Kinabukasan, napaaga ang gising ni Ezeckiel. Naexcite itong makita si Vicky. Kasalukuyan itong nagbibihis nang matapos siyang maligo. Nagwisik nang maraming pabango sa kan'yang katawan at tiningnan niya muna ang kan'yang itsura sa salamin kung guwapo na ba ito. "What the heck! What's happening to me? Am I crazy?" kunot-noong tanong niya pa sa sariling salamin habang nakaharap siya doon. Suminghal pa ito bago niya iniwan ang salamin. Dali-dali ang pagbaba niya ng hagdanan. Nakasalubong niya pa ang kan'yang secretary. Maaga din pala itong nagigising kahit walang trabaho. "Sir saan ka pupunta?" Nagtatakang tanong nito nang magkasalubungan sila sa may pasilyo. "Why do you need to know where I'm going?" malamig nitong sagot. "Sir ang aga niyo po kasi nagising eh. May pupuntahan po ba k

