BHELLE Excited!! Akong gumising ngayong araw. Kaarawan ko na isa na akong ganap na dalaga 18th birthday ko ngayon. Masaya ako kasi icecelebrate ko ang aking kaarawan na kumpleto ang pamilya ko, umuwi kagabi si Kuya para sa aking kaarawan. Umuwi daw siya dahil siya ang mag escort sa akin. Sinabi ni Mommy na si Casper ang escort ko, pero hindi pumayag si Kuya para siyang bata na nagmamaktol na inagawan ng candy. Mabuti nalang at mabait si Casper sinabi nalang nito na pagbigyan nalang si Kuya, alam niya kasi kahit anong gawin nila ay hindi naman sila mananalo kay Kuya. Maaga palang abala na ang mga kinuha ni Mommy para mag ayos sa party na gaganapin mamaya. Ang gaganda nang mga dekorasyon na pinagawa ni Mommy. Maging ang hagdanan na bababaan ko mamaya ay punong puno nang mga mamahaling bula

