" BELLE "
Isang linggo na ang nakalipas simula nang matapos ang Mister and Miss Intramurals. Sa ilang araw na lumipas walang kasing saya ang naramdaman ko sa piling ni Casper. Kada araw na lumilipas ay lagi niya pinararamdam na mahalaga at mahal niya ako. Wala naman naging problema sa mga magulang namin Basta unahin daw muna namin ang pag aaral bago kami mag-desisyon sa ilang bagay na baka pagsisihan namin sa huli.
Malapit nadin sumapit ang aking kaarawan mag didisi-otso na ako ilang mga linggo nalang. Lalong nadagdagan ang mga inspirasyon ko sa pagaaral, katulad ngayon andito si Casper sa bahay para sunduin ako sa pagpasok. Araw araw kaming sabay pumasok at umuwe sa eskwela.
"Babe! are you ready? Wika ni Casper sa'kin.
"Yes babe, Hmm sabi nila Trixi at Kate sa venue na daw tayo magkita kita mamayang lunch sabay sabay na daw tayo." Sagot Kay Casper.
"Let's go baka malate kana sa class mo, ang sungit pa naman ni Ms Cruz pag nalalate."Muling wika ni Casper.
"Ewan ko ba Kay Miss. Cruz napakasungit, wlaa siguro ng boyfriend yon, laging nakasimangot, parang kulang sa lambing, Wala siguro ng love life yon."Saad ko kay Casper.
"Kulang lang sa dilig yon si Miss Cruz." Natatawang wika ni Casper.
Papasok na kami ni Casper sa Campus halos lahat nang mata ay nakatingin sa amin, gawa nang nangyari sa event, marahil ay kumalat nadin ang balita tungkol sa naganap nong pageant.
May mga natuwa at meron ding hindi. Hindi ko nman sila magsisisi dahil kilala si Casper na heartrob dito sa campus at madami din nagkakagusto sakanya. Kaya hindi ko padin lubos maisip na parehas kami nang nararamdaman sa isat-isa.
Hinatid niya ako sa building namin hanggang sa room na papasukan ko.
"Baby wait mo ko mamaya ah, sunduin kita dito maaga naman ang labas ko kesa sa klase mo, sabay na tayo maglunch nang mga kaibigan natin."Wika ni Casper.
"Sige Babe! gusto ko din sila makasabay sa lunch malamang yan, tampulan nanaman tayo nang tukso isang linggo na nakalipas parang di padin sila nakamovon ahays."Nangingiting sagot ko kay Cas.
"Sige na baby pasok na sa loob, parating na si Ms.Cruz.
Bye! Baby I love you." Muling wika ni Casper. Matapos ay hinalikan niya ako sa labi bago umalis.
Matapos ang klase ko, sumapit na ang lunch break, napansin ko na parang umiiwas na sa akin si James sa hindi ko malaman na dahilan. Nagtataka ako nagumpisa lang to pagkatapos nang pageant. Nang gabing magtapat din si Casper. Pwede naman kaming maging mag kaibigan kahit na mag nobyo na kami ni Cas. Bago ko makita na paalis na siya mabilis kong hinarang ang katawan ko sa dadaanan niya para mapahinto siya. Gusto ko kasi kausapin si James dahil kahit papaano at naging mabuti siyang kaibigan sa akin bukod dun willing naman ako maging kaibigan siya.
"James! James! sandali, may problema ba tayo?" bakit nitong mga nakaraang araw, hindi mo na ako pinapansin. Galit kaba sa akin? Wika ko kay James.
"May dapat ba akong ikagalit sayo Belle?"Sagot ni James sa akin.
"Alam ko nagtatampo ka sa nangyari James, pero andito padin naman ako bilang kaibigan mo. I'm sorry James."Saad ko sakanya.
