~Shantal~
Araw ng linggo kaya itutuloy ko na ang sinasabi no'ng pupuntahan ko si Finley sa Resort.
Magkasama kaming nagtungo ni Jaica rito sa Resort niya at ewan ko ba, parang kinakabahan ako.
"Best! Palagay mo, ano kayang nangyari at hindi ka na niya kinakausap?" dinagdagan pa nito ang kaba ko lalo.
"Hindi ko talaga alam eh, bilisan na natin." Hinila ko na si Jaica.
Papasok namin sa hotel ay nagtanong agad ako ulit do'n sa receptionist kung nasa'n si Finley.
"Hi good morning, ako 'yong pumunta dito last week. Ahmn… puwede malaman kung nasaan si Finley?" tanong ko.
"Yes Ma'am, good morning! I'm sorry, pero wala po si Sir Finley dito," nagtaka naman kami ni Jaica.
"Huh? Eh, nasa'n siya?" muling tanong ko.
"May seminar po kasing dinaluhan si Sir, out of the country po 'yon!" Napatango naman ako sa nalaman ko, akala ko ay kung napano na siya.
"But something's happened with Sir Finley," aniya na kinagulat ko.
"What?! Bulalas ko.
"Wait Ms., 'wag mo na kaming bintibitin puwede ba?" Si Jaica na ang nagsalita, hinihintay ko ang susunod na sasabihin ng receptionist.
"Naka confined po si Sir Finley ngayon it because of Car accident 'yon lang po ang alam ko."
Halos hindi ako makagalaw sa mga nalaman ko ngayon.
'Finely!'
Napahawak ako sa dibdib ko, bumilis bigla ang t***k ng puso ko.
Nakaramdam ako nang takot, na baka malala ang lagay niya.
"Kailan pa siya na confined?"
"Ang alam ko po ay 5 days na siya sa Hospital," nang malaman namin 'yon ay agad kong tinawagan si Red.
Ako na mismo ang gumawa Dahil may number nga naman pala siyang nalaga sa cellphone ko.
Nag-ring ang number niya, mga ilang minuto ay sinagot rin ito sa wakas. "Hello?"
"Hello Red! Si Shantal 'to," ani ko at tila nagulat pa siya.
"O-oh hi S-shantal, napatawag ka?" tanong niya, pero parang dinig kong nauutal siya.
"Red, please…sabihin mo sa 'kin ang totoo. Anong nangyari kay Finley? Bakit siya naaksidente?" nag-aalala kong tanong kay Red.
"Shantal," sambit niya. Parang may gusto sabihin na ewan.
"Yeah! Actually kagising niya lang from 5 days in coma!" Napasinghap ako sa gulat.
Inigo sabihin pala ay malala siya.
"Oh My God! Kumusta na siya?"
"He's fine, out of danger. But–" naputol ang sasabihin niya.
"Brow! I want to see her, please gusto kong makita ang girlfriend ko!" dinig kong sabi ni Finley.
"Girlfriend?" mahinang sambit ko pero Narinig pa rin pala ni Red.
"A-ah… Shantal, kung gusto mong malaman.
Pumunta ka dito ngayon, ipapaliwag ko sa 'yo," mas lalo akong kinabahan.
'Anong paliwanag?'
Pagkasabi ni Red kung anong hospital at agad na kami nagtungo.
Mabuti at nandito lang siya sa Palawan.
"Hala best, buti na lang at nagpunta tayo! Kung hindi ay wala talaga tayong alam sa, nangyari sa kan'ya. Kawawa naman si, Finley," ani naman ni Jaica.
"Oo nga, eh! Ang sabi ni Red 5 days in coma at ngayon lang siya nagising.
Sana ay maayos na talaga siya."
Nang makarating kami sa ni Jaica sa Ospital ay agad namin ang name mo Finley sa information, pero hindi na natuloy dahil nando'n na rin pala si Red papunta na sa 'min.
"Shantal, let'go?" Aya niya sa 'min ni Jaica. Bigla niya naman hinalikan si Jaica sa noo at magkahawak-kamay sila.
Jaica naman ay nagtatampo sa kan'ya dahil hindi nga rin ito sinasagot sa mga tawag ang messages nito.
Pero, ayon! Konting lambing lang at binigay na agad.
Okay makulit sila, parang na-inggit naman ako.
"Nand'yan siya sa loob." Turo ni Red sa room kung nasa'n si Finley.
Nauna na niyang buksan ito. At nagulat akong makita si Finley, may mga halos at may mga pasa, ay may benda ang ulo niya.
Nagpalipat-lipat ang tingin nito sa aming tatlo.
Kakapit na sana ako sa kan'ya nang bigla siya nagsalita.
"Hanep brow! 'Wag mong sabihin na mag girlfriend ka na?" Natawa pa ako dahil nga magkahawak-kamay sina Jaica at Red.
"Congrats," bati niya.
"Finley, kumusta pakiramdam mo?" tanong ko sa kan'ya.
Hindi siya agad makasagot at tinitigan lang ako.
Saka siya bumaling kay Red.
"Dude, sino siya? Bakit kilala niya, ako?" Napakunot naman ang noo ko.
'Anong sino ako?'
Nagtataka ako bakit gano'n ang reaksiyon niya.
"Brow! Mga kaibigan natin sila. Ito si Jaica,
at the same time nililigawan ko," sabi niya kay Finley.
"At siya si Shantal, best friend ni Jaica. Oo, magkakilala kayo," saad pa ni Red.
"I'm sorry, but hindi ko sila kilala," sagot niya naman. Nagulat ako dahil do'n agad ko naman tiningnan si Red at walang ano-ano'y hinila niya kami palabas.
"Red, ano 'yon? Bakit hindi niya kami kilala? Ako?" Nakikitang tanong ko. Nasaktan ako dahil hindi niya ako makilala.
Bumuntong-hininga si Red. "I'm sorry Shantal, may Selected Amnesia si Finley, kaya Kami na matagal na niya kilala at naaalala niya.
Pero 'yong mga bago ay hindi," malungkot na sabi ni Red.
Tuluyan nang tumulo ang luha ko. At Naalala ko ang narinig ko kaninang may hinahanap siya, girlfriend nya.
"E-eh, s-sino ang hinahanap niya kaninang. G-girlfriends niya?" Nauutal kong tanong kay Red.
"It's Bianca," anito.
Oo, si Bianca. Siya nga pala ang Naging girlfriend ni Finley bago kami aksidenteng magkakilala sa mall.
Dahil sa pinagpanggap niya pa akong girlfriend niya upang tantanan lang siya nito.
"Hala! Grabe naman 'yan! Paano na ngayon si Shantal?" tanong ni Jaica.
"I'm sorry, hindi ko rin alam. Susuriin pa siya ng mga Doctors about sa Retrograde Amnesia."
Muli kaming bumalik sa loob, pinunasan ko na muna ang luha ko at kumalma na parang hindi ako galing sa pag-iyak.
Lumapit ako sa kan'ya. "A-ah Finley, ako nga pala si Shantal.
Magkakilala na tayo sa mall dati ay do'n sa resort na pagmamay-ari mo," saad ko sa kan'ya.
"Oh! Gano'n ba? I'm sorry, pero hindi talaga kita matandaan. But
nice to meet you, then." Inilahad niya ang kamay niya sa'kin at tinanggap ko naman.
"Me too, thank you!" Tipid lang siyang ngumiti sa 'kin.
At ang mga mata niya, wala na ang dating kinang no'n sa tuwing nakatitig sa 'kin.
Ang mga ngiti niya sa tuwing ako ang kasama niya kahit sinusungitan ko lang siya lagi.
Nakakalungkot dahil hindi niya ako maalala.
"Brow! Ano na? Bakit hindi pa dumadating si Bianca?
Namimiss ko na ang girlfriend ko!" Reklamo niyang muli kay Red.
Parang may sumaksak naman sa dibdib ko, sobrang sakit marinig ka hindi na ako ako ang hinahanap niya, ang bukambibig niya.
"Wait lang, pinasundo ko na nga kay Seth 'di ba?
Maya-maya lang nandito masiguro sila," hindi ko na hihintayin pang makita ko siyang Kasama si Bianca kaya magpapaalam na kaming umuwi.
"A-ah… Red, mauna na siguro kami. Kinumusta lang talaga namin si Finley," sabi ko na nagpipigil na umiyak.
Tumango naman si Red, naintindihan niya ako.
Nag-ala naman ako kay Finley.
"Ahmmn… Finley, mauna na kami ni Jaica ha?
Pagaling ka," paalam ko sa kan'ya.
Ngumiti naman siya sa 'kin. "Okay, thank's for visiting me guys. 'I'm sorry kung hindi ko kayo matandaan, ang sabi kasi kanina ng Doctor that I have an Amnesia at sana'y bumalik naman na agad." Tumango na lamang ako, ayaw ko nang magsalita dahil baka bumukas lang ang luha ko.
Akmang lalabas na kami ay siyang bukas naman ng pintuan, iniluha no'n si Seth at siya Bianca.
"Love!" Tumakbo pa itong lumapit kay Finley.
Do'n, nadurog ang puso ko. Ang makitang sinalubong niya nang yakap si Bianca na ako dapat 'yon!
Ako ang yakap niya no'ng huli kaming magkasama at ang sabi niya ay gusto niya ay yakapin lang ako nang mahigpit.
"Love, bakit ngayon ka lang? Kanina pa siya hinihintay. I miss you!" malambing niyang sabi kay Bianca.
Ang kasunod no'n ay hinalikan naman siya ni Bianca sa labi. Do'n na ako napaiyak, umiwas ako nang tingin.
Sobrang sakit, pero alam kong wala naman akong karapatan, hindi ko naman siya sinagot kaya wala akong karapatang tumutol.
"Red, Seth, uwi na kami. Nice to see you again Seth. Bye!" Ngiting paalam ko sa kanila.
"Wait! Hatid ko na kayo, Shantal." Nauna na akong lumabas kasunod si Jaica pati na rin pala si Seth ay lumabas.
"Nice to see you both, Jaica and Shantal. I'm sorry kung ganito ang nangyari kay Finley, but don't worry gagaling din 'yan agad at maaalala ka na niya ulit," pagpapagaan nang loob sa 'kin ni Seth.
"Thank you, Seth. Sige, uuuwi na muna kami ni Jaica."
"Sure! Akong bahala kay Finley." Kumaway na ako sa kan'ya at inihatid naman na kami ni Red.
'Bakit ngayon pa! Kung kailang alam ko nasa puso kong mahal na pala kita!
Sana'y hindi pa huli ang lahat Babawi ako sa 'yo, Finley.'
Nasa back sits ako at silang dalawa at nasa harap naman ni Jaica. Tahimik lang akong nakikinig sa kanilang dalawa.
"Jaica, puwede ba kitang yayaing lumabas mamaya?" tanong nito sa kaibigan ko.
"At bakit? Dahil sa ilang araw mong hindi ako pinansin, at babawi ka?" tugon naman ni Jaica.
"Ah… Yeah! But, gusto ko talaga! Gusto kitang makasama. I miss you," malambing nitong sabi sa isa.
'Hindi naman nakasagot si Jaica. Pustahan! Kinikilig 'yan.'
"Talaga? Baka napipilitan ka lang kasi nagi-guity ka," aniya pa.
"Of course! I was busy then 'yong nangyari pa kay Finn.
Kaya hindi ko sinasagot ang tawag at messages mo dahil baka nga hanapin niyo sa 'kin si Finley at hindi ko pa alam ang ang sasabihin ko.
I'm sorry na okay?" Ramdam ko naman ang sinabi ni Red.
"Hmmn... Sige na nga! Sorry din," tugon naman ni Jaica.
'Sabi na, eh! Marupok!'
Pero masaya ako sa kanilang dalawa ni Red.
Sana ay ganito na rin kami ngayon ni Finley.
Gagawin ko ang lahat maalala niya lang ako.