Gavin's Pov
Masaya ako dahil okay na kami ni Aliah. I know na nasaktan ko siya. At no'ng mga araw na iniwasan niya ako ay talagang nalungkot ako. Pero ang tanga ko no'ng pumayag ako na, patunayan niya raw sa'kin ang mararamdaman niya! Baka umasa lang siya lalo sakin kailangan ko siyang makausap.
Shit! ano ba 'yung nagawa ko, ayaw kung masaktan si Aliah. Kasalanan ko 'to! nasa kwarto ako nakahiga sa kama. naiisip ko napagbusapan namin ni Aliah kahapon. May girlfriend ka Gavin bakit binigyan mo ng pag-asa si Aliah? Bulong ng isip ko.
Si Trixie lang dapat ang iniisip ko, siya lang. I know, I loved her.
But there's a part of my heart that doesn't want to hurt Aliah. I'm happy when she's there, her smiles and her sweetness. "God anong gagawin ko?
I'm so sorry Aliah." 'yon lang ang tanging nasambit ko at hindi ko namalayang hinila na ako ng antok.
Speaking of my Girlfriend ilang message ko na ang hindi niya sinasagot. At kung tawagan ko man siya at laging busy, pag sinagot niya naman ay saglit lang ang pag-uusap namin dahil marami pa daw siyang dapat gawin. Alam ko may nagbago dahil hindi naman siya ganyan sakin.
"Trixie what's going on?" nasambit ko dahil hindi ako mapangali sa nangyayare sa relasyon namin.
Naghanda na ako dahil ngayon na ang illumination, at ang matitirang team ay ang makakapasok sa finals for championship. Winaglit ko muna si Trixie sa isip ko at nag fucos sa game namin mamaya.
"Good luck guys, this is it. Kapag nanalo tayo ngayon pasok na tayo sa finals." ang masayang sambit ni Jopay.
"I'm so excited! God, I hope maging champion tayo this year!" Bulalas ni Stacey at magkadikit mga palad tila nagdadasal.
"Hindi malabo yan if we do it great guys," ani ko sa kanila."kaya galingan niyo pa lalo mamaya, okay? Galingan pa nating lahat. MSU for the win."
"MSU for the win," sabay-sabay nilang bigkas. "Let's fight! Win! fight!" determinado kaming lahat na manalo ngayong illuminations. Woooohhhh! sigawan naming lahat.
"Magandang hapon sa lahat," pagbati muli ni Dean Olivearez sa'ming lahat. Ngayong araw ay malalaman na natin kung kaninong team ang makakapasok sa finals, at makakarating sa Championship. Are ready students?"
"Yeesss..." sagot naming lahat.
"Okay, hindi ko na patatagalin. Good luck everybody, this is your Dean Olivarez and let the games begin!"
Waaahhh! "Ang cool mo dean!" sigaw ni Stacey.
Mabilis na lumipas ang oras at natapos nadin kami mag perform.
"OMG. "I'm so, super excited best,'' biglang saad ni Stacey. "Sana makapasok tayo sa finals, road to championship na talaga!" aniya pa.
"Sure na ako jan, pasok na talaga tayo! Lahat tayo binigay ang 100% kanina no!" ani naman ni Jallessa habang magkakatabi kami nakaupo at naghihintay ng announcement.
"I agree, at happy ako para sa squad." sagot ko malaki ang tiwala ko sa squad na makakaasok kami.
"So saan tayo? Diba ngayon na ang laban nila Gavin. Hindi ba tayo manunuod?" Ani Jallessa nasapo ko naman ang aking nuo.
''s**t! Oo nga pala, Let's go billis baka mag start na." hinila ko na sila at tumakbo kami papuntang basketball court.
Buti nalang on time naman ang dating namin."Gosh! Lakas ng hiyawan akala mo finals na, ah.Tara best, lapitan muna natin sila. ko sa dalawa.
"Kuya, good luck.Galingan niyo ha!" binati ko si kuya at yumakap ako sa kanya.
"Princess, sorry hindi na kami nakanuod ng laban niyo. Mejo gahol na kami sa oras eh!" hindi na sila nakapanuod ay naiintidihan ko naman.
"Okay lang kuya, basta galingan mo, ha!" bilin ko sa kanya. "Of course! Kami pa ba?" determinatong ani niya.
"Oh!' Gavin saan ka galing?" tanong ni Stacey, kararating kasi nito.
"Ah! Wala, I just have a phone call." sagot niya kay Stacey.
"Gavin, good luck ha! Galingan mo, para maka pasok kayo sa finals." nilapitan ko ito at binati.
"Thank's Aliah, hindi na nga pala kami nakanuod ng cheerdance. Mejo busy na kasi. Bawi na lang kami nextime." aniya pa. bakit arang nhihimigan ko ng lungkot ang bases nito.
"Okay lang 'yon, kaya nga kami nandito dahil mag chi-cheer kami sa inyo eh!" pinasigla ko ang boses ko para hindi ackward.
"Team! Galingan niyo, ha! kayang-kaya niyo 'yan. Win! Fight! Cheer ko pa sa kanila.
"Ayon oh! Salamat Aliah, siguradong pasok na kami sa finals nito kasi nandyan ka eh!" sagot ni Tj na maganda ang pagkaka ngiti.
Mga bolero, sige dito na kami guys." aalis na sana kami ng biglang magsalita si Tj. "Wala bang group hug Jan?" Pahabol nito.
"Kamao ko gusto mo ma group hug?" Sagot ni Gavin at itinaas ang kamao, natawa naman ako sa mukha ni Tj.
Hahahah! nataw pa ito. "Joke lang tol." sinamaan 'to ng ringin ni Gavin.
"Don't mind them. Sige na, balik na kayo sa pwesto niyo." hindi ko alam ku g bakit ko na lang ginawa ito, ng nakatalikod na ako ay bigla ko siyang hinarap ulit at niyakap ko ito.
"Okay lang, at sana okay ka rin. Sige galingan mo, ha!" agkasabi ko no'n ay kumalas na ako sa pagkakayakap ko sa kanya at umalis ng hindi ko na siya nililingon pa. "Ang tanga mo Aliah, bakit mo siya niyakap?" sermon ko sa sarili.
Nag umpisa na ang laro ng 1st game. Mejo nag papakiramdaman pa ang parehong team. Mahigpit ang depensa nila kaya hindi pa gaanong maka puntos.
2nd Quarter na, bola ng kabilang team at lamang din sila ng 2 points. ang mga taga Hercor college university.
"Shock's! Pag na shoot 4 points na lamang nila satin. Ani Stacey na tila natatakot ang loka.
"Pansin ko nawawala 'yung fucos ni Gavin sa laro. Ano kayang problema niya, hindi naman siya ganyan last game ah!" Ani jallessa nahalata niya na rin ang kakaibang kinikilos ni Gavin.
"Wait" I guess," napatigil sa pa sasalita si Stacey na parang may inaalala. "What if, It's because of his phone call lately?" panghuhula ni Stacey, kahit ako isa rin 'yon sa iniisip ko.
"I think so." Sagot ni Jallessa.
"Hala! Tapos na ang 2nd half lamang ''yung kabila ng 6 points." ani Stacey
"Tiwala lang, may 3rd and 4th pa! Makakahabol sila." ani ko pa sa kanila."Puntahan ko lang sila kuya, sasama ba kayo?".tanong ko sa kanilang dalawa.
"Dito na lang kami Aliah," sagot naman ni Jallesa kaya nagpatuloy na ako. "Sige, wait lang ha!"
"Okay team, bumawi tayo sa next round. Nagsasalita 'yung couch nila habang papalapit ako.
"Suarez! Anong nangyayare sayo? Nawawala ka. Pwede ba isan tabi nyo muna kung ano man 'yang problema niyo. Ilang oras lang naman eh! Para sa Team at sa MSU guys, ipanalo natin to! Ayaw niyo ba makarating sa finals? Ayaw niyo bang maging champion?" ang mahang lintaya ni couch Samson at sunod-sunod na tanong sa kanila.
"I'm sorry couch! Babawi po, ako." sagot naman ni Gavin. Tinapik naman ni couch ang balikan niya bago sila iwan at bumalik na sa side court.
"Good! 5 minutes to go mag start na ang 3rd quarter. So be ready."
Agad ko silang nilapitan at may dala akung bottled water, ibibigay ko sa kanila.
"Kuya, Gavin. Water oh!" alok ko sa kanilang dalawa.
"Thank you Princess," pasalamat nito ng maibigay ko ang tubig. "Brow, may problema ba?" tanong agad ni kuya kay Gavin.
"Hah? Okay lang ako brow, don't worry. Babawi ako!"
Tinapik ni kuya ang balikat niya, "Sure Brow were team, okay? Ipapanalo natin to!" tumango naman sa kanya si Gavin. Nagpa-alam nama si kuya magtutungo saglit sa washroom kaya kaming dalawa na lang.
"Gavin kung ano man 'yang problema mo nandito lang kami, Ako!" ani ko sa kanya para gumaan naman ang mabigat niyang dinadala.
"Salamat Aliah, wala 'to." aniya. "Okay, just in case lang naman. Sige balik na ako do'n. Galingan mo na ulit, ha!" Nginitian ko siya ko siya at umalis na rin agad, nang makarating ako sa pwesto naman ay nag-aalala ako kay Gavin.
"Oh! Ano daw problema non?" tanong ni Jah' ng makalapit ako sa kanila ni Stacey.
"Ewan, hindi niya naman sinabi eh! babawi na lang daw siya."
Nag umpisa na ang 3rd quarter nasa MSU ang bola. Hawak ni Andrew, tagilid ang pwesto niyang maka puntos kaya pinasa niya kay mark. Pero dinouble team siya, dalawa ang dumipensa sa kanya kaya hindi niya rin maititira ang bola, naghanap siya ng mapapasahan. Agad naman nagtaas ng kamay si Gavin sumenyas na sa kanya ipasa ang bola na agad namang pinasa ni Mark ang bola rito. Tinira ni Gavin for 3 points, pasok!"
'Yon oh!" Sigaw ni Jallessa tuwang-tuwa kami dahil naka puntos na si Gavin.
Waahh! "Ang galing ni Gavin!" Sigaw din ni Stacey.
"He's Back, ganyan nga Gavin!" Sigaw ko rito, tumingin siya sa'kin at kumaway.
Waahh! "Nakita ko 'yon, Shetee nakaka kilig." tili ni Stacey, kahit kailan talaga ang bunganga nito eh!
Bola ng kabila, 2 points na lang ang lamang nila.Tumira si number 5, for 3 points pero sablay.
Nakuha ni Tj ang bola, agad na tumira ng 3 points pasok din.
"Ayiieeh! Nakakaloka ang galing nila best!" masayang ani ni Stacey.
MSU..
MSU..
MSU..
Sigawan ng karamihan, "OMG! kinakabahan ako Aliah!" kahit ako rin ay kinakabahan, sino bang hindi eh parehong magagaling ang team nila.
Bola ng MSU at hawak ni kuya Alexis, nagkaka gitgitan na. Dahil hirap ay pinasa ni kuya ang bola kay Andrew, na ipinasa rin kay Mark, tinira ang bola ngunit kapos. Nasa baba ng ring si Tj at nag rebound pagka kuha ng bola sabay dakdak sa ring. Pasok!
"Oh my god, did you see that mga best. TJ crush na kita!" Sigaw ni Stacey.
Hahahah! Halakhakan namin ni Jah'.
Hindi ko akalain na ganito ba sila kagaling, parang championship na! Ani Jallessa.
"Oo nga eh! Lumakas sila dahil gumanda ang laro ng Gavin, kaya mas ginanahan sila." ani ko naman. Natapos ang 3rd quarter lamang na sila ng 14 points sa scores na 69-83.
Agad namin silang sinalubong at inabutan ko sila ng towel at tubig. Masaya ring sumalubong si couch Samson.
"Good job team! Last quarter na kaya keep it up konti na lang pasok na tayo sa finals, ipanalo niyo lang 'to!"
"Yes couch," sagot nila.
Grabe ang gagaling niyo! TJ swabe 'yong pag dakdak mo kanina sa ring ha! Star ang datingan mo do'n.
Hahah! "Gan'on ba Aliah? naku maliit na Bagay."
"Ang kapal mo, tol. Chamba lang 'yon!" Pang-asar ni mark.
"Hoy mark, hindi chamba 'yon! Gusto mo ulitin ko pa mamaya eh!
Hahahah! "Asar talo, pikon!" ani naman ni Tj. "Humanda ka sa'kin mamaya kala mo ha!" banta ni Tj kay Mark, natawa naman ako. parang mga bata ang mga loko.
"Guy's' enough! biglang saway ni Stacey kanila. "Hey Mark, true naman na magaling si TJ ah! I'm a fan na nga eh!" nagka tingin naman kami ni Jallessa dahil nagpapantasya na naman ito.
Whoah! "Mukhang may nabubuong loveteam dito ah! Hahah, ayos 'yan." Ani Andrew.
"Okay lang, single naman ako Stacey, eh! ikaw?" tanong ni Tj kay Stacey.
"Me too." tengene ang rupok talaga ng babaita na 'to, grabe.
Ahm, By the way I'm Tristan JHave Barrera. TJ for short and you are?" pag uulit na tanong ni Tj rito, si Stacey naman parang timang natutulala pa. ay! naloko na.
Ahmn, "Im Stacey Halter." sambit sa pangalan niya.
Kakamayan sana ni TJ si Stacey ng biglang sumingit si Jallessa.
"Hep, Hep. Naisingit niyo pa talaga 'yan eh, no! Pwede mamaya na 'yan konti na lang 'yong oras oh!" sita ni Jallessa sa kanila agad namang nanguso si Stacey.
Naiiling na lang ako sa bangayan nila, nilapitan ko na sina kuya at Gavin.
"Nice game guys, ang galing niyo! Buti bumalik na ang laro mo, Gavin." ani ko sa kanila ng makalapit na ako.
"Oo nga eh! dahil 'yon sa pag cheer niyo sa'min, lalo kana." sagot naman ni Gavin bigla naman uminit ang pisngi ko sa sinabi niya.
Haha! "Dahil 'yon sa team work niyo no! Basta excited na kami, alam ko maipapanalo niyo 'yan. Sige balik na ulit ako sa pwesto namin.".paalam kung muli sa kanila. "Good luck again, kuya galingan mo!" binalingan ko si kuys.
"Ofcourse my princess, kayang-kaya namin 'yan!" Sabay kindat pa nito sa'kin.
"Sige na, balik nako. Bye!"
Mabilis lumipas ang oras parehong pagod, at hingal na ang dalawang team. Parehong determinado at gustong manalo upang makarating sa finals.
Hawak ng MSU ang bola. 105-108 lamang sila ng 3 points.
"God! Kinakabahan ako, best." 4 minutes na lang." Ani Stacey. Sa 4 minutes nayan ay marami pang mangyayari. Pag Nagkamali sila maaring lumamang pa ang kabilang team.
Nakay Mark ang bola pero pinasa kay kuya, tumira si Kuya pero finoul siya ng number 8. Kaya may 2 free thraw siya na nakapasok naman pareho.
Bola ng kabila, mabilis ang kilos ni number 5 at ipinasa Kay number 2. tumira ng tress pasok.
Waahh! Nakakaloka ang galing rin nila. tili ni Stacey.
Sshhh! Tumigil ka nga jan Stacey manuod ka na lang. Saway ni Jallessa
Bola nila ng MSU. Hawak ni Andrew ang bola, libre ang pwesto niya kaya itinira niya ang bola. Pero biglang umikot si number 8 na nakabantay kay TJ at tinapalan ang tuwa ni Andrew.
"Whaat the. Sigaw ng namin.
Naagaw nila ang bola. tumira ulit ng tress, pasok!.
Bola na ng MSU, Pinag pasa-pasahan nila ang bola hanggang si mark na ang tumira, pero hindi niya napansin si number 5 at naagaw nga nito ang bola.
Binigay kay number 2 at walang anu-anoy tumira ng tress. Parang nag slow mo ang paligid sa tira ni'yang yon, Pasok ulit.
Waahh! lamang na sila ng 1 point.
Naghiyawan na lalo ang mga nanunuod. Masyadong dikit ang laban nila. napaka gandang laban.
1 minute na lang at lamang ang kabilang team, Higpitan na talaga.
Bola ng MSU at si kuya ang may hawak. Wala siyang mapasahan dahil mahigpit ng mga bantay. kailangan niyang dumistansya para makatira nag driball at tumira si kuya fade away, pasok na naman.
"Yes!" Sabay suntok ko sa hangin.
Hawak ulit ng kabila, at lamang ulit sila kuya ng isa. Kailangan hindi nila maipasok ang bola para sure na hindi na sila makabawi 10 minutes left.
"s**t! Dinidelay nila ang bola best, hula ko ititira nila ng tress 'yan." Ani Jallessa
kaya lalo akung kinabahan dahil kunti na lang ang oras kailangan nilang lumamang sa Hercor univesity.
Kailangan nila maagaw ang bola, pero biglang tumira si number 5 ng tress.
Sablay, wala siya sa tamang position. Nagmamadali dahil siguro sa oras. At ayon napasobra nga ang pag tira niya! Agad na rebound si TJ.
"Yes! TJ you did it!" Sigaw ni Stacey.
"Gavin!" sigaw ni Tj para ipasa ang bola. Agad niya itong nasalo at tumira ng tress. Shoot!
Whoohhh!. Panalo na! Sigawan ng lahat, 15 seconds na lang ang natira pero hindi sumuko ang kabila pagka kuha ng bola agad na tumira ng tress ni number 8, hindi makapaniwala ang lahat dahil pasok. Talagang pinakita nila na hindi sila Susuko hanggang sa huli. Pero wala nang oras at lamang din ng 1 point ang MSU kaya panalo padin kami at pasok na talaga sa Finals.