"Okey lang Bhelle masaya ako na kayo ni Casper yan naman ang matagal mong gusto diba, totoong masaya ako wag kang mag-alala. Ang makita ang babaeng gusto ko sa taong makakapagpasaya sakanya ay isang kasiyahan nadin sa akin. Dadating din ang babaeng para sa akin Bhelle, sa ngayon gusto ko muna nang space yon lang ang hinihinge ko sayo. Lilipas din ito pangako. Mag- enjoy kalang sa piling ni Casper at wag mong hahayaan na masira kayong dalawa."Mahabang wika ni James. Bago tuluyan na iwan ako.
Mapalad ang babaeng mamahalin mo James, dahil tunay ang pagmamahal na inaalay mo. Hangad ko din na makita mo ang kapalad mo, Masaya ako at naging kaibigan ko ang tulad mo. Hihintayin ko ang sinabi mo, na papalipasin mo lang ang sitwasyon. Piping usal ko sa sarili ko.
Nakita ko si Casper na palapit sa akin habang nakangite, pinagmamasdan ko siya habang palapit sa akin, hanggang ngayon hindi ako makapaniwala na ang kababata ko noon ay boyfriend ko na ngayon. Isang malapad na ngite ang ibinigay ko sakanya, may dala siyang isang stem nang roses at ibinigay niya sa akin kasabay nag paghalik niya sa akin.
"Let's go Baby naghihintay na sila Vince at nandoon na daw ang mga kaibigan mo." Wika ni Casper.
Niyakap ko siya at umiyak ako sa kanyang dibdib. Hangang ngayon apektado padin kasi ako sa paguusap namin ni James. Kumuha ako nang lakas at paglalambing na mangagaling sakanya. Inangat niya ang ulo ko at pinunasan ang luha na dumaloy sa mukha ko.
"What's wrong?may umaway ba sayo?"Tanong ni James.
"Wala Babe kanina kasi nagusap kami ni James, sinabi niya sa akin masaya siya para sa atin, napaka bait nang kaibigan ko na laging kapakakanan ko ang inuuna niya." Sagot ko Kay Casper.
"Darating din ang para Kay James baby sa ngayon puntahan na natin ang mga kaibigan mo, Kilala mo naman ang mga yon, baka panay na reklamo sa tagal natin."Nangingiti niyang sagot sa akin.
Papasok na kami sa restaurant na napili nang mga kaibigan namin, kita ko sakanilang mukha ang pagkakayamot sa amin ni Casper at alam ko na gutom na gutom na sila, naiinis at naiinip na kakahintay samin dalawa.
" Mabuti naman at dumating na kayo akala namin hindi na kayo sisipot. Gutom na gutom na ako."Reklamo ni Trixie.
" Sorry guys sige na magorder na tayo."Wika ko sakanila.
" Baka naman sumegway pa kayo, simula nang maging kayo lagi na kayong hindi mapaghiwalay baka magulat kami, ay! wag na nga!"Asar ni Kate.
" Kate honey! gusto mo ba tayo nalang magsegway san mo ba gusto."Wika ni James Kay Kate .
"Vince sapak gusto mo?"Ganting asar ni Kate na nakaumang pa ang kamao kay Vince.
Isang malakas na tawanan ang namayani sa loob nang restaurant, dahil sa mga kalokohan nang mga kaibigan namin, hindi nagtagal dumating nadin ang mga inorder nilang pagkain at kumain na kami habang malakas pading nag aasaran si Kate at si Vince.
Napansin ko si Trixie parang wala sa mood panay lamang ang sulyap nito kay John na tila balewala lang ang mga tingin na binigay ni Trixie.
Kinalabit ko si Casper at nginuso ko si Trixie at John kibit balikat lang ang sinagot niya sa akin. Ano man ang problema nang dalawang ito panigurado napikon nanaman sa asaran nila.
Itinuloy ko nalang ang ang pagkain ko habang panay ang pagsubo ni Casper sa akin. Masayang masaya talaga ko sa mga araw na dumadaan na kasama ko siya......