na kami habang nasa kuna si Mariposa at hinihila lang ng balsa. Upang makarating kami sa ilog ay kailangan muna naming umakyat sa malalaking bato . Heto't narating na talaga namin ang ilog. Nagsimula na kaming lumangoy ng aking mare. Umaawit pa nga siya habang naliligo. Nagsusulputan ang aming mga ulo sa ibabaw ng tubig at kung minsan ay lumulubog kami . Naroon si Mariposa sa kuna niyang nakatali sa balsa. Hinila ito ng kalabaw . " Hindi pa rin nagising."' Hindi siya naingayan sa agos ng tubig" sabi ng mare ko" "Ang tagal matulog ni Mariposa" Mare mare tingnan mo may nakita ako rito. "Ano yun? Parang may mga isda. Halika maghanap tayo ng lambat. Sigi" "Mare may nakita akong moske Tero dito. Ito na lang ang gamitin natin" "Kanina parang may tao sa dulo. Sa kanya yata ito." "Baka nga "Parang ganun." Itapon ko na to dito sa ilog." "Sigi hawakan ko rin sa kabila. Mag antay tayo ng mga sampung minuto." "Sigi. Ayan nailatag na. May pumapasok nararamdaman ko." "Meron na ba? Oo. Sigi iangat na natin! Ayun meron na talaga!" "Hilahin mo pa baka makawala. Hinila ko na. Bilisan mo mabigat na." "Nakakuha kami ng mga isda sa ilog. Tamang tama para sa ulam mamaya. Gagawin namin!" Heto ako ngayon nakaupo sa malaking bato habang tinatanaw ko si Mariposa ko ang aking anak. Titignan ko siya kung wala bang ahas na umakyat sa kuna niya. "Wala naman dapat ikabahala." "Tara na mare uwi na tayo baka gumabi bigla at dito pa tayo maabutan. Tara na!" Aakyat na kami pabalik sa bahay. Karga karga ko si Mariposa habang naglalakad. Ang kasama ko naman ay dala dala niya ang mga isdang nahuli namin. Ito ang masasaya naming mga araw ng aking kaibigan noong ako ay nabubuhay pa. "Sabi niya mare ako na magluluto nito pagdating natin sa bahay." "Sigi ikaw na ang bahala. Mare dumating na kaya sila? Hindi ko rin alam mare." Pahinga muna tayo saglit mare hinihingal na ako "Sigi!" Masyadong malayo pa kami at nagsimula na siyang hingalin. Naupo muna kami saglit habang inaantay ko ang pagkawala ng hingal niya. "Mare okay ka lang ba? Okay lang ako mare. Hingalin na ako sa edad kong ito." "Ganyan talaga mare kapag tumataas na ang edad natin." Malapit na kami sa bahay. Iilang hakbang na lang at makakarating na kami. "Andito na tayo sa wakas!" Eksaktong ala sais na ng gabi. Nagsimula na ring umiyak si Mariposa. Batid kong gutom na ito. Inilabas ko ang aking s**o at pinasuso ko siya. Agad siyang tumigil sa pag iyak Gutom na gutom na talaga ito. "Mare magluluto na ako Sige mare ikaw na ang bahala diyan." Hinayaan ko na si Mare kong magluto sabi niya naman siya na ang magluluto. Natulog kami ni Mariposa ko. Tapos na siyang magluto handa na ang mga pagkain. "Tao po tao po. May tao. Sino iyan? Si Mang Berto mare Papasukin mo." "Mare, ahh ano sana maniningil ako ng bayad sana sa utang ninyo sa tindahan kasi wala na akong pambili ulit ng mga tinda ko." "Ganoon ba pare. Saglit lang at kukuha ako ng pera." Ibinalik ko muna si Mariposa sa kama niya at doon ay hinayaan ko siyang mahiga na muna habang pumunta naman ako sa kwarto namin upang kumuha ng pambayad kay Mang Berto. "Ito na po Mang Berto. Dalawang libo po iyan. Sa iyo napo ang sampung piso. Isang libo siyam na daan at nobenta pesos naman yung utang ko sa inyo. Salamat po pala sa pagpapautang niyo po. Malaking tulong po iyon." "Alis na ako. Kain po muna tayo ng hapunan Nagluto po kasi si mare ng hapunan Dito na po kayo maghapunan." "Naku wag na nakakahiya naman Wag na po kayong mahiya Nakatulong din naman po kayo sa pangangailangan namin." "Ahh sige na nga. " Sambit ni Mang Berto. At kami ay nag hapunan na. Hindi na namin inantay ang mga asawa namin dahil alam naming hindi pa agad iyon makakabalik. Ang naiisip ko ay baka umagahin din iyon dahil sanay iyong magbabad sa trabaho niya kahit mag umaga ng umuwi Alas diyes na ng gabi. Heto kami at nakahiga na. Umuwi na rin si mare ko. Kaming dalawa na lang ni Mariposa ang naiwan sa bahay. Dinalaw na ng antok ang mga mata hanggang sa tuluyang pumikit ito. "Tulog na tayo anak. wala pa ang tatay mo." Sa pagtulog namin ay tanging lampara lang meron ako. Wala kasi kaming kuryente. Usong uso sa aming probinsya ang mga solar lights. Wala kami.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Dangerous Spy

read
327.4K
bc

Private Dancer: Mafia Lord Series 9

read
85.2K
bc

THE EVIL STRANGER: MAFIA LORD SERIES 12 (R-18 SPG)

read
109.5K
bc

MY MASTER: MAFIA LORD SERIES 11

read
60.5K
bc

SECRET UNTOLD SERIES 12: YO RINGFER

read
16.7K
bc

MR. KIDNAPPER: MAFIA LORD SERIES 14 (R-18 SPG)

read
35.4K
bc

DON'T TOUCH ME: AGENT SERIES 21 (R-18 SPG)

read
99.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook