Chapter 9 - Together -

1226 Words
" CASPER " Pinaghandaan ko ang araw kong saan ito ang araw kong saan aaminin ko kay Belle ang totoong nararamdaman ko sakanya. Inaya ko ang mga kaibigan ko na samahan ako sa performance na gagawin ko. Yong lahat nakahanda na tapos biglang sisirain ni Yana ung mood ko. Diko tuloy maiwasan magalit at na nauwe sa pagtatalo ang usapan namin. May mga bagay kasi na hindi ko gusto sakanya. Nainis pa ako na sadyain niyang tapakan ang gown ni Belle. Mabuti na lamang ay maagap na nakahawak siya kay James kong hindi malamang nasubsob si Belle. Gusto ko siyang sitahin pero nasa kalagitnaan kami nang pageant. Nang tinawag si Belle at mga kaibigan niya sa talent portion, labis na tuwa ang naramdaman ko nang makita ko siyang kumakanta sa taas nang stage at sumasayaw. Napaganda niya talaga ngayong gabi, humahanga ako habang pinagmamasdan ko siya na nagperform tunay ngang napaka husay nang aking kababata. Bata palang kami mahilig na si Belle sa pagsasayaw at pagkanta. At talagang mahilig siyang lumaban sa mga ganitong patimpalak. Lagi din na kasuporta sakanya ang kanyang mga magulang, dahilan para Lalo siyang magpursige sumali sa mga ganitong event. Nang tinawag ako para sa aking talento, umakyat ako sa stage at ang mga kaibigan ko, inumpisahan ko ang pag stram sa gitara ko. Kinanta ko ang kanta ng EACH DAY WITH YOU ni Martin Nievera. Habang inistram ko ang gitara ko, inumpisahan ko umawit,habang ang mata ko ay titig na titig kay Belle. Alam ko na naguguluhan siya sa mga kilos ko, pero pinagpatuloy ko padin ang pagkanta ko habang nagumpisa na ako mag adlib kong saan nakita ko bumuhos na ang kanyang luha. Kinakabahan ako habang kumakanta dahil natatakot ako na baka hindi kami parehas nang nararamdaman ganoon pa man ay pinagpatuloy ko padin hanggang ipahayag ko ang aking nararamdaman sa harap ng mga kaklase, kaibigan, instructor's at higit sa lahat sa amin mga magulang. Gulat na gulat si Belle sa sinabi ko habang umiiyak. Alam ko sa gabing ito malalaman ko kong parehas nga ba kami nang nararamdaman kong may patutunguhan ba ang lahat ng ginagawa kong to. Matapos kong kumanta bumaba ako sa stage at tumakbo palapit sakanya at niyakap ko siya nang mahigpit. Natuwa ako na tulad ko ay iisa lang ang nararamdaman namin. Natatakot din pala siyang aminin yung nararamdaman niya dahil tulad ko takot din siyang masira ang aming friendship. Sa labis na kasiyahan ko nahalikan ko si Belle nawala sa isip ko na nasa isa kaming contest dahil sa sobrang saya na nararamdaman ko. Pagtikim ng daddy niya ang ngpahiwalay samin at tawanan ng magulang at kaibigan namin na sumaksi sa amin ni Belle. Mabilis akong bumalik sa pwesto ko at nagpalit nang damit, dahil tuloy padin ang contest, ngayon ang isip ko manalo o matalo man okey lang sa akin kasi ang malalaman ko na parehas kami nang nararamdaman nang taong mahal ko ay malaking panalo na para sa akin. Tinawag na muli ang mga pangalan namin para sa Qustion and Answer portion. "Mr. Easton Casper Felix ito ang tanong mo?" Gawa nang makabagong panahon ngayon, marami sa mga kabataan ang mapupusok padin sa lahat nang bagay. Ikaw bilang isang kabataan ano ang masasabi mo sa mga kapwa mo gen-Z na maari mung iadvice pagdating sa pagiging mapusok sa pag ibig dahilan para magkaroon nang mga early pregnancy na tinatawag?" Tanong sa akin ng hurado. "Una sa lahat pinasasalamatan ko ang mga magulang ko kasi andito sila para suportahan ako, pangalawa sa babaeng tanging inspirasyon ko araw araw at sa mga kaibigan ko na handang sumuporta sa akin sa lahat nang bagay. Eto na po ang sagot ko; Ang mapapayo ko lang po sa kapwa kabataan ko, kailangan hindi maging padalusdalus sa lahat nang desisyon, kailangang laging balance lang sa mga gagawin. Syempre kailangan natin huminge ng mga advices sa ating mga magulang para magabayan tayo sa mga desisyon natin kong makakabuti ba o hindi. If ever man dumating kami ng partner ko sa stage na mabuntis ko siya hawak kamay namin yon haharapin. Pero sa ngayon pagaaral muna ang dapat unahin at siguro mas maganda na pinaguusapn ninyo magpartner ang mga bagay bagay regarding sa pagiging mapusok. Iwasan qng mga bagay na makakapagdulot nang pagiging mapusok." Sagot ko sa hurado. Matapos ang tanungan sa bawat contestants ay inanunsyo na ang bawat panalo. Nanalo si Belle na Best in Talent sa babae, tunay nga naman na kinabog niya ang buong gabi sakanyang naging performance. Si Yana naman ang Best Sportswear sa babae. Si James ang tinanghal na Best in Talent pag dating sa aming mga lalaki. Ako naman ang tinanghal na Best in Pogi, syempre malaking eme lang tinanghal ako na Best in Sportswear din tulad ni Yana. Ang nanalo na Miss Intramurals walang iba kundi ang babaeng minamahal ko at ubod nang ganda. Litaw na litaw ang angkin nyang kagandahan walang iba kundi si Belle masayang masaya ako dahil nagtagumpay siyang manalo, nagbunga lahat nang pagod at praktis nilang magkakaibigan para paghandaan ang patimpalak na ito. Syempre kong may Miss Intramurals na tinanghal meron din Mister Intramurals walang iba kundi ako si Easton Casper Felix, tinanghal na pinaka gwapo sa event. Masayang masaya ang mga magulang namin, na kami ni Belle ang nanalo. Dahil sa pagkakapanalo namin ni Belle nag-aya si Daddy na kumain sa bahay namin at nagpaluto daw ito nang maraming pagkain. Kasama namin ang mga kaibigan ko at kaibigan ni Belle na magpunta sa bahay para icelebrate ang pagkapanalo namin. Hawak ko lamang ang kamay ni Belle habang pauwi kami, ayokong bitawan ang kamay niya baka pag gising ko kasi ay panaginip lang pala ang lahat nang to. Nakarating na kami sa bahay at lahat ay maganang kumakain habang nag aasaran nang magsalita si Tito Eric. " Casper kami ay hindi tumututol sainyo ni Belle sa katunayan masaya nga kami at ikaw ang magiging nobyo niya, bukod doon at kilala kana namin, pero hijo ang hiling ko lang sana makatapos kayo nang pagaaral, in two months kaarawan na ni Belle 18 years old na siya marami pa kaming pangarap para sakanya kaya hinay hinay muna kayo mga anak." Payo ni Daddy. " Naku Casper panigurado magandang lahi ang ibibigay ninyo ni Belle wag ka makinig sa Tito Eric mo masyado na yang bitter sa life." Wika ni Mommy habang si Daddy at Tito Eric ay napasapo nalang sa nuo at iiling iling kay mommy. " Anak seryoso kami, hangang maari umiwas kayo sa tukso, alam naman namin na mapupusok ang kabataan ngayon, mga Bata pa kayo, madami pa kayong mararating kaya hangang maari umiwas muna kong kailangan. Huwag kayo makinig sa mga mommy nyo na kanina pa nangplaplano nang kong anu-ano."Wika ni Daddy. "Huwag po kayong mag alaala Tito ako pong bahala kay Casper. Hindi naman siguro yan lalabag sa kagustuhan ninyo, saka di nya din naman ako mapipilit kapag ayoko."Wika ni Belle. " Tama yan hija sayo may tiwala ako, pero sa anak kong maloko, duda ako lalo nat matanda sayo yan ng dalawang taon kaya, alam ko nasa kasagsagan yan nang pageexplore. Tama ba ako Vince at John amoy na amoy ko kayong tatlo eh."Wika ni Dad. "Palibhasa kasi gawain nila Mhel nong kabataan nila,takot sa sariling multo."Natatawang ani ni Tita Grace mami ni Belle. Isang malakas na tawanan wng namayani sa buong dining area habang kumakain........
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD