Nang magtapat si Ezeckiel sa kan'yang nararamdaman, nakaramdam ito na tila walang pagbabago kay Celestine. Mas lalo lang itong naging maldita sa kan'yang paningin pero titiisin niya na lang ito at baka magbago din ang kan'yang pakikitungo nito sa kan'ya. "Bakit ayaw mo pang kainin 'yan? Hindi ka pa ba nagugutom?" puna nito. Kasalukuyan silang nananghalian sa may kalapit na restaurant mula sa pagmamay-ari niyang building. "Ibalot mo na lang ito sa akin. Iuuwe ko ito para may kainin si Kael," seryosong saad nito. "What? Are you serious Celestine?" kunot-noong ani nito. "Mukha ba akong nagbibiro ha sir?" Tipid itong ngumiti. "Hindi ka nga nagbibro, okay. Naniniwala ako sayo pero ganito na lang okay. Kainin mo itong mga pagkain na nakalagay diyan sa plato mo and then, magtatake out tayo

