Lumipas ang tatlong araw, nakatanggap ng tawag si Ezeckiel mula sa kan'yang opisina. Patungo na siya doon para asikasuhin ang kan'yang mga trabaho. Aalis lang ito kapag wala si Eloisa sa kan'yang mansion upang hindi lang mag-away ang dalawa. Sumasakit na din ang kan'yang ulo dahil palagi siyang nasa gitna para awatin ang dalawa. Wala siyang magawa para palayasin si Eloisa dahil lamang sa bata. Napamahal na din siya sa batang iyon kahit papaano. Sobrang bait nito gaya ng anak ni Vicky. "Ah! Vicky or Celestine. Whatever!" naguguluhan na sabi nito sa kan'yang sarili dahil pinag-uusapan na nila ang tungkol sa nangyari noong nakaraan. Hawak na ngayon ni Gerald ang taong nakakita sa sasakyan ni Celestine noong nabalitaan nilang patay na ito. Maya't-maya ay darating na iyon kasama ang kaibigan n

