~Shantal~
"Sira ulo mo! Bakit mo 'ko hinalikan?" inis ko sabi sa kan'ya ngunit ito nama'y umakto na tila walang nangyari.
"Dahil gusto ko! Hindi ko gagawin 'yon kung hindi 'di ba?"
'Aba'y Loko 'to ah!'
"Hoy! Anong trip mo? Ha? Ako nga ay tigilan mo sa kagagan'yan mo Finley, ha!" asik ko sa kan'ya.
Kung wala siyang amnesia habang
ginawa 'yon ay matutuwa ako, kaso hindi eh! Tapos ganito pa siya kung umasta na parang walang nangyari.
"Fine! Hindi ko kasi mapigilan, kusang sumunod lang ako sa sarili ko na gustong 'gawin 'yon!" Nanahimik na lang ako dahil hindi ko din alam ang sasabihin sa, kan'ya.
Kahit paano pala ay nakikita ko ang Finley na kilala ko.
"Tss… Kumain ka na nga lang d'yan," ani ko sa kan'ya. Ako naman ay nagpatuloy na lang kumain.
"Ahmmn... Shantal, kung gusto mo'ng pumunta sa resort ay pumunta lang kayo at hanapin niyo ko, sabihan mo lang ang mga tauhan ko," anito.
"At bakit ko naman gagawin 'yon? Kahit hindi ka naman namin hanapin ay okay lang, alam naman namin ni Jaica ang pasikot-sikot do'n.
Kaya ayos lang kami." Napanguso naman siya na parang bata.
"Eh, gusto kitang kasama do'n kaya gusto ko malaman kung kailan mo gustong pumunta," anito. Ano kayang iniisip nito at bigla na lang siya naging ganito.
"Okay, sasabihin kita kung 'yan ang gusto mo." Umaliwalas naman ang mukha nito nang sabihin ko 'yon.
'Bahala na nga! Baka makatulong din sa, kan'ya kung mas mapalapit pa ako lalo at baka makaalala na siya agad.'
Inaamin kong natuwa ako at nagkaro'n nang pag-asa.
Maya-maya lang ay nag-alam na rin silang umuwi dahil kailangan pa'ng uminom ng gamot ni Finley, nakalimutan daw nilang magdala.
"Till next time Shantal, babalik ako," sabi niya. Parang hinaplos naman ang puso ko dahil sa sinabi niya 'yon habang magpapaalam.
"Okay, see you then. Sige na at kailangan mo pa palang uminom ng gamot mo! Ingat kayo, ha!" Kumaway na ako sa kanila bago ang mga ito makaalis.
"Uy best! Kumusta na? Nakaalala na ba siya?" tanong naman ni Jaica.
"Hindi ko alam, pero okay na sa 'kin na pinapansin niya na ako ngayon kahit papaano." Ngiti kong sabi kay Jaica.
Masaya ako buong maghapon, gagawin ko ang lahat maalala lang ako ulit ni Finley.
Tama! Hindi ako susuko, kung siya nga ay hindi sumuko sa 'kin kaya heto. Mahal ko na rin siya!
Ako naman ang gagawa nang paraan para muli ay maalala niyang ako pala ang mahal niya at hindi siya Bianca.
Kung gusto niya ay araw-araw ko pa siyang puntahan. Hindi ko alam, pero sana bago ako umuwi ay bumalik na sa maynila okay na siya at bumalik naman alaala niya.
Dahil kung hindi ay hindi ko alam kung Makakabalik ba ako dito agad, ako na kasi ang maghandle ng business namin kaya alam kong hindi ako agad makakaalis upang pumunta dito.
Kinagabihan habang kumakain kaming tatlo nina tita at Jaica ay nagtanong ito kung kumusta na si Finley, hindi pa nga pala alam na makalabas na ito.
"Kumusta na pala si Finley? Dinalaw niyo na ba siya ulit?" tanong ni tita.
"Hindi na po, nandito na nga sila kanina ni Red. Nakalabas na pala siya no'ng nakaraan lang," tugon ko naman.
"Mabuti naman kung gano'n. Kumusta naman? Bumalik na lamang alaala niya?" Umiling naman ako agad.
"Hindi pa po, eh. Pero ang sabi niya ay gusto niya na rin po na bumalik na agad sa dati," sabi ko naman.
"Sana nga! Ipagdarasal ko 'yan! Tanungin mo kung kailan siya babalik para ipagluto ko siya, o mas maganda siguro ikaw na ang magluto para sa kan'ya. Tiyak na matutuwa 'yon!"
Sumang-ayon naman ako sa sinabi ni tita. 'Oo nga no! Ipagluto nga siya.'
Kinaumagahan ay maaga pa akong nagising, dadalawin ko si Finley sa resort at ipagluluto ko siya. Caldereta at pinakbet dahil gustong-gusto niya 'yon!
Inaya ko si Jaica pero tumanggi ito. Mas maganda raw na ako lang at makapag-usap kami ni Finley kaya pumayag naman ako.
Nang makarating ako sa resort ay agad nagtungo sa receptionist upang ipaalam kay Finley na nandito ako.
"Hi," bati ko rito.
"Hello Ms. Shantal, good morning," ganting bati rin nito sa akin.
Agad naman akong pina akyat sa pad ni Finley kaya tumuloy naman ako agad. Ngunit nagtaka akong nakabukas na ang pinto nito, marahil ay binuksan niya na upang hindi na ako kumatok pa.
Hinanap ko naman na siya agad sumabalit hindi ko siya nakita sa sala niya. Saktong naka-awang naman ang pinto ng kuwarto nito kaya sinilip na ako kung nado'n nga ba siya.
Agad na namilog ang mata ko sa aking nasaksihan, si Bianca nasa loob at unti-unting hinuhubad ang saplot niya. Hindi ko naman nakita ang reaksiyon ni Finley dahil natatabunan niya ito.
Hindi ko na hinintay pa ang sumunod na pangyayari kung kaya't nagmadali na akong lumabas at umalis, basta ko na lamang inilapag ang mga dala kong pagkain para kan'ya at hindi ko na maalala kung saan ko ito iniwan
Ang sakit lang makita ko. Oo wala kaming relasiyon pero pinanghawakan ko ang sinabi niyang mahal niya ako.
At ngayon mahal ko na nga siya ay masakit para sa 'kin ang makitang may kasama siyang iba at sa gano'ng tagpo pa.
Hindi ko na nilingon pa ang receptionist, nagpatuloy na lang ako hanggang sa makalabas na sa resort. Do'n na nagsibagsakan ang mgaluha ko, parang pinipiga ang dibdib ko sa sakit.
'Buwisit siya! Pinapunta pa ako tapos 'yon lang pala ang Madadatnan ko.'
Pinahid ko ang luha ko at kinalma ang sarili.
Uuwi na lang ako, nagsisisi akong nagpinta pa dito tapos 'yong lang ang maaabutan ko.
Ang kapa ng mukha niya, dapat hindi na niya ako inimbitahan pumunta kahit na anong oras kung gayon si Bianca ay pumupunta rin pala sa pad niya.
Baka nga sinadya niya pa 'yon para iwasan ko na siya.
Ero bakit hindi niya na lang sabihin sa 'kin maiintidihan mo naman, eh! Hindi naman ako maghahabol kung umayaw na siya.
Sabihin niya lanf na tumigil aki at titigil ako.
'Wag lang 'Yonf ganito.