BHELLE Excited ako sa bakasyon namin ni Cas bukas sa resort nila Vince. Pero sa kabila nang excitement na nararamdaman ko ay hindi ko matatago ang lungkot sa mga mata ko. Parang hindi ko kaya lumayo kay Cas nang matagal kahit sabihin pa niya na tuwing weekend ay uuwi siya kasabay ng magulang niya. Andito ako ngayon sa kwarto ko, nagmumukmok. Hindi ko kasi maintindihan ang nararamdaman ko. Masyado ako apektado sa nalalapit namin pag-hihiwalay na dalawa. Nakita ko si Mommy na pumasok sa kwarto ko na may dala ng paborito kong meryenda. "Wow! mommy ang sarap naman niyan!"Wika ko kay mommy na tuwang tuwa naglaho bigla ang kalungkutan ko nang makita ko ang meryenda ko ay "Ginataang Bilo-bilo na may kasamang inangit. "Namiss ko ang Unica hija ko, simula nang mag-kanobyo nakalimutan na ata y

