Chapter 18

1147 Words
Mahina siyang natawa. "Joke lang, okay wala akong gagawin. Takot ko lang sa 'yo no! Basta, ayaw ko may makitang aaligid-aligid sa 'yo ngayon dahil nandito ako baka lunurin ko siya sa dagat," sabi niya. Akala mo naman girlfriend niya na 'ko. "Tumigil ka nga! Akala mo naman girlfriend mo 'ko kung makapag-bawal ka, ah!" Napasimangot na naman siya, parang sira talaga. "Kahit na! Alam kong mahal kita, kaya magseselos talaga ako! T'saka pinapunta mo 'ko dito kaya bisita mo 'ko. Kaya dapat asikasuhin mo 'ko!" Maktol niya. 'Aba! Gumangan'yan ang loko!' "Okay, hindi naman ako gano'n. Ano akala mo sa 'kin? Magpapaligaw kahit kanino? Ikaw nga hindi umbura sila pa kaya," bigla ko naman napagtanto ang nasabi ko sa kan'ya, at natigilin na lang din siya dahil do'n. Ewan ko, parang ayaw kong makitang malungkot siya. "Pero malay natin mayro'n na," pahabol kong sabi. Bigla naman siyang napatingin ulit sa 'kin na may nagtatanong na mga mata. "Sweetie, anong ibig mong sabihin?" tanong niya. "Halika ka na, labas na tayo at baka hinahanap na nila tayong dalawa." Hinila ko na siya palabas nang pinto subalit hinila niya rin ko pabalik kaya paglingon ko ay, sinalubong niya ako nang halik sa labi. Nabigla ako at hindi nakahulma sa ginawa niya. Naramdaman kong gumalaw ang labi niya, ibang-iba sa halik na ginawa niya no'ng nasa resort kami. Ngayon ay maingat, banayad at parang inaanyayahan akong tugunin ito. Hindi ako tumugugon ngunit hinahayaan ko lang naman siya. Bigla niyang pinasok ang kan'yang dila at naglumikot ito sa loob ng bunganga ko, kung kaya't mahina akong napaungol. Hindi niya pa rin ako binitawan, inaamin kong nagugustuhan ko ang paraan kung paano niya ako halikan. Hindi ko na alam ang nangyayari sa paligid ko, parang nawala ako sa pamamagitan ng halik niya. Nadadala na ako sa mga halik niyang mapang-akit kung kaya't napatugon na rin ako, saglit naman siyang napangiti sa tugon kong 'yon. Kaya mas lalo niya niya akong idiniin sa kan'ya, ako nama'y mapakapit na sa leeg niya dahil naghihina na ang mga tuhod ko. Mas naging malalim ang paghalik niya at mapusok ngunit ang napakalambot niyang labi ay winawala ako sa wisyo. Natinag lang kaming dalawa dahil sa katok. "Best! nand'yan ka ba?" tawag sa'kin ni Jaica Bigla ko siya tinulak dahil baka makita kaming dalawa sa gano'ng ayos, nakakahiya. Kimalma ko muna ang sarili bago ko ito sagutin. "Oo best! Bakit?" tugon ko. "Bilisan mo na d'yan! May ipapakita ako sa 'yo," aniya pa. "Okay, sige, susunod na 'ko agad! Mauna ka na lang," tugon ko. Narinig ko naman na ang mga yabag nitong papalayo na. Nang balingan ko si Finley ay pangiti-ngiti na ito ngayon sa 'kin. Nahiya naman ako bigla dahil tumugon ako sa halik niya. 'Sheemmsss!' ''Sweetie, oo nga!" Napakunot naman ang noo ko kung ano ang sinasabi niya. "Ano?" tanong ko naman. "Never mind." Hinalikan niya ako nang mabilis muli sa labi bago tinungo ang pintuan. "I love you," sabi niya sabay kindat bago tuluyang lumabas. Bigla naman nag-init ang mukha ko. 'Shock's nakakahiya.' Lumabas na ako na parang walang nangyari, nang tingnan ko si Finley ay masaya itong nakikipag-usap sa mga kalalakihan na gumagawa ng mini stage. Agad ko namang nilapitan sina Jaica. "Anong gagawin?" tanong ko nang makalapit na kanila ni Raven. "Ay! Nandito na ang mas maganda pa sa diyosa. Girl, hindi mo naman sinabi na ang yummy pala ng suitor mo! Kung ayaw mo, sa 'kin na lang," malanding ani pa nito. "Hoy bakla, tumahimik ka nga at baka marinig niya tayong pinag-uusapan siya," saway ko kay Raven. "Maganda nga 'yon para lumapit siya, eh. Pakilala mo naman ako, dali na," pagpupumilit nito pa nito. "Sige, mamaya na. Tumahimik ka na, ha!" banta ko. Tumulong na ako sa paggawa ng mga ide-designs namin sa stage mamaya. At tawa lang ako nang tawa dahil sa mga pagpapatawa na naman ni Raven. Hindi namin namalayan ang oras ay natapos na kami agad. Nagulat na lang kaming dumating si Finley at may dalang meryenda para sa 'min. "Sweetie, kain na muna kayo. Baka nagugutom na kayo, eh!" Nilapag niya mga dala para sa'ming pancit, puto at kutsinta. "Wow! Sarap naman niyan, thank's Finley. Paborito ko talaga 'to!" Sabay subo sa puto. "Welcome, hayaan mo sa susunod isa na 'ko sa paborito mo!" Bigla naman akong nabulunan. 'Yawa! Naisingit niya na naman 'yon!' Hinagod niya naman bigla ang likod ko. "Whoa! Are you okay?" nag-aalalang tanong nito. "Hindi! May okay ba'ng nabulunan?" Inis kong sagot. Kasalanan niya dahil kung anu-anong sinasabi. "Bakit ka galit? Wala naman akong ginawa." Inirapan ko na lang siya. Naalala ko tuloy ang halikan naming kanina. 'Yawa! Tumugon ako do'n!' Inabutan niya naman ako agad ng Pineapple juice. "Thank you," Pasalamat ko. Nang tingnan ko sina Raven ay kinikilig ito habang kumakain sa tapat namin ni Finley, Habang sina Jaica at Red naman ay Mayro'ng sariling mundo. "Ahmn.. Fafa Finley, baka Mayro'n ka pa ibang friends, reto mo naman ako," ani naman bigla ni Raven. Napangiti naman si Finley sa kan'ya. "Oum yeah! Actually apat kaming magkakaibigan, but they both busy kaya hindi sila makakapunta dito ngayon. Don't worry, baka next time makilala ni na rin sila," tugon naman ni Finley. Mabuti at mabait naman siya kay Raven. Nang matapos kaming kumain ay biglang tinawag ni Red sa Finley. "Brow, halika dito saglit may sasabihin lang ako," ani nito kay Finley. "Sweetie, saglit lang ha," Paalam nito. "Sure," tugon ko naman at nagpatuloy sa pagpapalobo ng mga balloons, habang si Raven naman ang taga assemble. Nilingon ko sina Red at Finley na mukhang nag-uusap talaga nang masinsinan, Seryodo silang dalawa. 'Ano naman kaya ang pinag-usapan nila?' Pang alas na nang hapon ay natapos na namin ayusin sa ang mini stage namin lahat ng decorations at kumpleto na. Natatawa pa ako kay Raven dahil rumampa pa ito na parang nasa pageant. sa taas ng stage. Hinayaan ko na lang muna sina Red at Finley. Kaya nagpasya akong maligo na muna at nagpaalam na ako saglit kay Raven na maiwan ko na muna siya. Nilapitan ko naman muna si Jaica ay sinabihan maligo na rin siya, "Best, ano? Hindi ka pa ba maliligo?" tanong ko. "Ah, Oo maliligo na rin ako, pasado na pala alas tres," aniya. "Sige, mauuna na 'ko sa 'yo, ha!" Timango naman ito kaya iniwan ko na rin siya. Agad na akong maligo at Pagkatapos ay nagbihis na. Isang above the knee dress ang napili ko na color beige kaya lumutang ang kaputian ko. Binlower ko ang buhok ko at hinayaan nakalagay pero med'yo kinulot ko ang dulo. Light make up lang din ang nilagay ko sa mukha ko with matte maroon lips stick, at 3 inches na bakya sandals. Naglagay ng pabango at sinipat ko ang sarili sa salamin kung ayos na ba. Nang nakuntento naman na ako ay nagpasya na akong lumabas ng kuwarto ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD