Chapter 28

1545 Words
~Finley~ Ano ba'ng nangyari sa 'kin, bakit ako naaksidente? Wala tuloy akong maalala, I mean, kilala ko naman siya kung sino-sino 'yong dati pero ang mga bago kong kakilala at hindi na. Lalong-lalo na 'yong dalawang babae na nakita do rito nang magising ako makalipas ang isang araw na pagka-comatose. 'Yong halatang may tama nga si Red dahil talagang panay ang pinto niya rito, Pero 'yong isa naman ay sa tabi ko lang. Hindi umaalis, parang may gusto siya sabihin pero hindi niya masabi. Nakikita ko rin na malungkot rin ang mga mata niya. Hindi ko alam, pero parang ayaw kong siyang malungkot. Lalo na no'ng sinabihan ko siyang 'wag magpapa-iwan nang mag-isa dito Dahil baka magselos ang girlfriend ko. Kitang-kita kong nasaktan ko siya at nagulat sa sinabi ko. 'Nagi-guilty ako.' Tapos biglang dumating nga si Bianca, nagalit ito at pinagsalitaan siya nag masama. Hindi ko rin nagustuhan ang ganong ugali ni Bianca pero hindi ako nakapag-salita, Hindi ko ito napigilan. Mang-aagaw raw si Shantal, inagaw raw ako ni Shantal sa kan'ya. So, tama nga ako. May feelings siya sa 'kin kaya siya natuto at pabalik-balik. 'May past kaya kami?' Tatanungin ko na lang si Red. Nagulat ako pa ako lalo no'ng sinampal niya si Bianca. 'Siguro hindi na siya makapagpigil.' Mali rin talaga si Bianca. Wala namang ginagawang masama ni Shantal, inaamin kong maganda siya. Para siyang angel, pero simula no'n ay hindi ko na siya nakitang muli na pumunta pa dito upang dalawin ako. Tuluyan na niya siguro akong iniwasan. Sayang hindi na lang ako nakatingin ng sorry sa kan'ya. Biglang bumukas ang pinto at pumasok sina Red, Seth at Giovan. Ang tatlong matalik kong kaibigan. "Brow! Kumusta ka na? Paano na 'yan nandito ka! Baka marami nang pumuporma Kay Sweetie ko niyan!" Nakita ko namang siniko ito ni Red kaya nanahimik si Seth. "Outch! Oo na! Nakalimutan ko nga pala, may selected amnesia itong kaibigan natin," natatawang sabi pa nito. "I'm fine! Kailan na ba ako puwedeng lumabas dito? Naiinip na 'ko," makakabagot na rin kasi dito. "Mamaya tanungin natin ang doctor mo," ani naman Red. Siya ang madalas ang nandito dahil hindi naman daw siya gaanong busy. Kakaalis lang din ng mga parents ko dahil may mga business pa sila. Siniguro ko naman na ayos lang ako. "Mga brow, sino ba si Shantal? Puwede ko ba'ng malaman?" Nagkatinginan silang tatlo. Mukhang nagdadalawang-isip pa. "Brow, baka kasi mapasama sa 'yo, kapag sinabi naman baka mag-isip ka nang mag-isip. Bawal kasi 'yon sa 'yo," nag-aalalang sabi naman ni Red. "Ayos lang sasabihin ko kapag tama na. Gusto ko lang talaga malaman," sabi ko pa. "Sigurado ka?" "Yeah!" tugon ko at nag-upisa na si Seth. "Ahmmn… do'n tayo ngsimula sa Birthday Celebration ni Giovan resort mo. Dahil do'n namin nalaman na may nakilala kang magandang babae." 'Ginandahan pa ng loko ang pagkakakuwento.' "Nag-iinuman na tayo no'n sa sea sides eh. Tapos nalaman namin na ini-stalk ka pa rin pala ni Bianca kahit saan ka magpunta," nagtaka naman ako sa sinabi niya. "What do you mean?" "Stalker ano pa nga ba? Wala na kasi kayo brow, kasi nahuli mo siyang may iba," nagulat naman ako sa sinabi niya. Naikuyom ko ang kamo ko. Bakit umaasta pa rin itong girlfriend ko? "Oh! Ayos ka lang? Baka mamaya niyan makasama pa 'sinasabi ko sa 'yo eh!" Umiling naman ko. "No! Continue, please," pakiusap ko. "So, ayon na nga. Ang sabi mo sa 'min ay nasa mall ka no'n at nakita mo nga si Bianca na panay na naman ang sunod sa 'yo. At saktong paglabas mo kamo sa Department Store ay may nakasalubong kang babae na bigla mo na lang hinablot at pinagpanggap na girlfriend sa harap ni Bianca upang tigilan ka nito sa kakasunod," mas naging interesado tuloy ako sa kuwento ni Seth. "At si Shantal 'yon!" singit naman ni Giovan. "Go, ikaw naman," sabi naman ni Seth. "Pinagpanggap mo si Ganda, at wala itong nagawa sabi mo dahil papalapit na si Bianca, kaya napasakay na lang ito sa pakiusap mong magpanggap nga siya. At effective naman dahil napaalis nito ni Bianca, pero no'ng makaalis ang sabi mo ay kulang na lang bumuga ito ng apoy sa 'yo sa galit dahil sa ginawa mo sa kan'yang panghahablot para magpanggap eh, hindi naman kayo magkakilala," saad namN ni Giovan. 'Tagalang nagawa ko 'yon?' Nagpatuloy lang akong nakinig. "Tapos sabi mo ay nag sorry ka na pero hindi niya matanggap, at sinabing 'wag na 'wag ka raw magpapakita sa kan'ya dahil mananagot ka na sa susunod," sabi pa ni Giovan. Natatawa pa sipang dalawa nang sabihin n'yon sa 'kin. "At no'ng gabing Birthday ko na nga ay do'n mo ulit siya nakita, nagpapa-unahan pa kaming tatlo na makilala si Ganda, ha!" dagdag pa niya. "Nag-invite no'n ang vocalist na kung sino ang puwedeng kumakanta no'ng gabing 'yon kasi kung sino at sila ang tutugtog." Nalipat naman ang atensiyon ko kay Red nang ito naman ang magsalita. "Tapos biglang may sumigaw na ang bestfriend niya raw ang puwede, si Jaica ang sumigaw," kinikilig pa ang gago. May tama nga kay Jaica. "Si Shantal ang tinuro niyang puwedeng kumanta, ayaw pa sana nito pero wala siyang nagawa dahil marami na sa kan'ya ang nag-aabang. Ikaw nga wala kang paki, ni, hindi ka nga tumingin kong sino 'yong pinagkakaguluhan naming tatlo dahil ang ganda niya nga." Patango-tango naman si Seth sa sinabi ni Red at ito naman muli ang nagsalita. "Lalo na no'ng kumanta na siya brow, grabe ang ganda talaga lalo, pati ang boses niya. Lahat nga ay naghiyawan dahil nagustuhan nga siya at pinakanta pa siya ulit ng isa pa. Tapos ikaw sasabihin mo lang sa 'min ay, IT'S HER," inis na sabi pa nito kaya natawa ako. "'Lang 'ya! Kaasar ka, eh," maktol pa ni Seth. "Si Shantal pala ang babaeng kinukuwento mo sa 'min no'n kaya naiinis kami sa 'yo! Pero natuwa kami kasi nga galit siya sa 'yo 'di ba? Kaya sa 'min lang siya mabait, sa 'yo ay hindi." Nag-appear pa ang mga gago at tuwang-tuwa. "Nilapitan namin silang dalawa ni Jaica at nakipagkilala, mabait nga naman sila sa 'min lalo na si Shantal. Pero no'ng dumating ka ay mas lalo kaming natuwa dahil hindi ka naman niya pinapansin," nainis naman ako sa kuwento ng gago. 'Totoo pa kaya ang sinasabi nitong si Gago. Ako pa! Hindi papansinin, eh, mga babae na nga lang naghahabol sa 'kin.' "Gulat ka no! Yes brow, ayaw niya sa 'yo at galit siya dahil nga siguro sa ginawa mo sa kan'ya. Ang galing din nilang sumayaw ni Jaica, talented silang dalawa at ka-gagraduate lang pala nilang dalawa kaya napiling dito magbakasiyon ni Shantal sa bestfriend niyang si Jaica," sa ngayon ay naging interesado na ako sa kan'ya, gusto ko na siyang makilala. "Nalasing na si Jaica at sa resort na sila nagpalipas ng gabi, mabait naman si Shantal brow, eh. Sa 'yo lang talaga hindi." Sinamaan ko naman nang tingin si Seth. "Kina umagahan ay naghanda ka ng Almusal sa Kubo para sa kan'ya at kasama mo kaming gumawa no'n kaya pagkagising ay pinapunta mo na lang sila do'n. Pero, do'n na naman kayong dalawa nag-umpisa sa bangayan. Para kayong mga asot't pusa, ikaw naman ay binuhat mo siya sa at dinala sa dagat, loko ka! Nagulat na lang kami nang umahon na si Shantal at nagmamadaling bumalik sa hotel, 'yon pala ang may ginawa ka na!" Mahabang lintaya naman ni Seth kaya na curious naman ako kung ano ang ginawa ko. "What?! Ano naman ang ginawa ko?" tanong ko naman. "Sabi mo sa 'min ang hinalikan mo siya, at lalo siyang nagalit no'n sa 'yo dahil first kiss niya 'yon! Never pa siyang nagka-boyfriend. Pinuwersa mo siya brow," kahit kailan hindi ko ugaling mamuwersa ng babae, sila pa nga ang lumalapit eh! "So, what happened next?" tanong kong muli. "Umalis na sila, umuwi na. Galit na rin si Jaica tuloy, kaya kinaumagahan ay nagpasama ka sa 'kin na hanapin ang bahay nina Jaica sa kabilang bayan," ani naman ni Red. "Do'n na nag-umpisa na sinusuyo mo na siya halos araw-araw, at araw-araw ka rin niyang sinusungitan pero hindi ka sumuko. Ang huling punta natin do'n ay no'ng Birthday nang Nanay ni Jaica, si Tita Janice. Close rin kayo no'n kaya ka niya dinalhan dito nang mga lutong ulam na gusto mo," saad ni Red. Gano'n na pala ang nangyari, sayang at wala akong maalala. "Ang totoo niyan brow, ay niligawan mo si Shantal. At masasabi kong napaamo mo na nga siya dahil iba na ang closeness niyong dalawa no'ng kaarawan ni Tita Janice, eh. Hindi ka na rin niya gaanong sinusungitan at ngumingiti na rin siya sa 'yo, dati kasi ay lalo lang siyang nakabusangot kapag nandiyan ka." Ibig sabihin ay nagkagusto nga ako sa kan'ya. Kaya pala malungkot siya no'ng makita niya kami ni Bianca. At hanggang ngayon mga, at hindi na siya bumalik. "Naku brow, sayang!" sabi naman ni Giovan "Malapit na sana, baka nga mapasagot mo na si Shantal, eh. 'Yon nga lang at hindi mo na siya ngayon maalala. Marami pa naman ang may gusto ro'n baka kapag nakaalala ka na ay may iba na 'yon kasi kinalimutan mo na rin naman siya, eh," bigla naman akong naalarma sa sinabi ni Giovan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD