Nagulat ang lahat sa paninigaw ni Ezeckiel sa mga katulong dahil ni isa ay walang gustong umamin kung sino ang may kasalanan sa nangyari na halos mag echo na sa loob ng kan'yang mansion ang boses nito. Isa din sa natakot si Lili dahil may kasalanan din ito kaya nagdecide siyang tanggalin ang mga hindi kasali sa listahan. "Ikaw na ang bahala sa kanila Lili at ikaw na din ang bahala kung sino sa kanila ang matatanggal. Asikasuhin mo na din ang mga nasirang mga papel pagkatapos mo dito," bilin ni Ezeckiel. "Huh?! Ako ang gagawa lahat nang 'yon sir?" "Exactlly! kasalanan mo ang lahat ng ito right?" malamig niyang sabi kay Lili. Napangiwi na lang si Lili sa boss niyang masungit na akala mo eh may regla araw-araw. Umalis si Ezeckiel sa kan'yang mansion dahil unang araw pa lang niyang tum

