Red
Patungo kami ngayon sa mansion upang ipaalam namin sa parents ko na magkaka-apo na sila.
Napansin ko naman tahimik lang si Jaica habang lulan na kami ng sasakyan kaya hinawakan ko ang kamay nito.
Ang lamig ng kamay ng kamay niya.
"Love, are you okay? Ang lamig ng kamay mo," ani ko. Ngumiwi naman siya at pilit na ngumiti.
"A-ah..med'yo kinakabahan kasi ako, Love. Paano kung okay sa kanilang buntis ako? Paano kung hindi pa nila talaga ako tanggap para sa 'yo?" kumunot naman ang noo ko sa mga sinabi niya.
"Stop over thingking, okay? Magugustuhan nila ang surprised natin sa kanila, kaya 'wag kang mag-alala Love. Baka makasama kay Baby." Hinawakan ko naman ang impis niya pa'ng tiyan at hinimas 'yon.
"Hello, Baby...comfort natin si Mommy para hindi na siya magworry." Kinabig ko naman siya palapit sa 'kin upang at hinalikan.
"Love, baka mabangga tayo. Okay lang talaga ako. Magdrive ka na nang maayos diyan at mamaya mo na ako halikan," saway niya.
Natawa ako dahil kahit gano'n ay ang prang niya pa rin. Hindi ko na binitiwan ang kamay niya nang at nagpatuloy na sa pagdrive at hindi nagtagal ay nakarating na nga kami ng mansion. Inalalayan ko naman na siyang bumaba ng kotse, napansin na kami nina mommy kaya ito na mismo ang lumabas upang salubong sa 'min ni Jaica.