Chapter 4

1609 Words
Mabigat ang talukap ng aking mga mata ng imulat ko ito. Gusto kong igala ang paningin ko sa paligid ngunit ayaw 'tong sumunod sa nais ko. Sa iisang direksyon lang ako nakatingin. Kulay puti ang nakikita ko at medyo malabo na din pagkakita ko doon. Isang boses babae ang aking narinig ng magsalita ito. "Hello darling, how are you?" Matinis nitong boses. Hinawakan nito ang aking baba at mariing pinisil niya iyon. Masakit kaya napaluha ako sa paggawa niyang pagpisil sa aking baba. Naningkit ang dalawa kong mata nang maaninag ko ang mukha niya. "Walang hiya ka Eloisa, pagbabayaran mong lahat ng ginawa mo sa akin," galit kong sabi. Humalakhak ito ng nakakatulig sa tenga nang mabitawan ang aking baba. "You looser," duro nito sa akin. "Sa akin ang huling halakhak Celestine. Kawawa ka naman at hindi mo man lang naangkin ang katawan ng asawa mo. Anong pakiramdam ng talunan, ha Celestine? Alam mo namang na gustong gusto ko talaga ang asawa mo. Ahm.... Correction, hindi mo na pala siya asawa dahil malabo ng babalikan ka pa niya. Akin lang si Ezeckiel akin lang siya," pag uulit nito. Napabangon ako agad sa kama para sampalin siya ngunit hindi ko magawa dahil masakit ang ulo ko. Nahihilo ako gawa ng pagkakauntog ko sa mesa. Napahawak ako sa aking ulo at kumikirot iyon ng sobra. Naupo ako sa gilid ng kama upang maiwasan ang pagkatumba. Mahigpit kong hinawakan ang puting kumot dala ng pagkainis ko kay Eloisa. "By the way uuwe na ko. May sweetheart calling me," maarte nitong sabi. Bahagyang lumapit siya sa akin at sinamaan ko siya ng tingin. "Huwag ka ng umasa na babalikan ka pa niya Celestine dahil balak ka na niyang hiwalayan." Tumalikod na ito kasabay 'yon ang pagpasok ng sekretarya ng aking asawa. May mga dala itong gamit at paper bags. "Mam, kumain na po muna kayo. Heto po, dinalhan ko na din po kayo ng gamit niyo." "Salamat pero kailangan ko ng umuwe ngayon." "Pero magagalit po si Sir sa akin Mam." Natuwa ako sa narinig dahil may natitira pang awa sa akin si Ezeckiel. Nalungkot akong muli nang maalala ko ang sinabi ni Eloisa sa akin kanina dahil balak na niya kong hiwalayan. May konting patak ng luha sa aking mga mata dahil sa sakit na nadarama. Nagawa na niya kong saktan at tila nawala na nga ang pagmamahal niya sa akin. Kailangan ko siyang makita ulit at makausap para ayusin ang problemang ginawa sa akin ni Eloisa. Pero paano ko gagawin 'yon kung nariyan palaging nakabantay si Eloisa. Tumayo ako at kinuha ang aking bag sa may side table. Pinigilan ako ni Nancy sa pag alis ngunit diretso lang akong lumabas ng silid. Dahan dahan ang aking paglakad kahit masakit pa ang ulo ko. Habang naglalakad ako ay tulala ako sa kawalan. Pinoproseso pa ng utak ko ang mga salitang lumabas sa bunganga ni Eloisa. Hindi ako papayag na ganun na lang matatapos ang lahat sa amin ni Ezeckiel. Mahal ko siya kaya gagawin ko ang lahat para lang bumalik ang tiwala niya sa akin. Hapon na at hindi ko masasabing maabutan ko pa ang aking asawa sa kan'yang kompanyang pinagtatrabahuan. Mabagal ang taxi na pinagsakyan ko kaya malabong makakarating ako agad. "Manong wala na bang mas ibibilis pa dito sa patakbo ng sasakyan niyo," inip kong sabi. "Sensya na Mam, mukhang masisiraan pa ata tayo dito sa daan," sagot nito. Bakit ngayon pa, sumabay pa ito sa kamalasan ng buhay ko. "Sige ho manong, pakitabi na lang po riyan at mag aabang na lang ako ng ibang masasakyan." Iginilid nito ang kan'yang sasakyan sa kalsada. Nag abot muna ako ng bayad saka bumaba ng taxi. Hindi ko alam kung anong oras pa ako makakasakay lalo na't walang masyadong dumadaan na taxi. Kalahating oras na ay wala pang dumadaan kaya naupo muna ako sa may waiting area. Dinampot ko ang cp ko sa loob ng bag saka tinawagan si Mommy ngunit ring lang ito ng ring. Napanguso na lang ako ng labi dahil ngayon lang ito nangyari na hindi niya sinasagot agad ang tawag ko. Mag iisang oras na ay wala pa ding dumadaan na taxi nang may humintong sasakyan sa tapat ko. Black tinted ang salamin ng bintana kaya hindi ko makita kung sino ang sakay nito. Bumaba ang sakay nito at iniluwa si Limuel nang makalabas na ito ng kan'yang sasakyan. Kapatid ni Ezeckiel si Limuel sa ama kaya naman mag kasalungat ang kanilang mga ugali. "What are you doing in this place?" Bungad niyang tanong. "What happened to your head?" Alalang tanong nito. "Ahm.... nauntog ako kaya heto nagkasugat sa ulo," pagsisinungaling ko sa kan'ya. "Hindi ako naniniwala sayo, and I think si kuya ang may kagagawan niyan sayo." Umiling ako bilang hindi pag sang-ayon. "Don't lie Celestine, l know you. Saan ba ang punta mo? Sumabay ka na sa akin dahil mahirap na mag abang ng sasakyan ngayon," pag aya nito sa akin. "Hindi ka ba galit sa akin," diretsahan kong tanong sa kan'ya at tuluyan na kaming sumakay sa kan'yang sasakyan. "Nope, at kung iniisip mo naman ang nangyari sayo sa states. Napakababaw ng dahilan para hindi ka paniwalaan ni kuya. Ikaw ang kan'yang asawa na dapat ikaw ang pinaniniwalaan niya at hindi si Eloisa." Gumaan ang pakiramdam ko sa mga sinabi ni Limuel. "Salamat sa pagtitiwala sa akin. Akala ko lahat ng tao ay galit na sa akin at wala ng gustong lumapit at gustong kumausap sa akin. Pero salamat at nariyan ka. "Dont worry, tutulungan kitang makalapit sa kuya ko at para maayos na ninyong dalawa ang mga problemang ginawa sa inyo ni Eloisa." Tipid akong ngumiti sa kan'ya bilang pasasalamat. Hindi na kami nagpunta sa kompanya ng aking asawa at dumiretso kami sa mansion kung saan naroon ang mga magulang ni Ezeckiel. "Kinakabahan ako Limuel parang ayaw ko ng tumuloy. Natatakot ako at baka___." Hindi ko na naituloy ang sasabihin ng tapikin niya ko sa balikat. "Im here Celestine, bubugbugin ko silang lahat," sabay ngiti nito sa akin. "Nakuha mo pang magbiro diyan, baka kabilaan ang abutin kong sampal kay Mom," sabay yuko ng aking ulo. "Think positive Celestine. Nandito naman ako. Right? Huwag mong hayaan na makuha na lang basta ni Eloisa si kuya. Lets go inside, com'on." Pag aya nito sa akin. Sabay na kaming lumabas ng sasakyan at sabay na ding naglakad papuntang mansion. Mabagal ang aking paghakbang at tila ayaw ng tumuloy nang nasa may tapat na kami ng pintuan. Huminto ako para kumuha ng lakas ng loob. Hinawakan niya ko sa kamay at hinila. Wala na kong nagawa kundi ang magpatangay sa kan'ya papasok sa loob ng mansion. "Oh look who's here?" Bungad na tanong ni Eloisa. Narito din sila Mom at Dad nakaupo sa may mahabang sofa. "What are you doing son at bakit mo siya isinama rito?" Halatang galit sa kan'yang boses. Hindi ako makatingin ng diretso kina Mom at Dad. Pakiramdam ko ay hindi ako welcome sa pamamahay na 'to. "Mom hindi mo na dapat itanong yan. Asawa pa din siya ni kuya. Kung meron mang dapat sisihin sa nangyari kay Celestine, bakit hindi niyo muna siya pakinggan sa paliwanag niya. Narito siya ngayon para kay kuya," diretsong sabi ni Limuel. "No Limuel, tapos na sila ng kuya Ezeckiel mo. Ayaw ko ng pahabain pa ang pagsasama ng dalawa. Nakapag desisyon na kami ng parents ni Celestine na kailangan ng maputol ang ugnayan ng dalawa." Napailing ako ng ulo sa mga naririnig ko. Bakit sila ang kailangang magdesisyon imbes na kaming dalawa ni Ezeckiel ang mag usap sa bagay na 'yan. Dahan dahan ang paglapit ko kay Mom at Dad. Nangangatog na din ang dalawa kong tuhod nang makalapit na ko sa kanila. Alam kong sa akin nakatuon ang mga paningin ng taong naririto. "Mom, Dad....." Nahinto ako sa pagsasalita ng tumingin sa akin si Dad. Tumayo siya at nasampal niya ang kaliwa kong pisngi. Malakas ang pagsampal nito sa akin na halos tumabingi ang mukha ko sa lakas ng pagdapo ng kan'yang palad. Muntik na akong matumba kung hindi maagap si Limuel na saluhin ako na muntikan ng matumba. "Sir stop!" madiin nitong sabi kay Dad. "Hindi niyo na siya dapat saktan kung hindi siya welcome dito." "What's going on here?" Tanong ni Ezeckiel na bagong dating lang. Nakita niya kung paano ako alalayan ni Limuel dahil hawak niya ko. "Please Limuel, huwag ka ng mangialam dito. Bitawan mo ang babaeng yan, nakakadiri siya." Sabat ni Eloisa. "Sayo na din galing yan Eloisa na hindi ka na dapat nangialam pa sa kanila. So are you happy now dahil nagawa mo na silang siraan," galit niyang sabi kay Eloisa na ikinalaki ng kan'yang dalawang mata para mainis ito. Tahimik lang si Mom na nakikinig at nanonood. Alam kong may natitira pang awa ito sa akin dahil ramdam 'yon ng aking puso. "Get out Celestine, ayaw na kitang makita pa rito," malamig na sabi ni Ezeckiel. "No Ezeckiel don't do this to me. I want to talk to you. Magpapaliwanag ako sayo, please. Wala akong kasalanan sa nangyari. Si Eloisa ang may kagagawanan ng lahat ng ito. Sinet up niya lang ako______" "Celestine stop!" Madiin nitong sabi. Naputol ang aking sasabihin ng biglang sumingit si Eloisa. "Bakit Eloisa ayaw mo bang marinig ng lahat na naroon ka din sa America noong time na may kasiyahan sa bar na ikaw din ang naglagay ng pampatulog sa aking inuming alak." "Anak itigil mo na ito, wala ng maniniwala sayo dahil narito si Eloisa sa mga araw na sinasabi mong naroon siya," paliwanag ni Mom. Umiling ako ng umiling dahil pati si Mom ay hindi na din naniniwala sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD