CASPER Dalawang linggo na ang nakalipas matapos ang kaarawan ni Bhelle. Nakabalik nadin si Kuya Johann sa Amerika. Ngayon ang araw nang bakasyon nang mga magulang namin sa Palawan dalawang linggo sila doon. Matagal na nilang plano ang mag-bakasyon. Kami lang ni Bhelle ang maiiwan sa bahay nila. Kaya naman na namin magluto at asikasuhin ang sarili namin. Nagkataon din kasi na nagbakasyon ang kasambahay nila dahil nagkasakit ang anak nito kaya umuwi muna sa probinsya. Nagpaalam na si Mommy at Daddy sa akin ganoon din sila Tita Grace at Tito Greg kay Bhelle. Nagbilin lang sila sa amin at kapag nag-kaproblema ay tumawag kami sakanila. Ibinilin din, lagi ang pag double locked sa bahay para safe kami. Matapos ang mahabang bilin ay umalis na sila. Mag-kahawak kamay kami ni Bhelle pumasok sa l

