Chapter 1
Sa wakas, ngayong araw na ito April 12, 2021, ay nagtapos ako sa kursong Business Management. Hindi pa rin ako makapaniwala na isa akong SUMMA CUMLAUDE Iba pala talaga ang saya kapag nakatanggap ka ng parangal at diploma.
Ngayong graduate na ako ay kailangan ko nang gampanan ang pamamahala sa negosyo namin. Hindi naman mahirap para sa akin dahil habang nag-aaral ako ay hinubog na ako ng aking mga magulang paunti-unti upang pagdating ng panahon na ako ang mamamahala ay alam ko ang dapat kong gawin.
Pero inaamin ko rin sa aking sariling na-pe-pressure rin ako. Hindi naman kasi basta-basta ang pagpapatakbo ng isang negosyo. Kaya naisip ko baka pwedeng humingi ng kaunting panahon upang makapag pahinga man lang ako. Ipapahinga ko rin ang aking isipan. Gusto ko man lang ay sarili ko muna ang aking unahin. Pinag-iisipan kong kausapin sina mommy at daddy at sana ay pagbigyan nila ako sa hihilingin ko.
Kakatapos lang ng speech ko kung kaya’t pababa na ako ng stage ngayon. Kaagad naman akong sinalubong nina mommy at daddy nang mahigpit na yakap. Ramdam ko ang ang suporta at paghanga nila para sa akin.
Kumalas sa pagkakayap sa akin si mommy. "Congratulations, anak. We're very proud of you! Sa wakas ay graduate ka na," naluluhang bati sa akin ng aking ina.
"Congratulations! You did a great job," masayang bati rin ng aking ama at kaagad ko naman ulit silang niyakap na dalawa.
"Thank you, Mommy at Daddy! This is all for the both of you. I love you!” sagot ko sa kanilang dalawa habang ang aking mga ngiti ay hindi pa rin napapawi.
"We love you too, anak." ani ni mommy na kumalas sa pagka kayakap sa akin at pinunasan ang aking mga luha na kanina pa nagbabadya ng tumulo. “Okay, lets go naghihintay na silang lahat sa bahay." abot tenga ang ngiti dugtong pa nito.
Umuwi narin kami at doon nag celebrate, invited lahat ng mga tao sa warehouse na gumagawa ng mga furnitures namin at malalapit lang na
Pamilya at kaibigan. Binati nila akong lahat at masaya ako dahil damang-dama ko na proud din silang lahat sa akin na nakapagtapos na rin ako sa wakas.
"Anak," tawag pansin ni Daddy habang naka upo na kami sa harap ng hapag kainan. "Handa ka na ba sa pagma-manage ng business natin?" tanong ni Daddy sa akin at mataman na nakatitig.
"Ahmmn, Daddy," usal ko. "Pwede po bang humiling kahit isang taon lang na pahinga? I mean, gusto ko i-enjoy muna ang sarili ko. Gusto ko mag-unwind at lumibot sa iba't-ibang lugar kahit dito lang sa pilipinas, gusto ko pong pumunta sa lugar nila Jaica." Mahabang lintaya ko sa kanila at hinihintay kung ano ba ang isasagot nila sa kahilingan ko.
"Is that so?" aniya sa seryosong mukha sabay sulyap kay Mommy, hindi ko mahulaan kung papayagan ba nila ako sa aking nais. "Kung 'yan ang gusto mo anak. Sige, pumapayag kami ng Mommy mo." Nakangiting tugon ng aking ama. Akala ko hindi sila papayag.
"Talaga!" bulaslas ko, labis ang saya ko sa pagpayag nila sa aking kahilingan agad na niyakap ko silang dalawa ng mahigpit. "But make sure that you're always updating us, okay?" pagpapa alala ng aking Ina sa akin.
"Of course mom, I will." nakangiti kong tugon at nagpatuloy sa pagkain.
Nagpa-book ako agad papuntang Puerto Princesa Palawan. Gusto kong mag beach at talagang makakapag unwind ako nito. Pero bago 'yan dadaanan ko muna ang bestfriend kong si Jaica. I'm sure matutuwa 'yon at susurpresahin ko ito. Mabilis lang ako nakarating sa Puerto Princesa pero bago ako tumuloy kila Jaica ay nagpasya akong dumaan muna sa mall para makapamili ng pasalubong.
Sakto lang ang dala kong gamit bukod sa credit cards ay may cash pa naman ako na sapat pa para pang gastos. Kakatapos ko lang iwanan ang dala kong maliit na maleta sa baggage counter at naglalakad na ako papasok ng Department Store ng biglang may humablot at umakbay sa akin.
"Miss, I'm sorry," bulong nito sa akin habang naka akbay sa aking balikat. "But, please. Can you act like you're my girlfriend?" aniya. Aba! pinagloloko yata ako ng kumag nato, napagkamalan ba akong kaladkarin humanda talaga 'to eh!
Tatanggalin ko na sana ang kamay n'yang naka akbay sa akin ng biglang,"I'm Finley." ibinulong nito ang kanyang pangalan sa aking tenga at agad namang tuminting ang baliho ko dahil naramdaman ko ang labi nito dumikit sa balat ko. "Please, can you do me a favor, miss?" Pinagsasabi kaya nitong ugok na 'to.
"I'm Shantal." ibinulong ko rin sa kanya ang aking pangalan. Hindi ko alam bakit din ba ako bumulong sa kanya eh! Nakakahawa ba 'yon? Sa isip-isip ko.
"Okay, Shantal. Ayan na ang humahabol sa akin, kaya please magpanggap kang girl friend ko ngayon sa harap niya akong bahala sayo." aniyang muli, sasagot na sana ako nang namataan ko ang babaeng papalapit sa amin at masama ang tingin ipinukol nito lalong-lalo na sa akin. Aba hanep naman talaga oh! Mukha ba akong mang-aagaw, sa tingin n'yang 'yan. Eh, halata namang mas maganda ako sa kanya. Isip-isip ko lang at tuluyan na nga itong nakalapit sa amin.
"Finn, iniiwasan mo ba ako?" tanong bungad agad ng babae ngunit bago niya pa balingan si Finley ay inirapan muna ako nito na halatang hindi niya nagustuhang may kasama ang hinahabol niya, kuno! Sabi ng mokong na ito sa tabi ko.
"Oh! Hi Bianca," aniyang pansin kunyare sa babae. So, Bianca pala ang pangalan nito. "No! bakit ko naman gagawin 'yon?" walang ganang sagot niya rito na parang wala lang.
"So, who is she?" muling tanong ni Bianca kay Finley.
"Yeah! By the way, I would like you to meet my girlfriend, Shantal. Inakbayan ako nito at pinakilala. Agad na rumihistro sa mukha ni Bianca ang gulat at pagkalito, ako man ay naguluhan din kung bakit niya ako pinakilala bilang girl friend.
"Baby, meet Bianca and she's one of my friends."
Pakilala nito sa'kin kay Bianca na agad ikinadilim ang mukha nito sa sinabi ni Finley.
"Really? hindi makapaniwala na tanong nito. "A girlfriend. Seriously, Finn?
We're not done yet, anong pinagsasabi mo?" nangangating sabi pa nito.
"No! It's over, and I'm done with you, Bianca." seryosong at may pagka diing sabi ni Finley na nahihimigan ko ng galit. Jusme, bakit ako pa ang napili nitong acting girlfriend kuno! Kulang na lang bugahan ako nitong Bianca ng apoy eh!
Hindi pa nakuntento si Bianca at ako na mismo ang tinanong nito. "Is that true? Girlfriend ka nga ba niya talaga, or isa ka lang rin sa mga binayaran niya para magpanggap?" nakataas kilay na tanong niya pa sa akin. Leche mukha ba akong bayaran, imbis na maawa ako ay nakaramdam ako ng inis sa babaeng 'to eh! Sandali ngang maldita ka.
"Yes," sagot ko sa kanya, hindi rin ako papayag na pagtataasan niya lang ako ng kilay kaya pinag krus ko ang mga braso ko sa aking dibdib at hinarap ito. "I'm his girlfriend, actually kasasagot ko lang sa kanya eh!" Napaisip pa ako kunyare."Hmmn, mga five minutes ago na rin nahuli ka lang ng konti. I answer her sarcastically. "I'm sorry for what happened with your relationship, but. I love him Bianca." Napangiwi naman ako bigla sa sinagot ko, yawa!
"Ugh!" Tila ubos na ang pasensya na asik nito. "You're gonna pay for this Finn, humanda ka! And you!" duro nito sa akin sabay talikod at tuluyan nang umalis. Agad ko namang hinarap ngayon si Finley, akala niya You're-ganon na lang 'yon!
"Hoy! Ang kapal ng mukha mo eh, no! Anong akala mo sa akin? Kaladkarin, bayaran? Basta-basta ka na lang nanghahablot." tila nag aapoy ang aking mata habang nakatitig sa kanya wala pang nakagawa sa akin ng gano'n!
"Hey, chill. Sorry na, okay? pag alo niya sa akin upang pakalmahin ako. Ayaw kasi ako tantanan ng ex kong 'yon, eh! Sakto naman na nakasalubong kita kaya bigla na lang kitang hinila."
"Hep, Hep!" awat ko sa mga sasabihin pa niya. "Hindi ko sinabing mag explain ka sa akin at ito ang sasabihin ko sayo. 'Wag na 'wag ka nang magpapakita sa akin tandaan mo, maliwana?! ang ng gagaliiting sabi kong sabi kanya. Tatalikod na sana ako para iwan siya nang pigilan pa ako nito sa braso.
''Wait! Pwede ba kitang ma-invite for coffee?" tanong pa niya ulit. Lakas din talaga ng confidence nito eh! Anong akala niya papayag ako sa pa kape niya. Inagaw ko naman bigla ang braso kong hawak nito.
"Kita mo! Nanghahablot ka na naman." nangi-gigil ko siyang sinita.
"Im sorry!" Hinging paumanhin niya nito "So, pwede?" nakangiti itong nagtanong ulit sa akin. Naiirita na talaga ako sa kanya kanina pa siya panay ang kakatanong.
"Hindi!" tanggi ko agad. "We're not close, and I don't even know you. Tsaka bagay sa'yo ang kape ng nerbyusin ka naman."
Mahina pa itong natawa na kinasalubong lalo ng kilay ko. "Ang sungit mo naman, pero ikaw 'yong masungit na lalong gumaganda. "So, I guess maybe next time? nararamdaman kung magkikita pa tayo ulit." aniya mukhang sigurado talaga siya na magkikita kami ah! Tibay!
"Huh? Asa! Kasi ako hindi ko gustong makita ka pa ulit. Sa ginawa mo sa akin, you think gusto pa kitang makita! Nek, nek, mo!" Sabay talikod ko at iniwan ko na siyang mag-isa. Naglakad na ako palayo dahil ayaw ko na siyang makausap. Tinawag pa ako nito ngunit hindi ko na siya nilingon pa.
"Bwisit akala mo kung sino. Naku! 'wag ka lang talaga magpapakita ulit sa akin dahil bibigwasan na talaga kita." kausap ko ang sarili habang naglalakad papasok ng department store.
Pagkatapos ko mamili ng pasalubong ay lumabas na ako ng mall at naghanap ng masasakyan papunta kila Jaica.