Chapter 3

1557 Words
Napaaga ang pag uwi ni Celestine sa Pilipinas. Excited na siyang makita at mayakap ang kaniyang asawang si Ezeckiel. Time check 8pm na ng makarating si Celestine sa Pilipinas. Dumiretso muna siya sa biniling condo noong nakaraang linggo lang. Samut saring tsismis ang kaniyang naririnig sa mga taong nakakasalubong niya. Hindi niya iyon maipagkakaila dahil asawa siya ni Ezeckiel Marcus na sikat sa buong bansa dahil sa numero uno siya sa multi billionaire sa larangan ng industriya. Nagtuloy tuloy lamang siya sa paglalakad at kahit may sombrero siyang pinangtatakip sa kaniyang mukha ay makikilala pa din siya ng mga tao. Hindi na niya pinansin pa ang mga paninirang puring sinasabi sa kaniya ng mga tao. Ipinahinga na lang niya sa malambot niyang kama ang pagod nitong katawan. Umaga na ng magising si Celestine. Hindi na niya nagawa pang kumain kagabi at hindi na din nakapagpalit ng kaniyang damit. Tinatamad pa siyang bumangon sa mga oras na ito kahit alas otso na ng umaga. Nataranta na lamang siya ng tumunog ang kaniyang cellphone. "Ahhh... storbo ka talaga Kiera!" inis na sambit ni Celestine. Dinampot ni Celestine ang kaniyang cellphone sa side table at agad na sinagot habang nakahiga pa siya sa kama. "Hello Kiera!" inis kong sabi sa kabilang linya. "Haller! galit ka na naman. Kamusta ka na diyan?" "Heto hindi okay dahil, pagdating ko pa lang dito sa Pilipinas parang hindi na ko tanggap ng mga tao dito eh. Kailan ka ba susunod dito?" Pupungas pungas ako ng dalawa kong mata habang kausap ko si Kiera. "Hindi ko alam friend, baka next month pa ko. Alam mo naman na ang dami mong iniwang mga trabaho rito." Oo nga pala sobrang dami kong iniwang trabaho doon sa Amerika para lang makauwe agad ako rito. "Salamat Kiera ha, napakabuti mong kaibigan." Malungkot kong sabi. Tumulo muli ang luha ko dahil may kaibigan pa akong kagaya ni Kiera. Matapos naming mag usap ni Kiera ay nag order na ko ng makakain sa restaurant at dito na lang ako sa condo kakain. Inayos ko muna ang aking sarili para maya't-maya ay aalis na ko para puntahan ko ang aking asawa na hanggang ngayon ay hindi ko pa siya nakausap. Nang matapos na ko maligo at nakapagbihis na din ako ng simpleng dress na hanggang tuhod ang haba. Sakto namang may nag doorbell at tinungo ang pintuan para buksan iyon. Bumungad sa akin ang isang delivery man na dala dala ang pagkaing inorder ko pa. Maayos niya itong inabot sa akin at nginitian ko siya pagkaabot ko ng bayad. Ngumiti ito sa akin pagkabilang niya ang pera. "Mam sobra sobra po itong ibinayad niyo po," magalang nitong sabi. "Para sayo ang iba riyan," sabi ko na may ngiti sa labi. "Mam salamat po, hulog po kayo ng langit," maluha luha nitong sabi. "Kailangan ko talaga ng pera ngayon, salamat po talaga Mam," pag uulit nitong sabi. Nagbow pa ito bago umalis. Napailing na lang ako ng ulo at napangiti dahil sa nakatulong ako ngayong araw. Konting halaga lamang ang naiabot ko sa kan'ya pero sobrang laki na ng pasasalamat nito sa akin. Inumpisahan ko ng kumain, natakam ako sa mga pagkaing nakahain sa aking mesa. Makakaya ko itong ubusin dahil kagabi pa ako hindi kumakain. Nang maubos ko na lahat ng mga pagkain ay ipinahinga ko muna ang busog kong tiyan. Inabala ko ang pagtitipa ng cp at binuksan ang f*******: ko. Naihulog ko bigla ang ang aking cp ng makita ko ang mga larawan nila Eloisa at ang aking asawa. Bahadyang tumulo ang aking luha kasabay nun ang pagkuyom ng dalawa kong kamao. Halos magusot na ang laylayan ng aking suot na dress sa sobrang selos ng aking nadarama. Halo halong emosyon ang nadarama ko ngayon. Gusto kong magwala, gusto kong umiyak ng umiyak. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko kapag makita ko sila na sobrang sweet nila sa personal. Ito ba ang kapalit Ezeckiel, ang palitan ako agad. Bakit ang bilis mong bumigay, bakit hindi ka nagtiwala sa akin? Bakit siya pa, bakit ang pinsan ko pa? Naghihinagpis ako sa iyak ng makita ko pa lang ang kanilang larawan ay parang ayaw ko ng ituloy na makita pa ang aking asawa. Ngunit kailangan kong labanan ang sakit na nadarama ko ngayon. Hinupa ko muna ang sakit dito sa puso ko. Halos malupisay ako sa sahig habang nakaupo sa ibabang kama na halos guso't gusot na ang aking higaan sa sobrang pag iyak. Tulala ako sa kawalan habang nakaupo lang sa sahig. Tumulo muli ang luha ko. Ayaw na paawat at tuloy lang ito sa pagpatak hanggang sa mabasa na ng tuluyan ang aking leeg. Hindi ko alam kung itutuloy ko pa ang pakikipagkita ko sa asawa ko ngayon. Wala sa huwisyo ng tumayo ako at pinahid ang basang basa kong mukha. Kailangan kong makausap agad ang aking asawa dahil hindi ko kayang mawala siya sa akin. Akin ka lang Ezeckiel.... Akin ka lang mahal ko. Gagawin ko ang lahat maibalik ko lang tiwala mo sa akin. Nang mahimasmasan na ko at minabuting inayos muna ang aking sarili. Minadali kong tinunton ang labasan ng condo unit ko at nakahinga ako ng maluwag dahil walang gaanong nakapansin sa akin. Agad akong sumakay sa aking sasakyan at inistart na ang makina ng sasakyan. Puno ng kaba habang binabaybay ko papuntang kompanya ng aking asawa. Mabilis ang aking pagapatakbo upang makarating agad doon. Lumipas ang isang oras ay narating ko din ito. Pinapasok ako ng guwardiya ng makilala niya ko at ipinark ko ang sasakyan sa katabi ng sasakyan ng asawa ko. Mabigat ang mga paa ko ng bumaba ako sa aking sasakyan. Habang papalapit ng papalapit ako sa mismong building ay kusang huminto ang dalawa kong paa. Pero pilit ko na lang inihakbang ito para matapos na ang paghihinagpis ko sa mahal kong asawa. Masamang paninitig ang sumalubong sa akin ng makapasok ako. Panay din ang bulung bulungan sa paligid ko ngunit hindi ako nagpa apekto. Inayos ko suot kong balabal sa ulo at pati na din ang aking shades para matakpan ang aking sarili. Wala akong dapat ikahiya dahil wala naman akong ginagawang masama. Kinakabahan ako ng huminto na ang elevator sa mismong opisina ng aking asawa. Tuluyan na kong lumabas at tinunton ang opisina. Sinalubong ako ng kan'yang secretary at tila nagulat ito ng makilala niya ko. "Mam Celestine," gulat nitong sabi. "A-ano pong ginagawa niyo dito?" Pautal nitong tanong. "Narito ako para kausapin ang aking asawa. Narito ba siya?" Malumanay kong tanong. "Ahmm... opo Mam nariyan po siya sa loob kaso may kinakausap pa po siya Mam," magalang nitong sabi. "Okay mag aantay ako rito." "Po...." Ngumiti ako at tinungo ang waiting area. Umupo ako ng maayos at sumunod din yung secretary. "Mam tawagan ko na lang po siya para hindi kayo nag aantay dito ng matagal." "No! don't do that. I want to surprise him." Tipid akong ngumiti sa kan'ya. "Sige po Mam," sabay bow nito sa akin at umalis na ito sa harapan ko. Ipinagpatuloy niyang muli ang ginagawa niya kanina at nakatalikod na ito sa akin. Sinamantala ko ang pagkakataon habang busy ito. Dahan dahan kong inihakbang ang dalawa kong paa at dahan dahan kong binuksan ang pintuan ng opisina ng aking asawa. Pumasok ako pero walang tao kaya iginala ko ang paningin ko at tila nasaktan ako ng hindi ko na makita ang marriage picture namin na nakasabit sa may wall. Wala na din ang litrato naming dalawa na nakalagay sa may office table niya. Anong nangyari dito?! Anang ng isip ko. Nakita ko ang pulang bag dito sa may couch at hindi lalaki ang kausap niya kundi babae. Dumagundong sa kaba ang aking dibdib. Ayaw ko sanang isipin na may kababalaghang nangyayari sa loob ng kuwarto dito sa opisina. Inihakbang ko ang dalawa kong paa patungo sa silid ng aking asawa. Hindi ko alam kung iyon pa din ang password na nakarehistro dito. Sinubukan kong pindutin ang petsa ng aming kasal at salamat na lang ay sumangayon ang aking hiling na mabuksan ko iyon. Agad kong binuksan ang pintuan at wala ng paligoy ligoy pa. Nabato ako sa kinatatayuan ko ng makita kong gumigiling giling sa ibabaw si Eloisa. Ilang beses akong umiling dahil hindi ako makapaniwalang ito ang madadatnan ko sa opisina ng aking asawa. Hindi nila namalayan ang aking pagdating. Muli na namang umagos ang aking luha ng makita kung sarap na sarap ang aking asawa habang pinapaligaya nila ang isa't-isa. Nakaramdam ang dalawa ng humagulhol na ko sa pag iyak kaya napabangon agad ang aking asawa. Galit na galit ang aking asawa at hindi ko na maintindihan pa ang mga sinasabi niya. Lumapit ito sa akin na may tuwalyang nakatakip na sa kan'yang bewang. Hinawakan ako sa aking braso at hindi ko maramdaman ang sakit sa higpit nitong pagkakahawak sa aking braso. Dahil may mas sasakit pa rito sa nararamdaman ko ngayon. "What are you doing here Celestine? Hindi ka na sana pa nagpakita pa sa akin dahil ayaw na kitang makita pa, nandidiri ako sayo," madiing sabi nito. Saka niya ko malakas na tinulak kaya bumagsak ako sa may upuan at tumama ang ulo ko doon. Nakaramdam ako ng hilo at tuluyan ng pumikit ang talukap ng aking mga mata. Hindi ko na alam ang sumunod na pangyayari at pakiramdam ko ay may dugong umagos sa aking ulo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD