Mahigpit akong hinawakan ni Ezeckiel sa aking braso at pilit na inilayo kay Limuel kaya ako nabitawan.
"Nasasaktan ako Ezeckiel," daing ko. Tatayo na sana si Mom ngunit hinawakan lang siya ni Dad. Hindi ko alam kung bakit nagagawa nila akong tiisin kahit nakikita na nilang nasasaktan na ko. Iniisip ko tuloy na hindi nila ako tunay na anak at mas gusto pa nila si Eloisa kaysa sa akin.
"Hindi mo alam Celestine na may mas isasakit pa dito sa ginawa mo at heto ka ngayon, nagmamalinis ka na parang wala kang ginawa. Ang kapal naman ng mukha mo na magpakita ka pa rito. Get out of here. Huwag ka ng babalik dito," galit nitong sabi kasabay nun ang pagtulak sa akin ng malakas, mabuti at nabalanse ko pa ang aking katawan kung hindi ako agad nakahawak sa sofa na maaring maging sanhi ng pagkatumba sa sahig.
"Kuya naririnig mo ba yang sinasabi mo?" Pagsingit ni Limuel. "Napakinggan mo na ba ang mga paliwanag niya? Why don't you try to listen first at mas inuna mo pa ang magalit. In the first place, matagal ka ng gustong agawin ni Eloisa kay Celestine. Buksan mo ang isip at damdamin mo, hindi yung puro na lang kay Eloisa ka nakabase."
Kunot noong hinarap ni Ezeckiel si Limuel. "And who are you Limuel para pangunahan ako sa mga gusto kong gawin," suminghal ito. "And you Celestine, ang galing mong mang akit at pati kapatid ko ay naakit mo na rin," kasabay 'yon ang malakas na pag suntok na dumapo sa kan'yang panga mula kay Limuel kaya pumutok ang labi ni Ezeckiel. May konting dugo na pumatak doon sa natamo nitong sugat.
Nagulat ang lahat sa pagsuntok ni Limuel sa kan'yang kuya. Naalarma ang Mommy ng dalawa kaya lumapit ito kay Limuel. Hinawakan niya ito sa kan'yang braso.
"Magsitigil na kayong dalawa Ezeckiel, Limuel. Dapat hindi kayo nag aaway dahil lang kay Celestine. At ikaw Celestine ang kapal ng mukha mong pumunta pa rito. Get out of here, now!" utos ng Mommy nila Ezeckiel at Limuel.
Napayuko ako dahil sa kahihiyan kong ginawa sa kanilang pamilya. "Im sorry Ezeckiel," mahina kong sabi sabay tulo ng luha ko sa aking dalawang mata. Iyon lamang ang tangi kong sinalita kundi ang humingi ng tawad.
Nanggagalaiti sa galit ang mga taong narito at sa sama ng aking loob ay hindi ko na kinaya pa na marinig ang mga paratang na binabato sa akin ng mga taong narito kaya tumakbo akong palabas ng mansion ngunit nakasunod sa akin si Limuel. Tinawag pa siya ng Mommy ni Limuel pero hindi ito nakinig.
"Celestine!" Sigaw na tawag ni Limuel ng papalabas na ko ng gate pero diretso lang ako sa pagtakbo hanggat hindi ako nakararamdam ng pagod ay hindi ako hihinto.
Basang basa na ang buong mukha ko gawa ng pag iyak at wala ng tigil sa pagpatak ng aking luha sa mga mata.
Madilim na ang paligid at mangilan ngilan na lang ang taong naglalakad sa gilid ng kalsada. Tulala ako sa kawalan habang sinasaisip ang mga naganap kanina.
Mahal kita Ezeckiel! Iyon ang palaging sigaw ng aking utak. Nasa kawalan ang isip ko habang mag isang naglalakad sa kalsada. Dinig na dinig ko din ang pagtunog ng aking cp ngunit hindi ko na ito binigyang pansin.
Binalikan ko na lang ang naiwan kong sasakyan sa EMM Corp. na pagmamay-ari ng aking asawa.
Kalahating oras na ay narating ko na din ito. Agad kong nakita ang nakapark na sasakyan ko at sumakay na ko. Hindi ako uuwe sa condo kundi pupuntahan ko ang aking kaibigan na si Merylle.
..........
Kinabukasan, tinatamad akong bumangon at nakahilata pa din kahit alas otso na. Hindi na ko nagawang gisingin ni Merylle dahil abala na ito sa mga costumer niya sa parlor. Gaya ng sabi niya, feel at home ako dito. Gagawin ko kung ano ang gusto ko kahit magmukmok pa ako maghapon ay wala siyang pakialam dahil buhay ko ito.
Ring!
Isang tawag mula kay Merylle at dinampot ko ang cp ko ng makita kong siya ang tumatawag. Ngunit agad niya din itong pinatay ang tawag. Inis kong binalik ang cp sa side table at muli na naman itong tumunog ngunit isang mensahe lamang iyon. Binasa ko ang naglalaman ng mensahe.
Kainis ka talaga Merylle, ito lang pala ang sasabihin mo inistorbo mo pa ko, inis kong sabi sa kawalan.
Bumangon ako para ayusin ang aking sarili ngunit wala na kong ganang mag ayos dahil kahit ayusin ko man ang sarili ko ay hindi na mababago ang pagtingin ng mga taong mapanghusga.
Matamlay akong lumabas ng silid. Wala na din sa ayos ang aking buhok. Halos mapabayaan ko na ang aking sarili at hindi magawang magsalamin na kahit sarili ko pa mismo ay ayaw kong makita ang mukha kong punong puno ng kalungkutan. Hindi ko na din magawang sumagot sa mga mensahe ni Limuel na mula pa kagabi ay naghihintay ito ng sagot kung nasaan ako ngayon. Siya lang yung taong nag aalala sa akin pero ang mga magulang ko ay halatang itinakwil na nila ako.
Hindi ko na namalayan na kanina pa ako kinakausap ni tita ang Mama ni Merylle. Kahit ang taong nasa paligid ko ay hindi ko na magawang pansinin dahil punong puno na ang utak ko sa sobrang pag iisip.
"Celestine kumain ka na iha," pag aya niya sa akin ng makasalubong ko ito sa may salas. Malungkot ang mukha ko ng tuminingin sa kan'ya. "Halika na at gagabayan kita papuntang kusina." Hinawakan ako sa aking braso upang gabayan sa paglalakad papuntang dining area.
Pinaupo ako sa upuan at inasikaso ako. Nakita kong masarap ang mga pagkaing nakahain sa mesa ngunit ayaw ng kamay ko na kumilos.
"Iha kumain ka na, alam kong kagabi ka pa hindi kumakain. Gusto mo subuan kita?" Kasabay 'yon ng pag iling ko.
"Ako na po ang gagawa nito tita," matamlay kong sabi.
"Oh siya pagkatapos mo rito pumunta ka sa parlor at may ibibigay daw sayo si Merylle."
"Ano daw po 'yon tita? Maari ko na po bang malaman ngayon?"
Umiling ito, "secret daw iha, basta ubusin mo daw lahat ng yan at kung hindi," huminto ito sa pagsasalita.
"At kung hindi, ano pong karugtong 'yon tita?" Kunot noo kong tanong.
"Hindi siya magbibigay ng pambayad ng mga bills dito sa bahay," pag aamin nito.
Suminghal ako dahil sa kalokohan ni Merylle sa Mama niya at naniwala naman agad si tita.
Handa na kong umalis ng bahay para puntahan si Merrylle sa kan'yang parlor shop. Tinawag pa ko ni tita para kuhanin ang binalot na tirang pagkain ko kanina. Kinuha ko na lang ito para hindi masayang.
Isang straight cut jeans ang suot kong maong at isang black hanging shirt. Nakalugay din ang aking buhok na hindi pa gaanong nasusuklayan. Hinahayaan ko na lang na ganito hanggang sa matuyo ito.
15 minutes ay narito na ko sa kan'yang parlor shop. Isa ito sa mga sikat na parlor shop kaya madami ang dumadagsang taga ibang lugar para lang maayusan.
Isinuot ko muna ang aking shades bago bumaba ng sasakyan. Nakita ko na ang kaibigan ko sa loob na may inaayusang babae. Pumasok ako saka niya ko sinalubong pagkakita nito sa akin.
"Tagal mo ha, kanina pa kita inaantay. Halika tulungan mo ko ngayon dahil marami akong mga costumer na darating. Tinuruan na kita dati dapat alam mo pa din hanggang ngayon."
"Paano na ko mag eemote kung pagtatrabahuin mo naman ako rito. Ayaw ko sanang kumilos muna kung puwede sana Merylle. Wala ako sa mood para tulungan ka."
"Kalimutan mo muna ang problema mo. Tutulungan kitang kalimutan ang lahat ng hinanakit sa puso mo. Kailangan mong lumaban Celestine, tulungan mo ang sarili mo okay," pangungumbinsi nito sa akin.
Humugot muna ko ng malalim na hininga saka ko siya sinagot. "Titignan ko kung makakaya ko Merylle." Pumalakpak siya sa tuwa at tipid akong ngumiti sa kan'ya.
"Mabuti pa ay umpisahan na natin para makarami."
Sumunod ako sa kan'ya at binigyan niya ko ng uniporme. Abala ang lahat ng mga empleyado dito nang may isang naghahabol hininga dahil sa sobrang pagod nito ng makaratong jto sa amin.
"Anong nangyari sayo at para kang hinabol ng kapre?" Puna ni Merylle.
"Marami na pong nagsisidatingan Mam, mukhang hindi natin to makakayang asikasuhin ang lahat."
Nagkatinginan kami ni Merylle at mukhang mapapasabak ata kami ngayon.
"Sumunod ka na lang Celestine," lumabas na ito sa kan'yang opisina pagkasabi niyang 'yon. Nagmamadali din akong magbihis at nang matapos na ko ay saka ako lumabas. Bawat costumer ay may nakatokang inaayusan ang iba ay ginugupitan at ang iba ay nagpapalinis ng mga kuko. Lahat ng trabaho dito ay hindi na mahirap gawin para sa akin dahil sa mga turo ni Merylle dati pa.
Maya't-maya ay inumpisahan ko na ang pagtatrabaho. Sa akin binigay ang isang costumer na Ginang at kita sa kan'yang postura na mayaman ito. Nang matapos ko na siyang ayusan ay namangha ito sa kinalabasan.
"Wow, good job!" manghang sabi ng isang costumer sa akin. "Hindi ko akalain na napaka elegante ng pagkaka ayos mo sa akin iha," sabi ng mayamang Ginang sa akin na mukhang mabait.
"Salamat po Mam." May lumapit na isang matandang lalaki saka nagbeso beso silang dalawa.
"You look gergous sweetheart," puri ng Ginoo na asawa niya siguro ito.
"Siya ang nag ayos sa akin sweetheart," turo niya sa akin. "Gusto kong ikaw na ang regular na mag aayos sa akin. Puwede ba 'yon iha?"
"Puwede din po Mam," agad kong sagot sa hindi ko malaman ang dahilan kung bakit kusa na lang binigkas ng aking bibig ang mga katagang iyon.