Kinabukasan, maagang nagising ang dalawa. Sumilay ang mga ngiti nila sa labi nang makita nila ang isa't-isa. "Good morning," ngiting sabi ni Ezeckiel sa batang paslit na kaharap niya. Medyo inaantok pa ang itsura nito at gusto pang matulog. "Antok pa po ako papa," inaantok pa niyang sabi at ipinikit agad nito ang mga talukap niyang mga mata. Nakangiting humalik pa muna ito sa noo bago pa bumangon si Ezeckiel sa sariling kama. Maingat na nagtungo agad ng banyo si Ezeckiel upang hindi magising ang natutulog na batang si Kael. Kaagad din itong natapos na maligo at sa paglabas niya ay nadatnan niyang narito sa loob ng kan'yang kuwarto si Vicky. Nagulat ang bawat isa nang magtama ang kanilang mga mata. "Ah sorry sir kung pumasok ako dito sa kuwarto mo. Kanina pa kasi ako kumakatok pero w

