Chapter 20

1034 Words
~Finley~ Pagbabalik pa lang na tita Janice ay nag-aabang na ang lahat at tahimik, pagpasok niya na ay saka sumigaw ang lahat. "Happy Birthday Janice!" Sabay paputok ng mga confetti. Napasinghap naman ang birthday celebrant sa gulat, hindi niya talaga inakalang may pagagnito sina Jaica at Shantal. "Happy Birthday, Nanay," bati ni Jaica kay tita Janice, humalik sa pisngi nito at yumakap. "Happy Birthday po, Tita Janice," bati rin naman ni Shantal bumeso rin ito. "Happy Birthday po, Tita," ako naman ang bumati. "Me too, Happy Birthday Tita," bati rin ni Red at nang iba pa. Hinila na siya ng dalawa papuntang mini stage na pinagawa nila. Hanggang ngayon speechless pa rin ito sa nadatnan niyang surprised. "Nanay akyat ka po do'n sa stage, para po talaga sa in'yo 'yan," sabi naman Jaica at sumunod naman si tita. "Salamat Anak, ang ganda." Inilibot nito ang paningin lahat ay nakangiti, maya-maya lang ay tumawag na ang kan'tang Happy Birthaday at lahat ay kumakanta na. Umakyat kaming dalawa na ni Red ang nag-akyat ng cake. "Blow your candle, Tita." Hinipan naman na nito ang kandila at sabay-sabay na nagpalakpakan ang lahat. "HAPPY 50th BIRTHDAY JANICE!" Lahat ay masayang bumati, ibang-iba sa nakagisnan kong mga parties. Dito ay makikita mo talagang masaya ang lahat ng magkakapit-bahay at nagtutulungan. Napaiyak na si tita Janice na galak, napakasaya niya talaga at nagyakapan silang dalawa ni Jaica, pinahiraan ang luha ng nanay niya. Kinuha naman ni Jaica ang Microphone at nag-salita. "Ahmmn… Hello everyone, once again. I would like to say thank you to all of you. For helping for this Birthday Party Surprise for my Nanay. Grabe kahit konting oras lang ay natapos natin dahil sa mga tulong nito po maraming salamat po talaga," ani pa ni Jaica. "Wala 'yon Jaica! Basta kailangan ng tulong, nandito ang lahat para sa isa't isa," sigaw naman no'ng isa. "Oo nga! Ang mahalaga ay masaya ang lahat. Hindi lang tayo basta magkakapit-bahay, pamilya tayo dito!" Nagpalakpakan na naman ang lahat. 'Yon ang hinahanga ko sa kanila dito, hindi iba ang trato nila sa bawat isa. Mababait talaga sila at napaka-matulungin. "For my Nanay, Happy 50th Birthday. I love you po! Alam mo 'yan kung gaano kita ka mahal, Nanay. Sana ay palagi mo kayong masaya, at malakas. Salamat sa pag-aalaga at pagpapalaki sa 'kin ng ganito ka ganda," sabi naman ni Jaica kaya nagtawanan ang lahat. "Luuuhh! Nanay oh! Pinag-tatawanan po nila ako," sumbong niya pa kunwari. "Maganda ka naman talaga, Anak. Walang duda dahil mana ka sa 'kin," tugon naman ni tita. Saka naman parang batang natuwa si Jaica. "Oh! Rinig niyo 'yon! Maganda raw ako Dahil mana ako kay, Nanay. A-angal pa ba kayo?" Sobrang kulit din talaga nito ni Jaica, kaya bagay na magkaibigan silang dalawa ng Sweetie ko. Nang sulyapan ko naman si Red sa tabi ko ay tila tuwang-tuwa pa ito na pinagmamasdan si Jaica. In love na talaga ang Loko! Si Shantal naman ay panay kuha ng pictures nilang mag-ina napaka supportive talaga ng Sweetie ko. Ayaw ko na talagang nawalay pa sa kan'ya kung puwede lang do'n ko na siya pauwiin sa resort ko para palagi na kaming magkasama ay ginawa ko na. Kapag sinagot niya talaga ako ay ako na ang pinaka-masaya, bahala maging OA pero tangina sisiguraduhin kong akin na talaga siya. Gagawin ko ang lahat, para lang hindi niya ako iwan. Simula nang makilala ko si Shantal hindi ko na inisip pa na maglagusto pa sa iba. Tanging siya na ang nakakuha ng buong atensyon ko na kahit maraming nagpapakita ng motibo sa 'king ay wala na akong pakialam. Dati kapag may babaeng alam kong may gusto sa 'kin ay sinusunggaban ko na agad at hindi matatapos ang araw na hindi ito bumibigay sa 'kin, pagkatapos no'n wala na. Parang wala nang nangyari, payag naman sila sa gano'ng set up. Ang impotyante ay nabigyan ko sila ng pansin, malaking bagay na raw sa kanila 'yon gano'n nila ako kagusto. "Okay ka lang ba?" Lumapit si Shantal sa 'kin kaya naputol ang pag-iisip ko. "Yeah, ikaw? Tapos ka na ba,sa ginagawa mo? Gusto mo ba'ng tulungan kita?" Umiling naman ito agad. "Ayos lang ako, pasensiya ka kung iniiwan kita saglit ha! Tinutulungan ko lang si Jaica," natuwa naman ako dahil inaalala niya pala ako. "No, its okay Sweetie. Kahit nandito lang ako ay hindi naman ako naiinip dahil nakasunod lang ang mga mata ko sa 'yo," tila nahiya naman siya at napayuko. Nahihiya na rin siya sa 'kin. Ibig sabihin ay may epakto na talaga ang mga sinasabi ko sa kan'ya. Sa wakas. "Sige na Sweetie, baka may gagawin ka pa. Dito lang ako hinhintayin kita." Ngumiti naman siya sa 'kin bago ako iwan. Ang mga ngiting 'yon kung saan ako nahumaling ng sobra. "Brow, mukhang gumaganda at nagkakalapit ns kaso ni Shantal, ah! Congrats," sabi ni Red na biglang sumulpot sa tabi ko. "Oo nga eh! Sana magtuloy-tuloy na." Tinapik naman nito ang balikat ko. "Kayo ni Jaica, kumusta? Mukhang nagkakamabutihan na rin kayong dalawa, ah," natawa naman ito. "You know what! She's amazing like Shantal. Talagang magkaibigan nga sila, alam mo ba 'yong pakiramdam na kahit pagod ka trabaho, kapag narinig mo na ang masayin niyang boses ay parang winawala nito ang pagod mo all day, may gano'ng hatak sa 'kin si Jaica." Napailing ako dahil timamaan nga ang kaibigan ko. At agree ako sa mga sinabi noya dahil gano'n din si Shantal sa 'kin. Kaya nga sa iang araw ay nakakailang tawag ako kapag hindi man ako makapunta dito sa kanila. Hindi buo ang araw ko kaag hindi ko makausap so Shantal. "Of course, gan'yan rin ako kay Shantal. kaya nga araw2-araw ko siyang tinatawagan kahit kakauwi ko lang ay gusto ko na naman siyang kausap, gusto ko na ngang iuwi eh!" Pareho naman kaming natawa. "Why don't you asked her? Malay mo pumayag?" "I already did Brow, at alam mo ba kung ano ang sinagot niya sa 'kin?" sabi ko pa kay Red na hinihintay rin ang sagot ko. "Ano?" "Sinamaan ako ng tingin." Humalakhak na kaming pareho ni Red. "Nai-imagine ko na nga kung ano ang mukha niya, Brow. Hanep!" Uminom na lang kami habang hinihintay ang dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD